Fere's POV
At dahil hindi ako nakatulog kagabi, mabigat ang katawan ko ngayong araw. Haii, kahit ilan atang kape ang inumin ko di uubra. Nagising na lang ako ng makakita ako ulit ng bulaklak sa desk ko. This time, red roses naman. Napangiti ako. Mabuti naman ngayon at may card na, sigurado na ako ngayon na galing kay Sam ang bulaklak.
Maaga pa, wala pang 7:30 am, sumilip ako sa opisina ni Yuseff. Wala pa sya. Hindi ko ba alam kung hihingi ako ng sorry dahil hindi ko naman alam kung bakit. O magpapasalamat ako sa kanya dahil sobrang napasaya nya ang dalawa kong kapatid sa dinner kagabi.
Ai, cellphone, nalimutan ko pala ito kahapon. Nung subukan kong buksan, aba sobrang empty battery na ata. Ichinarge ko muna.
Nakita kong bumukas ang elevator, heto na ang pinagwapong kampon ni Hades. Jusmiyo puso, tumigil ka. Magkakasakit ako sa puso sobrang bilis ng tibok nito. Parang konti na lang matatanggal na sya sa kinalalagyan nya.
Maggugoodmorning sana ako ng bigla nya na lang ako nilampasan. Parang pumitik naman yung sakit. Haiii. Sinasabi ko na nga sayo Fere, wag mainlove, ayan na nga ang nangyayari. Hindi pa man ako nakakaupo ng matagal bigla na lang nagring ang intercom.
"Ms. Enriquez, come in." Anong nangyari?? Diba Mrs. Hernandez na ang tawag nya sa akin? Odi kaya'y wife?
"Please finish the documents from Finance Department before 2:00 pm today. All memos from HR should be passed today. All announcement and activities shall be done before the holiday. Kaya kailangan mong iscan and send to all departments. Am I clear?"
"Yes Sir."
"I will not entertain any people to come in my office today. Move all my meetings. I will be very busy."
"Yes Sir."
"Out now Ms. Enriquez."
"Yes Sir."
Pinilit ko pa ang sarili kong ngumiti. Dumirecho ako sa CR at duon ako umiyak ng umiyak. Ayan diba? Simula pa nga lang iyak ka na ng iyak! Punyeta ka Ferella! Umayos ka! Hindi ka pwedeng maheartbroken! Wala lang yun! Putsa! Ginugoodtime ka lang naniwala ka naman! Ferella! May mga umaasa sa'yo! Bawal yang iniiiyak mo jan. Tumigil ka!
Iniyak ko na lang muna ang frustration ko. Paglabas ng CR na ito, walang nangyari. May trabaho ka Fere, pakiusap, trabaho muna.
Paglabas ko, sinumulan ko na ang trabaho ko. Mejo marami pa lang folders ang Finance. Quarter end kasi last week. Patuloy ako sa trabaho. Ginawa ko lahat ng iniuutos ni Sir Yuseff. Maglalate lunch na lang ako mamaya. Malapit na ako matapos at dadalhin ko na sana ang folder sa opisina ni Sir Yuseff kaya lang biglang nagdilim na lang ang paligid ko.
Yuseff's POV
It's past two na gusto ko na makita si Fere. 2:00 pm ang sabi ko pero wala pa din sya. Tinawagan ko ang intercom, walang sumasagot. Tsk. Ano bang gagawin ko sa babaeng ito? I decided to go to her. Naghanda pa ako ng galit para masigawan ko sya pero natakot ako sa nakita ko. Ferella's lying on the floor lifeless. And all the shits came rushing through my veins papunta sa ulo ko. This time, a realization hit me. Talagang hindi ko kakayaning mawala si Ferella. She was the star in my lonely night. And God, forgive me, gusto ko pa syang makasama.
"Ferella, Ferella. Oh God, c'mmon wife. Wake up. Hei. Shit."
I panickly carried her. I'm sorry wife. I'm so jealous last night. C'mmon.
I was pacing back and forth in front of the emergency room. Kulang na lang suntukin ko na lahat ng nurse at doctor na dumadaan lang sa harap ko.
"Doc!" tawag ko nung makalabas sya
"Are you with patient Ferella?"
"Yes Doc."
"The patient is suffering from over fatigue. Mukhang hindi din sya kumain ngayong maghapon. Her body is so weak."
"May iba pa po ba? Ano pong kailangang gawin? May procedure po ba? What else can we do to ensure her safety and wellness?"
The doctor chuckled.
"Sir, don't worry much. Okay na po ang pasyente. Kailangan lang sya iconfine. She needs ample rest. Ubusin lang natin ang dextrose. She'll wake up the soonest her body regains energy. Just make sure to make her feel okay, well relaxed and for the mean time, refrain from strenous activities."
"Okay po Doc. Thank You."
"We'll just transfer her in the room of your choice.Maiwan ko na po kayo sir."
After I arranged everything, sinundo ko ang mga kapatid nya. We're all in the room waiting for her to wake up.
"Kuya na asawa ng ate ko, anong sakit ni Ate?"
"Baby Faye tawagin mo na lang akong Kuya Yuseff. Sobrang pagod daw si ate mo kaya ayan need nya magrest."
"Ay! Siguro kasi madami sya nigagawa everyday."
"At hindi sya kumakain on time, kaya ikaw don't skip your meals. Si ate mo kasi nagskip ng meals kaya tingnan mo sya, may ouchie sya sa kamay."
Naguusap kami ni Faye habang kalong ko sya. I am stucking her lose hair on her ears. Naisip ko, when I lose my parents, we are of the same age. Alam ko namang naiintindihan nya ang lahat pero mas pinili nyang yakapin ang pagkabata nya. I had my Lola back then, she gave me everything, now, this little kid only have her Ate Fere.
Siguro nga, humahanga ako kay Fere. She stand with her own feet carrying all the baggages left for her. I am a very grumpy man. I grew up hating the world, but in front of me is a woman, struggling hard to live yet she never forgets to see world's beauty. At kagaya ng sinabi ko kanina, I will do everything in my power to make her mine. I don't want to lose her. She was the hope I had been waiting for so long.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.