Fere's POV
On the phone
Tamie: Sigurado ka ba na makakapunta ka sa family day ni Faye?
Fere: Oo, kaya lang kailangan ko muna pumunta dun sa office sa umaga sabi ng HR.
Tamie: Osige ha, aalis na kami.
Fere: Salamat Tamie. Sige, papasok na din ako.
Tamie: Sige, papunta na kami sa airport eh. Ingat kayo and enjoy.
Fere: Sige, kayo din.
***Call ends.***
"Ate, what time ka babalik?"
"Mabilis lang ako baby. Si Ate Fate na muna kasama mo sa school. Kailangan lang ako sa office sandali."
"Ingat ka ate! See you mamaya."
Hinalikan ko na lang si Faye at nagmadali. Hindi na nga ako nakacorporate attire para mas mabilis kumilos. Mayroon kasing urgent meeting si Sir ngayong umaga kaya kailangan ko munang ayusin lahat. Haii bilis Fere!
"What are you wearing?"
"Ahmmn, damit Sir?"
"Don't use that stupid phrases on me. Why aren't you wearing a proper dress?"
"Sir, on leave po talaga ako ngayon, kaya lang may urgent meeting ka po so pinrepare ko muna."
"Why am I not informed?"
"Ah sir, nagenroll po ako ng leave sa system at approved na po ito."
"I did not remember approving any leave."
"Sir, naka ayos na po ang papers nyo. Pasensya na po pero kailangn ko pong umalis."
"Ferella, naiintindihan mo ba ang trabaho mo sa kumpanyang ito?"
"Sir, sorry po, pero kailangan ko na po talagang umalis."
"You are not leaving."
"Sorry po. Pero aalis na po ako."
"You don't challenge me woman!"
Hindi ko na sya pinansin. Nagpatuloy na akong bumaba. Kailangan ko na makaalis pero dahil makapangyarihan sya, hindi ako nakalabas. Naharang ako ng guard.
"Ma'am Fere, hindi daw po kayo pwedeng lumabas ng vicinity hanggang time out."
"Kuya Guard, hindi naman pwede yun."
"Sorry Ma'am, kapag daw po nakalabas kayo, matatanggal po kami ni Tonyo"
"Kuya, kailangang kailangan ko kasi umalis. Yung kapatid ko po, family day nya."
"Pero Ma'am maawa po kayo sa amin. Kapag daw po umalis kayo, wag na daw po kami pumasok. Ma'am manganganak po ang asawa ko sa isang linggo. Ma'am, parang awa nyo na Ma'am, si Tonyo Ma'am, ang anak nya ma'am nasa ospital. Parang awa nyo na Ma'am."
"Opo nga Ma'am, naiintindihan po namin yung family day ng kapatid nyo, pero Ma'am, parang awa nyo na sa amin. Mawawalan po kami ng trabaho maam."
Ayaw kong bumalik sa opisina pero hindi ko kayang may mawalan ng trabaho. Naiiyak na ako. Wala talaga syang puso. Iyak ako ng iyak na halos lahat ng dinadaanan ko ay nakatingin sa akin. Hindi na talaga matanggal ang pagluha ko hanggang makarating ako sa desk ko.
Tumawag na lang ako kay Aira. Umalis na sila Tamie kanina kaya for sure, hindi na sila makakapunta. Si Patricia, haiii, ayoko malaman pa nya sigurado akong magiging magulo lang lalo. SI Ishie naman, malamang nasa probinsya kaya hindi nya masasamahan ang kapatid ko.
***Calling Sissy Aira***
Aira: Bakit?
Fere: Ai (sobs)
Aira: Why the hell are you crying Ferella???
Fere: Pakipuntahan si Faye at Fate sa school ni Faye. (sobs) Family day kasi ngayon. Ndi ako makaalis sa office. (sobs)
Aira: Are you okay?
