Chapter 8 What Now?

50.2K 1.1K 118
                                    

"Sometimes it's okay not to make plans, let your heart take you to where it wants to be. You'll be surprise how fun it could be."

Camille POV

"Hoy babae!" Untag sa akin ni Ana. Nakaupo na pala ito sa ibabaw ng lamesa ko.

"Ha? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya ng magbalik ang isipan ko sa kasalukuyan.

"Tsk. Tingnan mo talaga itong babaeng 'to." Napailing iling na sabi nito. "Di mo man lang ako namalayang pumasok,  ninakawan ka ng pera at umupo sa harap mo."

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan na ninakawan mo ako ng pera?"

"Oh tingnan mo? Eh di nabalik ka sa tamang huwisyo!" Palatak nito.

"Sira ulo ka talaga." Sabi ko dito. "Bumaba ka nga diyan!"

"Ano na naman ba kasi iniisip mo?" Tanong nito pero di pa rin bumababa sa pagkakaupo nito lamesa ko. "Or should I say, SINO?"

Haist, Ana. Kung alam mo lang kung anong nangyari sa akin kagabi. Na-stuck lang naman kaming dalawa ni Danielle sa elevator, inamin niyang naaalala niya lahat ng nangyari sa amin at errrr... hinalikan pa niya ako.

Gusto ko sana sabihin dito yun pero baka mas lalo lang ako nito asarin.

And you missed something lady. Tudyo ng malandi kong utak. TUMUGON KA SA HALIK NIYA!!!

Napangiwi ako dun. Naka-capslock na nga may tatlo pang exclamation point sa dulo.

"Hulaan ko best kung sino ngayon ang iniisip mo." Sabi ni Ana na kunwari'y nag-iisip. "It starts with letter D? And then A? Tapos ang sunod pa yata eh N at tsaka--"

"Tumigil ka nga diyan Ana!" Saway ko dito.

"So tama ako?"

"Na ano na naman?"

"Na si Danielle na naman ang laman ng utak mo?" May kasamang pilyang ngiti na sabi nito.

"Pwede ba, Ana? Tumigil ka nga diyan? Mamya may makarinig pa sayo." Saway ko dito.

"Haller?!" Maarteng bulalas nito sabay tirik pa ng mata. "Sound proof kaya itong opisina!" Nag- duh tone pa.

"Kahit na." Sabi ko naman. "Tsaka bakit ka ba nandito, ha?" Tumayo na ako't nameywang sa harap niya. Hanggang ngayon kasi di pa ito bumababa sa kinauupuan niya.

Ng bigla itong may maalala. "Ay shit! Oo nga pala!" Para itong nag-alala sa naalala. "Kaya pala ako nandito kasi kelangan tayo makausap ni ma'am Danielle!"

"Para saan na naman?" Kunwa'y tanong ko para pagtakpan ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko sa narinig.

Parang di pa kasi ako ready na makaharap siya after nung mga nalaman ko kagabi. Idagdag mo na rin yung kung anong nangyari pagkatapos niya akong ihatid sa bahay.

"Eh syempre para namang may bago." Sagot ni Ana. "Isa na naman to sa mga series of meeting na sinabi niya dati."

Haist. Ano pa nga ba? Di ko naman siya pwedeng pagtaguan dahil boss ko pa rin ito.

"Anong oras daw ba?" Tanong ko na lang.

Tumayo na din ito. "A-actually best...uhm.." Nag-aalangang sagot niya na pinaglalaruan pa ang dalawang hintuturo nito. Ganito itsura nito kapag guilty. "K-kanina pa sana eh." Nakatungo lang ito.

"Ano?!" Gulat kong bulalas dito. "Best naman eh, ba't ngayon mo lang sinabi?"

"Eh panu nagdeday dreaming ka pa diyan." Sisi nito sa akin.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon