Fere's POV
My weekend was well spent. Slowly, I am feeling the feelings I haven't felt for 5 years. I am slowly taking everything back. My Yuseff is back to being my Hubby. He was so sweet and possesive again. I am seeing him as if we have not lost 5 years of being together. I am being alive again.
Maaga umalis si Faye at Yuseff pabalik ng Manila. At dahil Monday, matatraffic sila kung late sila aalis. Si Manang Yolly naman ay mamaya pa siguro dadating. Umalis muna sya para mamalengke ng aming supply for a week. Nagpaalam din sya na dadaan muna sya sa bahay ng kanyang kapatid na nasa bayan. Hindi na kasi kami nakapaggrocery kahapon dahil sa pagod.
Ngayon, ihahatid ko muna si Yugi. Sobrang lapit lang naman ng school nya. 10 minute walk lang mula sa bahay. Karamihan nga sa napasok dito ay mga taga rito lang din sa village.
"Good Morning po Mrs. Hernandez."
"Good Morning din po Teacher Mei. Iiwan ko po si Yugi today, susunduin ko na lang po ulit sya later."
"Sige po Mrs. Sasabihan ko na lang po ang guard."
"Thank you Teacher Mei."
"Anak, babalik na lang si Mama mamaya ha para sunduin ka? Kasi magluluto muna ako para mamaya paguwi natin may lunch na ikaw."
"Opo Mama."
"Bebehave ka ha nak?"
"Opo Mama. Mama, ingat ikaw po tsaka yung baby sister ko! Hihihi."
"Ikaw talaga. Wala pa naman ang baby sister mo nak eh. Kailangan pa tayo magpray at magwait."
"Antagal naman. Lagi lalang ako nagpapray eh! Sa night bago ako isleep, pray lang ako ng pray sa baby sister ko."
"Don't worry nak, malapit na sya dumating."
"Talaga ba yan Mama?"
"Oo, kaya dapat behave and wait lang tayo. Oh dito ka muna ha? Be good. Babalik ako to fetch you."
At dahil sa sinabi ko, nagood mood naman agad si Yugi at nagpaiwan na sa school. Kadalasan 3 hours lang ang klase nila pero dahil PE nila ngayon, magiging 4 hours. Di bale, magluluto lang naman ako tapos babalik na ako agad sa school para bantayan si Yugi.
Isa pa pala sa binigay ni Yuseff sa amin ay ang pangalan nya. After Yugi was discharged from the hospital, a new birth certificate was given to me. Yugi Gavriil E. Hernandez. Yugi is now Yuseff's son. I don't know how these papers are produced but what's important is Yugi's identity is now better. Anyway, after maospital ni Yugi, Yuseff was nothing but the best Papa. He's been a father to my son, and there's nothing more I can ask.
Naglakad na ako ulit pauwi sa bahay. Natatawa ako kapag naaalala kong pinagkokotse pa kami ni Yuseff kapag ihahatid si Yugi. Anlapit lapit lang ng school eh. Ang tamad kasi nun maglakad eh.
Malapit na ako sa bahay ng mapansin ko ang isang mamahaling kotse na nakaparada sa harap ng bahay. Kotse pa lng naghuhumiyaw na sa gara. Iniisip ko kung si Lola Pau ba ito? Bigla akong kinabahan kaya't lumapit ako at napansin kong bukas ang pinto sa likod ng sasakyan.
Isang babaeng maganda ang lumabas mula sa kotse. Nakaayos ang kanyang buhok. Maganda at halatang mamahalin ang kanyang damit. Hawak nya ang isang bag na kasing halaga ng isang bagong kotse. Nanginginang ang kanyang daliri sa mga bato ng kanyang singsing. Ganun din ang mga gintong alahas nya.
"Kristina."
Sa lahat ng taong nakilala ko, sya ang pinakapinagsisisihan kong kinaibigan at tinulungan. Ang sumira ng lahat ng mayroon ako.
"I'm glad you still remember me."
Sa kanyang dating at itsura ko ngayon, hindi ko maiiwasang kaawaan ang aking sarili.
"So it's real that you came back."
"Anong ginagawa mo dito?"
"I just wanted to visit our house."
Napatulala na lang ako. Is this house hers? Pero nung ikasal kami ni Yuseff, dito kami tumuloy.
"My son and I went to Russia for awhile. Kakauwi lang namin kaya I decided to visit this house. Yuseff told me that we'll stay here if I decided to come back for good."
I kept my silence. All I think now is how I regret meeting her. I should have not helped her son. I should have not accepted her coffee invite. I should have not let her enter our life.
"I see na dito ka nya muna pinatira. Well, Seff actually told me about your son. Thank God he is well. Asan na ba kasi ang real father nya? I mean kilala mo ba kung sino ang ama nya?"
I can feel my heart throbbing. Nanginginig ako sa hindi ko maidentify na emotion.
"By the way, I hope you signed the new annulment papers he prepared. Finally kasi I accepted his marriage proposal. After settling our differences."
She smiled victoriously at me.
"Anyway, I am sorry I have to leave so soon. Magkikita pa kasi kami ni Seff sa Manila. And don't worry, I am sure Seff's gonna give you a place to stay after your annulment. Lalo na't he grew fondness of your son. Paano ba naman, he missed our baby badly kaya naibaling nya ang pagmamahal sa anak mo. Osya, I'll be going ahead. It's so nice meeting you again."
Then she left.
Eto na naman ako. All I can do now is cry and think. Am I going to stay and wait? or run away the soonest? Hindi na ba matatapos ang heartbreak ko?
Yuseff's POV
"What are you going to do now that she's back?"
"Don't tell your wife yet."
"Hindi ko alam kung bakit ba kita tintyagang samahan ng samahan Yuseff. As I remember clearly, isa ka sa nagpahirap sa relasyon naming magasawa."
"You have no choice."
"Yeah. Ako lang kasi ang meron ka. haha."
"Cyrus, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko? What are you going to do?"
"I won't be in your situation you asshole! Buong buhay ko, I only love Patch. And I intend making her the only mother of my children."
Uminom na lang ako. Minsan wala din talagang saysay na kausapin itong si Cyrus.
"Pero pakiusap ko lang sa'yo, if you won't choose Fere this time, please let her know the soonest. She've been through a lot already, please spare her for another chaos."
"You don't know what you are saying."
"Ikaw ang hindi alam ang nangyari."
"I know everything. I hired a PI for 5 years para malaman ang ginagawa ni Fere. Why do you think I've reached her asap the day Lola askes me to get her back?"
"You are trusting so much the people you don't know. Para kang hindi businessman."
"What do you mean?"
"Minsan, those that can be seen by our eyes and heard by our ears aren't the most honest, most of the truth in life are felt."
"Lola and Patchie loved Fere so much, you should know why."
I sighed and took another shot. I need to think fast baka mamaya, mawala na lang ang lahat.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.