Fere's POV
When life gives you lemons, grab a salt and take a tequila! Boom! Body shot! Haha. Haiii, with all the tragedies that happened in my life, I am still very lucky. Oh well papel. Ang mga dyosang kagaya ko ay di papadaig sa mga pangit na happenings sa buhay.
"Ferella!!!"
"Ferella!!!" Dalian mo buksan mo ang pinto kundi sisirain ko ito!"
"Patricia nga, kanino bang unit to? Bruhang to! Sandali lang"
Kagaya na nga ng pagdating nitong bff kong si Patricia, aba'y hindi ko mawari kung isa syang lemon o tequila! Sisirain nya raw ang pinto, hindi ba nya naaalala na kanya itong unit at pinapatira nya lang kami ng mga kapatid ko dito ng libre? Haii Baliw.
"Antagal mo kasing magbukas ng pinto!"
"Aba! Eh nagwawalis po ako sa kwarto ano! Ano bang sadya mo dito at ginugulo mo ang payapa kong buhay."
"Magbihis ka dali!"
"Tingin mo ba ay nakahubad ako Patricia"
"Fere, tigilan mo muna ang sarcasm mo please. Imeet natin si Lola sa coffee shop."
"At bakit na naman? Patchie naman, wag naman ako ang daragin mo ng daragin! Alam mo namang maghahanap pa ako ng tarbaho!"
"Kaya nga, magbihis ka na at sumama ka sa akin!"
"Kaya nga, wag ako ang kaladkarin mo! Ayun si Tamie, pwede yun anytime, si Ishie after ng school o kaya si Aira. Maghahanap pa ako ng trabaho! Wala akong ipangeenroll dun sa dalawa kapag sumama ako ng sumama sayo! Ano ako? Kargo mo habang buhay. Aba Patchie, may pangarap pa din naman ako. Gusto ko pa din naman makabayad sa inyong apat kahit papaano. Alam mo—"
She cut me by shooting draggers on me. Shit! Nakakatakot talaga ang rolling eyes nito ni Patricia.
"Kung sana pinatatapos mo ako, wala kang drama. Ang gusto ko lang sabihin ay makikipagkita tayo kay Lola kasi may naisip syang trabaho para sayo. Naiintindihan mo ba?"
"Trabaho ba Patch?"
"Bakulaw ka talaga, mabilis pa rin talaga ang bibig mo sa utak mo. OO, work, trabaho, job. May alam si Lola kaya nga hihilahin na kita kasi kanina pa dapat tayo andun at naghihintay na sya."
"Hala, hindi pa maayos ang itsura ko Patch."
"Ayun na nga ang sinasabi ko sayo kanina kaya lang di ka nakikinig at wala na tayong oras kasi nga kanina pa si Lola sa coffee shop. Nagmamadali yun kasi may flight pa yun bukas. Kailangan nya na malaman ang sagot mo kaya hiihintay ka nya. Kaya please, mamaya ka na magwalling. Halika na."
At wala na nga po nagawa ang Dyosang ito kundi sumama sa kanyang kaibigang mortal. Maganda naman ang kaibigang kong ito. Yun nga lang ang level nya ay gandang pantao lamang. I laughed hard in my mind. HAHAHAHA. Kung nababasa lang ni Patch ang nasa isip ko.
Si Patch ay isa sa apat kong kaibigan. Yes, apat lang ang kaibigan ko, si Patricia "Patch" Hernandez na kasama ko ngayon, si Tatiana Chen-Santiago, Si Aira Montenegro at Ishiella Sullivan. Silang apat ang tumulong sa akin para hindi ako tuluyang malunod sa trahedyang nangyari, magiisang taon na ang nakakalipas. At hanggang ngayon, sila pa din ang tumutulong sa akin, sa amin ng pamilya ko. Si Patch ang mayari ng unit na tinitirhan namin. Si Tamie ang sumusuporta sa pangangailangan ni Mama sa asylum. Si Aira ang nagpapaaral sa bunso kong kapatid. At si Ishie naman ang nagpapaaral din sa isa ko pang kapatid, sila rin ang tumulong sa amin sa legal matters mula ng masangkot ang pamilya naming sa isang trahedya.
"Tulaley ka na naman Fere. Ano? Naabduct ba ng alien yang presence of mind mo?" Patch
"Baliw ka! Kausap ko sila at gusto nilang kunin ka, nakikipagbargain ako na wag kang kunin."
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.