CHAPTER 29

3.8K 81 1
                                    

Fere's POV

5 years has been so long. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako tapos magbayad sa kasalanan ko. I thought, huli na ang pagkawala ng baby ko. Hindi ko alam na masusundan pa. Because we cannot afford Mama's medications, I decided to get her out of the hospital. Ako na lang ang nagalaga sa kanya. But ofcourse, I cannot afford to buy Mama's meds, lalo na syang lumala at hindi na nya kinaya ang lahat ng pangyayari. On the moment of her lucid interval, she saw me crying hard, I don't know why and how but she knew everything that happened. Nagulat na lang ako na hinug nya ako ng mahigpit na mahigpit. She kept on saying sorry and I love you. I am sooo happy I felt my mom again but again, I feel very sad because that was her goodbye to me. It's been a year and it's still painful as it is.

But life has been kinder to me after that. I work as a call center agent at night, English tutor in the morning. We own a little sari sari store in front of our humble home. I do laundry services at Saturday mornings and I iron clothes every Sunday.

I am happy we're able to eat atleast 3 times a day. Faye stopped schooling for a year pero I hope mapapasok ko na sya this year. Sayang naman at senior highschool na sya.

"Faye! Papasok na ako. Maglock na kayo ng bahay. Magsara ka na ng tindahan. Si Yugi naipagtimpla ko na ng gatas. Iniwan ko na sa lamesa. Kung kakain ka, initin mo na lang yung menudo."

"Sige ate. Ikaw ate, kumain ka ba?"

"Hindi na Faye. Tinapos ko pa yung plantsahin, kukunin yang ni Aling Miriam bukas ng umaga."

"Ate magpahinga ka naman!"

"Okay lang ako Faye. Osya, aalis na ako. Ang mga pinto, si Yugi and tindahan ha."

"Opo Ate. Ay, ate, luluwas ka ba ulit sa 26?"

"Oo, namimiss ko na sila. Gusto mo ba sumama?"

"Hindi na ate. Pamasahe pa kami ni Yugi. Dito na lang kami tsaka mabilis ka lang naman. Ibili mo na lang kami ng donut pag balik mo."

"Osige. Alis na si ate ha. Faye, si Yugi ha."

Every month sinisikap kong lumuwas para madalaw ang puntod ng pamilya kong nauna sa akin. Higit sa lahat, ang pinakamamahal kong anghel. Pinangalanan ko syang Yuan. Nagdadala rin ako ng spaghetti sa kanya. Alam ko namang gusto nya yun.

Sa ngayon, papasok na ako sa trabaho. Taliwas sa dating Fere, ako na ngayon si Aya. Tahimik at walang reaksyon sa paligid. Madalas trabaho lang talaga ang ginagawa ko. Hindi ako mahilig makipagkwentuhan.

"Aya!"

"Ano?"

"Ay ang sungit talaga."

"Ano ba kailangan mo? May naka que pa kasi ako."

"Irelease mo na lang yan! May sasalo jang iba. Andami mo na kaya nagawa. Anyway, coffee break tayo."

"Wala akong pera"

"Susme! Ililibre kita! Bakla ka talaga!"

Kahit ganito ang ugali ko, mayroon pa rin namang nagtyaga sa akin. Isa na dito si George, na Georgette sa gabi. Tita nya ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Sya rin ang tumulong sa aking makapasok sa call center.

"Hila ka ng hila baka mamaya mabalian ako ng buto."

"Exag ka sis ha! Anyway, heto coffee, walang bayad, walang lason."

Napangiti naman ako. Lagi ko kasi agad tinatanong kung may bayad o may lason.

"May ibibigay ako sa'yong racket! Malaki ang kikitain mo dito! "

"Ano naman yan? baka mamaya illegal yan ha?!"

"Baliw ka Aya!Eto kasi yun, Si Tita Zeny, diba may bar sya?"

"Oh Ano naman??"

"Naghahanap kasi sya ng singer. Nagsuggest kasi ako na para mas lumaki ang kita nya, dapat may bumabanda ganern! Eh wala anaman kaming makita magaling kumanta, tapos naisip kita!"

"Ayoko."

"Sasabunutan kita eh! Malaki nga bayad!"

"Ayoko kumanta!"

"Ang galing galing mo kaya. Sige na. Kakanta lang eh."

"No."

"Okay fine. Pero bakla, kapag bet mo na sabihin mo lang ha?"

Hindi na nga ako napilit pa ni Geroge. Ayoko nang balikan ang buhay ko noon. Ayoko ng ala ala ng dati. Okay na ako sa ganito.

I just went out of the office, sweldo namin ngayon kaya gusto ko ibili sila Yugi at Faye ng paborito nila when I passed by a coffee shop. I saw my friends. My sisters from another mother. Akala ko nililinlang lang ako ng paningin ko dahil sa puyat pero mali ako. Nakita ko nga sila.

It was so early, only around 7am. Kaya nagtataka ako. I wonder if they miss me. I wonder if they still want to see me. It had been, 5 years since I all left them. I want to go away but I can't, I can't lose a chance of seeing them now. Hindi ako magpapakita, I just wanted to hear them, to see them and to make sure they are all good and fine.

As usual, my girls sat on the couch. Ordered all their favorite. I hid on a big post near them, hindi nila ako kita but I can see them through a glass door. I smile whole heartedly hearing them. All of them seemed to be very very happy.

"Ishie, anona, kelan ka na magpapakasal?? Aba, etong si Patchie, nagiging factory na ng bata ang matres, hindi ka pa nagaasawa." Tamie

"Inggetera ka talaga." Patchie

"Coffee for Fere.." Nagulat at natakot ako sa narinig ko. Hindi naman ako umorder ah???!! Alam nilang andito ako? Paano? Bakit?

"Here!" Sigaw ni Ishie

"Haii Ferella, asan ka na ba?!" buntong hininga ni Patchie

"Let's just hope she is okay and happy wherever she is." Aira

"I damn miss my partner in crime." Tamie

"Isipin na lang natin na late na naman sya." Ishie

"Patch! Umiiyak ka na naman!!" Tamie

"I hate Kuya Yuseff! Hindi hindi ko gugustuhing makita sya hanggang hindi nya nakikita ang kaibigan ko!!" Patchie

"Tigilan mo nga ang drama mo Patricia! Kundi ka lang buntis sasapakin na kita. Ang ingay mo." Aira

"Eh kasi naman Ai, magtatatlo na yung anak ko, hindi pa nila nakikita si Ninang Fere nila!!! Sabi ko pa naman, sya ang maid of honor ko! Ako lang tuloy yung kinasal na walang maid of honor! Kundi talaga ako buntis! Nako!! Hindi ako sa simbahan magpapakasal!" Patchie

"I am getting married soon, inaayos na naming ang lahat maybe next year but I want Fere to be there." Ishie

I wanted to stay longer but I should not or I'll ruin them again. I am happy to see them happy nacurious tuloy ako kung sino ang naging asawa ni Patchie. Ilan na kaya ang anak ni Aira? Nila Tamie? Sino kaya yung pakakasalan ni Ishie? Haii, my friends, they are more than a family to me. I am happy, I am still part of them. I am happy they still believe in me being their friend. My heart is so happy, I wanted to hug them all so tight but I can't. I am not the Ferella Enriquez I used to be anymore.

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now