"I didn't plan on falling in love with you, and I doubt if you planned on falling in love with me. But once we did, it was clear that neither of us could control what was happening to us. We fell in love despite our differences, and once we did, something rare and beautiful was created. For me, love like that has happened only once and that's why every minute we spend together has been seared in my memory. I'll never forget a single moment of it."
Camille POV
"Aaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy!!!"
Nailayo ko tuloy sa tenga ko ang cellphone na hawak ko at napapikit pa ang mata ko. Paano kasi parang may sunog kung tumili si Ana sa kabila.
Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Danielle ng gabi ding iyon tinawagan ko si Ana para ibalita yung nangyari kanina.
"Ana naman kung makatili ka parang may sunog sa kapit-bahay niyo." Saway ko sa kanya.
"Eh naman kasi best, nakakagulat!" Di pa yata nahimasmasan ito. "Kinikilig tuloy ako dito!"
I rolled my eyes. Pero di ko ding maiwasang ngumiti. Eh naman kasi kanina pabigla-bigla yung bunganga ko di ko na napigilan. Kaya hinayaan ko na lang.
"Ano pala sabi ni Dani ng sinabi mo yun?" Excited na tanong niya.
Inalala ko yung nangyari kanina...
"Because I want to." Sagot ko sa kanya.
Matagal bago ito nakapagsalita. Nakatulala pa rin ito sa akin na di makapaniwala sa sinabi ko sa kanya na gusto siyang pakasalan.
"Okay." Sabay hinga ng malalim na sambit niya.
"O-okay lang?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Umoo na ako sa kanya tapos sagot lang niya sa akin, okay lang? Seryoso ba siya?
Napakurap-kurap siya. Parang ngayon lang yata natauhan.
She cleared her throat. "Pahinga ka na. Bukas na lang natin ito pag-usapan ng mabuti." Sabi niya. "You don't look good."
"Danielle..."
"Sige na Camille." Sabi pa niya. "Nanlalalim pa rin ang mga mata mo. Halatang kulang ka sa pahinga." Concern na sabi niya.
Ikaw naman may kasalanan eh. Yun sana sasabihin ko pero di ko na lang itinuloy. Kakatapos lang namin magsagutan at ayoko na maulit pa.
"Mukha na ba akong zombie?" Tanong ko sa kanya biglang na- conscious sa itsura ko.
Ngumiti siya sa akin tsaka umiling-iling. "No. You're still beautiful."
Para namang biglang nag-init yung pisngi ko sa narinig na papuri mula sa kanya. Madami na rin naman nagsasabing maganda ako, pero kapag siya ang nagsasabi parang iba yung epekto niya sa akin. Kinikilig ako ganun.
"Sige na." Malumanay na sabi niya at iginiya ako sa may pintuan sa gate. "Let's talk about this tomorrow."
"I-ikaw ang bahala." Mahinang sabi ko.
"Magpahinga ka na muna sa ngayon." Malambing na sabi niya. Hinalikan pa ako sa noo. "Pasok na." Sabay tulak sa akin ng mahina papasok sa loob.
Pumasok na ako sa loob. "Ingat sa pagdadrive." Sabi ko.
Nangingiti tuloy ako sa loob loob ko para kasi kaming magkasintahan. Hindi na pala kasi technically, I'm engaged to her.
Tumango siya sa akin. Isasara ko na sana ang pintuan ng tinawag nito ang pangalan ko. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomansaCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...