Fere: Oo( sobs) Puntahan mo mga kapatid ko please? (sobs) Wala sila Tamie eh (sobs)
Aira: Okay. We'll talk later. Stop crying.
Fere: Thank You (sobs)
***Call ends***
Nagpapasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko. Paano na lang ako kung wala sila?
Patuloy akong nagtrabaho. Hindi na lang ako nagsasalita, pero heto ako patuloy na umiiyak. Walang tigil. Naaalala ko ang mga kapatid ko, nakakaiyak talaga. Wala na nga kaming magulang na kasama, pati ba naman ako? Pinangako ko pa naman sa kapatid ko na dadating ako.
"Stop weeping."
"Hindi na po ako umalis Sir, baka naman po pwedeng pabayaan nyo na lang po ako."
"You did not go, but your brain isn't here."
HIndi ko na lang sya pinansin. Ubos na ang pasensya ko. Konti na lang, mawawalan na din ako ng respeto sa kanya. Patuloy ako sa ginagawa ko. Effective palang pampatigil ng iyak si Yuseff, makita ko lang sya tumitigil ng kusa ang luha ko at sumisibol ang galit ko. Gustong gusto ko syang sapakin.
"Excuse me Sir. Aayusin ko lang po ito."
"Ms. Enriquez, I think you should be reminded of what you are in my company."
"Sir Yuseff, I know very well that I am nothing but your secretary."
"Then do act one!"
" You are seriously pissing me off! Because of that damn clause that I cannot fire you, you have been acting a bitch. You should know that I am your boss and you are to take orders from me."
"Bakit ba Sir? Ano na naman bang ginawa ko? Sinusunod ko naman ang pinapagawa nyo ah??!!!"
"You are following yourself not me!"
"Myself? Kung ako ang nasunod, wala ako dito ngayon. Kung ako ang masusunod, hindi mo ako magiging secretary!"
"See? You have no choice cause you need me. So be good!"
"And I'm still not good to you?! Ano ba ang ayaw mo? Yung pagkain ko kapag 12 noon? Sorry Sir ha? Pero karapatang pantao ang kumain ng tama sa oras. Hindi ako pwedeng magkasakit dahil nagtitipid ako! Alin? Yung pagtawag ko? Sorry sir ha? Wala kasi kaming magulang na sumusubaybay sa amin! Wala kasing magaasikaso sa mga kapatid ko! Pasensya na sir!"
"That's not what I mean!"
"Then what do you mean?!"
"Alam ko ba kung bakit ayaw ni Patch na dito ako magtrabaho! Alam ko na kung bakit sinabi ni Lola Pau na hindi mo ako pwedeng tanggalin at sya lang ang may karapatang tanggalin ako!Kasi masama ka!!"
"Ansama sama ng ugali mo! Hindi na ako nagtataka kung bakit ba walang nagtatagal sa iyo! Masama ang ugali mo! Hindi ka marunong magpahalaga! Hindi ka marunong maawa! Lahat kami mas mababa sa'yo! Ang tingin mo sa sarili you are high and mighty! ikaw na ang Diyos! Wala ng mas tataas pa sa'yo!!!"
"SHUT UP BITCH!!!!"
"OO! Bitch ako! Pero marunong akong maging tao! Hindi kagaya mo! Mapagsamantala ka! Porke't alam mong walang laban sa'yo, namimilit ka! You are nothing but a SELFISH MONSTER!!"
"I.SAID.SHUT.UP!"
"Oh ngayon galit ka na naman??!!"
Kita ko ang galit nya kaya naman napakuyom na lang din ako ng kamay. He harshly dragged me on the corner. Akala ko susuntukin nya ako, he was ragingly mad at me. He almost punch me pero nilihis nya at nasuntok nya ang pader. I did nothing but cry and cry. My feelings are succumbing my being. My knees weakens. Ang tagal tagal na nung huli akong umiyak, hindi ko na ata kaya.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.