Fere's POV
Maagang maaga na may tumawag sa phone ni Yuseff.
"Hub, bakit?" I asked since Yuseff seems to be off
"Wala." He denied
"Hubby."
He sighed. "Patchie called. Iniwan daw ni Kristina si Clark sa bahay at iyak daw nang iyak mula pa kagabi. Hindi pa rin daw kumakain."
"Nasaan ba si Kristina?"
"Yun na nga! Hindi pa sumasagot. Hindi rin naman daw nagsabi kung saan pupunta."
"Puntahan mo na kaya ang anak mo Hub"
"Bukas na lang or later this evening pagkatapos ng check up mo."
"Ano ka ba, check up lang naman to. Bumalik ka na lang agad. Alam naman natin na maikli ang patience ni Patchie lalo na sa bata. Baka masakal nya na ang anak mo."
"Are you sure you can?"
"Sus! Oo naman ano. Kaya ko. Isasama ko na lang si Yugi."
"After na lang kaya nang check up mo?!"
"Hub, hapon pa ang check up ko, gagabihin ka na papunta sa metro. Your son needs you. Puntahan mo na."
"Kailangan mo rin naman ako diba?"
"Yes, pero mas kailangan ka nang bata. Pagtatalunan pa ba natin ito ha Yuseff?"
"But wife, nagaalala lang ako sa'yo."
"Kayang kaya na namin ito ni Yugi."
"Wife."
"Sige na Hub. Magpaalam ka na muna kay Yugi at nang hindi yun magtampo sa'yo. Hihintayin ka na lang namin."
"Mahal na mahal kita wife."
"I love you too. Sige na, mag-ayos ka na at tatanghaliin ka na. Kawawa naman ang anak mo."
Yuseff left already pero oras oras naman kung tumawag. Maya't maya din silang magkausap ni Yugi. Ako naman, sinamahan ko muna si Yugi sa day care tapos dumirecho na kami sa ospital. My first doctor is an internist, nirefer nya ako sa ob after nya ako macheck.
Pagdating ko sa OBgyne pinagPT nya ako. Sa totoo lang kinakabahan ako. Nakakatakot. Pero excited din ako.
The PT was positive. Yes, I'm pregnant.
"Congratulations Mrs. Hernandez, you are 10 weeks pregnant."
Mixed emotions ako. The feeling is so surreal. Totoo ba ito? Buntis ako ulit? Then I smiled and touched my tummy.
"Gusto nyo po ba mag ultrasound Mrs.?"
"Sige po Doc para maipakita ko sa asawa ko pag-uwi nya."
The doctor asked me to go to where I can have the ultrasound. May tatlo pang nakapila kaya naghintay muna kami ni Yugi so couch.
"Yugi, listen to Mama. Anak, magiging kuya na ikaw. Magkakaroon na tayo ng baby."
Yugi's eyes brighten.
"Kuya na si Yugi Mama?"
"Opo. Kaya behave ka na lagi ha? Mamaya papasok si Mama dun sa room na yun. Dito lang ikaw ha? Kukuhanan daw ng picture yung baby. Si Kuya, dito lang. Wag ka aalis dito ha? Wag ka sasama sa kahit kanino. Iwait mo lang si Mama dito. Wag ka tatanggap ng kahit anong food na bigay ng stranger. Naiintindihan mo po Kuya?"
"Opo Mama. Dito lang po si Kuya Yugi. Miiintay ko yung picture ni Baby saka si Mama."
Yugi was so happy yet he's so behaved. Gusto na talaga nya maging Kuya. Siguro nga kaya rin ako binebless dahil sa batang ito. We're so lucky we have him.
Ibinilin ko si Yugi sa isang nurse na nakaduty doon. The nurse seemed to be really delighted to look after my son. Paano napakagwapong bata. After ko ma-ultrasound tatawag na sana ako kay Yuseff. Kaya lang may isa pang babaeng bumunggo sa akin kaya nahulog ang phone ko at ultrasound film.
"So you're pregnant??!!"
"Kristina."
"Good thing you still remember me."
"Ayaw ko ng gulo Kristina."
I just snatched the film from her hands and go where Yugi is.
"Sandali lang Ferella."
"Ano bang kailangan mo?"
"Ang asawa mo."
"Pasensya ka na Kristina, pero tapos na ang pagpapahiram ko sayo ng asawa. Bumalik sya sa akin nang hindi ko pinilit kaya wala ka nang magagawa."
Pak. Isang sampal ang binigay nya sa akin.
"Minsan ko nang nagawa at kaya kong ulitin pa ulit yun. Hindi santo si Yuseff. Babalikan at babalikan pa rin nya kami ni Clark."
Hindi naman ako pumayag na hindi makakaganti kaya sinampal ko sya nang dalawang beses tsaka tinulak.
"Matagal akong nagtimpi sa'yong babae ka! Marami kang kasalanan sa akin. Ikaw ang sumira nang pamilya namin! Ikaw ang sumira nang buhay ko. Hindi ako papayag na gawin mo ulit yun!"
Akmang lalapit pa ulit si Kristina sa akin nang pigilan kami nang dalawang nurse. Napilitang lumayo si Kristina. Humingi ako nang pasensya at nagpasalamat sa pagtulong nila. Sa ngayon, ang dapat isipin ko ay ang baby sa tyan ko. Ang baby namin ni Yuseff.
I happily went to Yugi and gave him a piece of the film.
"Kuya heto na ang picture ni baby."
"Ay! Mama bakit walang mukha??"
"Small pa lang kasi sya. Tsaka nasa loob sya nang tummy ni Mama."
"Ganun po? Eto po talaga ang picture nang baby sister ko po?"
I nodded.
"Ay! Thank You Lord! Mama! Ipapakita ko po ito kay Papa! Matutuwa po yun kasi nihihintay po namin pahelo ang baby sister ko!!"
I smiled at him and tap his head. Nagpasya na kaming lumabas. Nagpasalamat naman din ako sa nurse na tumingin kay Yugi.
We are crossing the street when a rushing car came. I tried saving Yugi by pushing him. Nakita ko lang na nakaligtas si Yugi. Pero nahirapan na ako gumalaw.
Darkness slowly eats my being. All I can imagine is a happy family with Yuseff. Mukhang wala na. A tear fell on my eye before I finally close my eyes.
No more pain.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.