Fere's POV
Siguro nga, ang dapat ay sabihin ko ang totoo kay Yugi. He learned to curse nung nasa probinsya pa kami. Paano'y naririnig nya sa mga tambay sa may tabi ng tindahan o di kaya ay sa mga kalaro nya noon.
"Nak."
"Mama sorry madami ako nisabi na bad words. Nigagalit kasi ako kanina nun ni Clark eh."
"Okay. Pero wag ka na magsasay ng badwords ha?"
"Mama, nisisinungaling naman yun si Clark diba? Anak naman ako ni Papa diba? Sabi ni Papa anak nya daw ako eh. Sabi pa nya makamuka daw kami."
"Anak, makinig ka mabuti ha? Si Papa, anak ka nya kasi yun ang sabi ng heart nya. Pero hindi ka talaga galing sa kanya."
"Hindi sya ang totoo kong Papa?"
"Hindi anak eh. Pero Papa mo pa din sya. Hindi naman kasi importante kung galing ka sa kanya o hindi. Ang importante yung sa heart ni Papa mo anak ka nya at ikaw, Papa mo sya."
"Ibig sabihin hindi nagsusungaling si Clark. Wala talaga akong Papa. Dapat masorry ako kasi akala ko nasisinungaling sya eh."
"Andito naman si Mama."
"Love ka ni Yugi Mama. Kahit wala akong Papa."
"Love na love ka din ni Mama anak."
"Mama, uwi na tayo."
"Anak, andito na tayo sa bahay natin diba?"
"Hindi naman po ito atin eh. Dun to sa Papa ni Clark. Uwi na tayo Mama. Dun na lang tayo sa small na house. Kahit nagrarain yun sa loob. Kahit lagi lagi hotdog ang ulam. Kahit wala akong toys. Dun na lang tayo Mama, uwi na po tayo."
"Bukas tayo magusap tungkol jan ha? Halika na matulog ka na muna."
"Mama, uuwi na tayo ha?"
"Tulog ka na anak."
Nakatulugan na namin ni Yugi ang pagiyak. Nagising na lang ako ng may tumapik sa braso ko.
"Yuseff."
"Wife."
"Si Clark?"
"Iniwan ko muna kay Patricia."
I smiled at him and went out of Yugi's room.
"How was he?"
"He cried to sleep."
He sighed.
"I told him the truth. He wants to go home."
"Home? This is his home, your home, our home."
"He wants to go back to our old life."
"Fere."
"Tingin ko, tama si Yugi. Kailangan bumalik na kami, kailangan umalis na kami. Napalo mo ang anak mo nang dahil sa anak ko. Tingin ko ay hindi iyon tama."
"Fere naman. We are just starting again."
"Yuseff,.."
"Fere, No Please."
"Yuseff, kailangan ka ng anak mo. Nakikita ko sa kanya na kulang ang pagmamahal na natatanggap nya kaya sya ganon. Kailangan ka nya Yuseff."
"Pero kailangan din ako ni Yugi."
"Hindi ko itatanggi na kailangan ka ni Yugi, na kailangan ka namin."
"That's my point."
"Pero hindi sya sa'yo. Unahin mo muna ang anak mo Yuseff. Unahin mo sila dahil wala ka namang responsibilidad sa amin. Uuwi na muna kami Yuseff. Doon na muna kami sa probinsya. Ayusin mo kung ano ang dapat ayusin sa buhay mo."
"Paano kayo?"
I smiled at him and touched his face.
"Kakayanin namin ito Yuseff. Kinaya naman namin ng ilang taon. Kakayanin namin ng ilan pang taon."
"Fere."
"H'wag mo hayaang lumayo ang loob ng anak mo sa'yo. Anak mo sya. Dapat na sya ang priority mo."
He sighed and bowed his head.
"Kailan kayo aalis?"
"Papakiusapan ko si Yugi na kahit hanggang sabado kami dito. Para maiayos ko ang school nya. Magpapaalam na lang din muna ako kay Lola Pau at Patchie. I don't want to leave without a word again."
"I really don't want you to leave."
"But we need to."
"Let Faye stay so she could finish her school here. Please let me help her. Please Fere."
I smiled again at him.
"Ikaw pa ang nakukiusap para tumulong. Sige, hahayaan kong tulungan mo si Faye. Alam kong hindi ko kakayanin kapag kinuha ko sya. Kung sa akin, wala din syang future."
"You always take care okay? And also Yugi. If you'll be needing anything, please let me know."
"I will. Ikaw din ha? You take care. And also Clark. Make that boy feel loved."
" I will."
"Just send me the papers."
"Fere."
"Yuseff, matagal na dapat ito hindi ba? Long overdue na nga. Kung anuman ang kailangan mo, sabihin mo lang. Kung kaya ko lang din naman, I will do anything for you."
I sat beside him and hold his hand.
"Salamat ha? Thank you for making my son so happy. Thank you for all your help para gumaling ang anak ko. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko alam kung paano kami. Salamat ha Yuseff? Salamat kasi kahit malaki ang kasalanan ko sa'yo, tinulungan mo pa rin ako."
He hugged me tight. That night, magkayakap lang kaming dalawa. This is a peaceful separation. This may be the second time but pain would always be that same strong feeling.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.