Fere's POV
It's a Sunday pero may activity sa school ni Faye. Kaya heto kami at nagpeprepare pero etong si Fate, may sarili nyang lakad.
"Ano ka ba naman Fate! Kailangang andun tayo! Family affair nga diba?!"
"Si ate naman. May tatapusin nga po kaming project."
"Hindi! Sasama ka sa school ni Faye!"
"Ate naman. Hindi nga pwede!!"
"FATIMA!!! "
"Wife. Let her, may project si Fate kaya hindi sya makakasama."
"Isa ka pa! Iniispoil mo yang dalawang yan kaya hindi nakikinig."
He hug and kiss me. Talagang magkakakampi na sila.
"Wife. Wag ka na nga magpakastress. C'mmon. Let's eat na para makapunta na tayo sa school ni baby Faye."
Napasimangot naman si Faye.
"Si Kuya nga. Hindi na nga po ako baby! Dapat kasi nagagawa na kayo ng baby para hindi na ako baby. Grade 1 na po ako. Hindi na po ako baby!!"
"Ay ang baby Faye." lalo naman syang pinagtripan ni Yuseff at pinagkikiliti.
"Ay naku, tumigil na nga kayo. Sige na, magsikain na tayo. Ikaw Fate, sumama ka hanggang mass, tsaka ka na lang umalis after. At siguraduhin mong project yang ginagawa mo ha! Kayong dalawa, kain na."
Buti naman at sumunod ang tatlong ito. After we ate, nagprepare na kami.
"Wife, seriously. Why do I need to wear this pink polo?"
"Eh syempre gusto ko pareparehas tayo."
"Of all the colors wife. You should have chose blue or green."
"Maganda naman ah?!"
"Wife, you really think this looks good?!"
"Yes, and you're sooo damn hot. Kita mo nga, we are so bagay! Ganito din ang kulay ng dress ni Faye."
Kita ko talagang hindi sya natutuwa sa kulay ng damit nya.
"Sige na nga, magpalit ka na. Akina na yang polo shirt mo, baka may ibang may gusto ng ganyan."
"No. My wife wants me to wear this."
"Ihhhh. Ang bait ng hubby ko. Mamaya may premyo ka sa akin!"
"Why don't you give it now?!" Sabi nya while pinning me on the wall
"Ooooppss. Malalate na tayo hub. Later talaga, promise! C'mmon, magmamass na tayo."
It's almost time nung dumating kami. Sa may bandang likod na kami umupo para hindi na takaw pansin. Actually the mass isn't required pero since it's Sunday, the school offered a mass. After nito pa yung activities.
The mass has ended kaya naman itong si Fate ay gustong gusto na umalis.
"Fate ha! Siguraduhin mong project yan! Kung hindi may kalalagyan ka talaga sa akin."
"Ang ate naman. Andami na namang sinasabi."
"Fate ha! umuwi ka ng maaga!"
"Opo na. Baon ko ate?"
"At bakit kita bibigyan? Sunday ngayon, hanggang Friday lang ang pasok mo."
"Hala si Ate. Paano kaya ako mamamasahe? Ate naman eh!"
"Ayan 200. Ibalik mo ang sukli."
"200? may sukli pa ba to? pag nga nalaglag ang piso hindi na ako makakauwi eh."
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.