Fere's POV
Ilang linggo na din nung magsimula akong mag cooking lesson. Para ke pa at saan, ang asawa ko ang mayari ng pinakamalaking restaurant chains sa Pilipinas. Buti na lang naisipan ko mag-aral kasi nakakahiya na ang asawa ng may-ari hindi makapagluto ng masarap.
Sabi ko naman cooking class lang, pero ang asawa ko, inenroll ako ng culinary short course. Balik school tuloy ako. Everyday, half day ako sa office at every afternoon umaattend ako ng klase. Sa awa ni Lord, may alam na akong lutuin kaya hindi na sila nagrereklamo sa hotdog every morning.
Ilang buwan na rin kaming nakalipat sa mas malaking unit. Kapag weekends umuuwi kami sa Cavite. Gustuhin man namin na dun na lang mamalagi, masyadong malayo ang araw-araw na byahe.
At dahil malandi ang asawa ko, heto't malalate na ako sa klase. Ayaw kasi ako pakawalan kanina. Well, wala akong reklamo dun. It's his right and gusto ko din naman kasi. We're actually trying to get pregnant. Excited na din kami magkaroon ng baby.
Kaya hero ako't naghahabol sa oras, hala sige Fere takbo lang. Pero dahil sa pagtakbo ko, may nakabangga akong bata. Shoot! yari ako nito.
"Hi! Naku baby boy, sorry na po si Tita. Hwag ka na umiyak. Saan masakit ha?"
"Clark! Clark!"
"Mommy!!!!"
"Naku Ma'am, pasensya na po, nabunggo ko po kasi ang anak nyo dito sa hallway, pasensya na po talaga. Nagmamadali lang po kasi ako."
"Clark, may masakit ba sa'yo?"
The kid just shook his head. But he's still crying. Huhu. Nakakaguilty pero kasi late na ako.
"Ma'am, sorry po talaga. Heto po ang card ko, kapag may kailangan kayo, kontakin nyo agad ako. Sorry talaga ha? Mauuna na ako, may klase kasi ako. Ako nga po pala si Ferella Hernandez."
"Hernandez?"
I nodded.
"I am Kristina."
"Sige po, mauuna na ako Ms. Kristina, talagang nagmamadali ako eh. Pasensya na talaga."
Haiii nako, yari ka talaga sa aking lalaki ka. Wala kang sexy time mamaya! Dahil sa'yo at sa pagmamadali ko muntik na mapahamak yung bata.
3 hours lang naman ang klase ko everyday kaya maaga pa din ako nakakauwi. Pero may tumawag sa akin kanina, yung Mommy ng nabangga ko, kaya ayun, pupuntahan ko muna sila sa coffee shop. I just texted everybody that I'll be going home late. I even called the maid, nasanay din kasi silang nagluluto ako paguwi ko.
"Hi Ms. Kristina, sorry ha, nalate ako, kakalabas ko lang kasi sa klase ko."
"It's okay, mukha ka namang mabait and I believe hindi mo sinasadya yung kanina."
"Ay opo naman Ms. Kristina,"
"Yna na lang, Ferella."
"Fere na lang din Yna."
I smiled at her. She looks so beautiful.
"I saw on your business card that you hyphened your name. Are you somewhat married?"
"Yes Yna. I'm half a year married already."
"No baby yet?"
"We're working on it."
"Napansin ko na sa Hernandez group ka din nagwowork, are you somehow related to Yuseff Hernandez?"
"You know my husband?"
"He's your husband??"
Nagkagulatan ata kami. So I just smile at her.
"Yeah, he's my husband. How'd you know him?"
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.