CHAPTER 39

3.9K 77 0
                                    

Fere's POV

"Mama! Sad ikaw?"

"Hmmn? pano mo naman nasabi na sad si Mama?"

"Hindi ikaw po sa smile. Dahil ba niiinip din ikaw sa baby sister ko?"

I chuckled.

"Ikaw talaga. Hindi naman sad si Mama. Sleepy lang ako kanina pero hindi na ngayon. Kain na tayo?"

"Mama, si Papa umuwi ba sya?"

"Hindi anak. Andami daw kasi nya work eh."

"Ay. Kaya ba sya nawowork para lagi tayo may ulam?"

"Opo. Tsaka para maibigay nya ang gusto mo tsaka para tulungan nya si Lola Pau."

"Ahhh. Mama, sabi ni teacher sa school magpeplay daw po kami ng Peter Pan."

"Talaga ba anak?"

"Opo. Magawsosyon daw po muna kami para malaman sino si Peter Pan."

"Audition yun anak. Kelan daw ang audition?"

"Mamaya daw po ipapasulat ni Teacher sa Diary namin. Mama, masasali ba ako dun?"

"Gusto mo ba?"

"Opo. Mikakanta daw po kami eh."

"Osige. Hintayin natin sabi ni teacher tapos tingnan natin kung pwede kang sumali."

"Yehey yehey!!"

I happily assist Yugi mula sa pagkain hanggang sa school nya. I sat on the parents' lounge para hintayin matapos ang klase. Mula kagabi, hindi nawawala ang kaba at pagaalala ko. Hindi kasi umuwi si Yuseff kagabi. Hindi rin sya sumagot sa tawag at text ko. Malamang nga ay kasama na nya si Kristina.

Nalulungkot ako kasi alam ko na ang mangyayari. Tulad ng sabi ni Kristina, she'll stay for good. Ibig sabihin, kailangan ko na mawala sa buhay nila. Nalulungkot ako para sa anak ko. Masasaktan sya. Wala naman kaming laban dahil una at higit sa lahat, hindi naman talaga anak ni Yuseff si Yugi. Mas may karapatan pa rin ang tunay nyang anak.

Isa pa, naalala ko ang anak kong si Yuan. Hindi ko na pala talaga sya maipapakilala sa kanyang ama. Siguro nga, humahanap na lang ng tyempo si Yuseff para sa annulment papers.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na labasan na pala.

"Mama!!! madami akong star!!"

Napangiti ako naman ako ng batang ito. Oh Yugi, ikaw talaga ang liwanag ng buhay ko.

"Very good talaga ang anak ko."

"Mama! may sulat si teacher sa diary ko. Sabi nya kakausap ka daw nya!"

"Osige. Sa playground ka lang ha? Kakausapin ko lang si Teacher Mei."

"Hi Teacher Mei."

"Hi Mommy, upo po kayo."

"Mommy, nabanggit na po siguro sa inyo ni Yugi ang tungkol sa Peter Pan ano po?"

"Opo Teacher Mei."

"Sa totoo lang po, nakakatuwa talaga ang anak nyo. Kahit na late syang nakapasok at mas bata sya ng ilang buwan sa mga kaklase nya, nagagawa nyang makipag sabayan."

I smiled.

"May audition po kami para sa play na Peter Pan. Mukha pong gustong gusto ng anak nyong sumali. Nilagyan ko po ng script ang diary nya para mapractice nyo po sya. Medyo musical po ang gagawin natin kaya sana po maturuan nyo rin sya ng kanta na kasama sa script."

"Sige po Teacher Mei."

"Mayroon din po para sa mga Mommy. Kailangan po kasi namin ng mga nanay na kakanta ng theme song."

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now