Fere's POV
"Siguraduhin mo lang Fere na kakayanin mo ang pinsan ko ha." Patchie warned me as her eyes roll
"Oo naman Patch, wala ka bang bilib sa akin?" I said and winked at her
"Wala! Wag mo yung landiin! Alam na alam kong matagal mo na yung crush kaya wag mo yung landiin."
"Ang damot mo sa lovelife! Malay mo naman, sya na talaga."
"Ano ka! Basta makinig ka sa akin! Wag kang umasa dun! Monster yun! Ingatan mo yang puso mo!"
"Hala sya! Heart snatcher ba ang pinsan mo?"
"Haiii naku Ferella! Tandaan mo! Wala kayong pag asang magka love life!!"
"Edi ikaw na masaya ang love life!"
"Ate Fere! Ate Patchie!"
"Hi baby Faye!"
"Ate Patchie, hindi naman na ako baby eh."
"Ihhhh, dalaga na ang baby Faye namin nahihiya na yan. Haha"
"Ate Fere oh, si Ate Patchie."
"Ay nako Patricia, wag mo paiyakin yang si Faye ha."
"Ay, hindi ko naman papaiyakin. Halika nga Faye kiss naman ako, ang ganda talaga ng batang to eh, dapat ako ang kapatid mo, mas bagay tayo magkapatid. Hahaha."
"Bastos ka! Parang wala ako dito ah."
At humagikgik naman si Faye, nagpaalam syang maglalaro lang daw muna. Faye is my youngest sister. She's so adorable.
"Patch, salamat ha?"
"Saan naman?"
"Dito sa bahay, sa trabaho, sa hindi pagiwan sa akin."
"Teka, drama ba to? Wait di ako prepared."
"Patch naman eh. Seryoso ako, salamat talaga."
"Ano ka ba naman Fere. If tables were turned at sino man sa amin ang na anjan sa kalagayan mo, I know you'll do better than we. We are friends since in our nappies, wag ka na madrama okay?"
I just hugged her. Nagpaalam na din si Patch kasi may lakad pa daw sila ng boyfriend nya. If not because of them, I won't be able to stand again.
"Ate, may work ka na daw sabi ni Ate Patchie?"
"Oo Fate, may work na ako, kaya sure na sure na makakapasok kayo ni Faye."
"Talaga ate?"
"Yes."
"Pwede na ba natin puntahan si Mama?"
"Mejo malayo kasi ang ospital kung asaan si Mama girls, kaya sa sweldo na lang ni ate para may madala din tayong pasalubong sa kanya pag dalaw natin. Okay ba?"
"Okay yun Ate!"
"Pero, may pwede tayong puntahan."
"Saan ate?"
"Kay Lola tsaka kay Papa."
"Yehey! Ngayon na ba ate? Magbibihis na ako!" Fate
"Sige Fate, papaliguan ko lang si Faye at aalis na tayo."
Wala pang isang taon nang magkasunod na mamatay sila Lola at Papa kaya sariwang sariwa pa ang sakit ng lahat sa akin. Who would have thought na ang kagaya ko ay makakaranas ng ganitong kahirap na buhay? I never thought of this, neither thought of me being responsible.
Once, I was just a selfish bitch who does what she wants. I was just a bitch who enjoyed playing. Wala sa isip ko na mangyayari ito. Pero kailangan kong maging matatag, hindi para sa akin, kundi para kina Fate at Faye. Fate is just 15 and she'll just be going to senior high, si Faye, 7 years old pa lang, baby na baby pa. They are too young to experience everything right now. Everything's too heavy for them now, kaya ako muna. Kahit mahirap, kahit masakit aakuin ko na muna. For my sisters. For the life they should have and not this one. This life full of tragedy and pain.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.