CHAPTER 41

3.9K 77 0
                                    

Fere's POV

Yesterday, I decided to go back to the metro pra makapagpaalam ng maayos. Since Yugi knew Yuseff wasn't his father, he loss interest in everything.

Naayos ko na rin ang school ni Yugi. Teacher Mei was so sad for the sudden transfer of Yugi. Idinahilan ko na lang na na very urgent ang paguwi namin dahil sa bahay namin sa probinsya. Na sa totoo ay wala naman talaga.

Isa pa ay may nakita akong papers sa side table ng kwarto nung nagiimpake ako. Nakita ko ang annlument papers. Umiiyak na tinitigan ko muna ito bago ko pinirmahan. Nakita ko din ang ilang papel sa palagay ko'y galing sa isang private investigator. Naglalaman yun ng mga bagay tungkol sa akin, may ilang totoo pero maraming kasinungalingan. Ilang taon na pala akong pinasusundan ni Yuseff. Ang problema lang mali mali ang report na naandito sa papel.

Hindi ko na lang pinansin. Umiyak na lang ako. Yun lang naman kasi ang pwede kong gawin. Wala naman kasi akong kalaban laban. Hindi ko alam kung saan galing ang mga reports na yun pero wala akong lakas para itama iyon.

Nung mailabas ko kahit papaano ang sama ng loob ko, nagpatuloy na ako sa pagaayos ng gamit. Nagiwan naman ako ng notes para hindi mangapa si Yuseff. Sinubukan kong ayusin ang bahay nya na para bang kailanman ay hindi kami nanahang mag-ina dito. Lahat ng gamit na maaaring magpaalala sa kanya ng pagtigil namin dito ay itinago ko na lang.

Sa pagbaba namin sa bahay, gaya ko, ramdam na ramdam ko ang bigat ng loob ni Yugi nang iwan namin ang panandaliang masaya naming buhay sa malaking bahay na ito. Ang masaya, masagana at buhay na may pagmamahalan.

The short memories we have here will be surely long lived for us. Alam ko, naging masaya si Yugi sa pananatili namin kay Yuseff.

"Mama, titingnan ko lang yung big house. 1 look na lang pwamis!"

"Gusto mo bang wag muna tayo umalis?"

"Aalis na tayo Mama. Nitingnan ko lang nang one look."

Hinayaan ko na lang ang anak ko. Wala na rin naman akong magagawa.

"Okay na anak?"

He nodded. "Opo Mama. Uwi na po tayo."

With heavy heart, we walk away from the home we used to have.

We go straight to the Hernandez mansion. Magpapaalam na kami para maituloy na namin ang naiwan naming buhay sa probinsya. Ang dating payak na buhay na mayroon kami.

Kaharap ko si Patchie. Kaaanak lang nya nung isang linggo.

"Fere, do you really need to go away?"

"Patch, ito ang tama."

"Pero, ikaw ang asawa!"

"Wala na yung bisa Patch. Nakapirma na ako sa annulment. Hindi deserve ng kuya mo na mahirapan dahil lang sa amin."

"At bakit Fere?? Ito ba ang deserve mo ha?!"

I kept my silence. Hindi ko nga siguro deserved ang lahat pero mas okay na ako na lang kesa ang mga mahal ko.

Habang naguusap kami ni Patchie biglang pumasok ang anak nya.

"Mom! Why is Yugi not playing with me anymore?" tanong ng anak ni Patchie

"He's sad, wag mo na masyado kulitin. Just join him and don't let him be alone. Okay?"

The little kid nodded.

"Fere."

"Patch, salamat sa lahat. Pero buo na ang desisyon ko, ayoko na mahirapan pa si Yuseff mamili. Lalayo na kami. Iiwan ko naman si Faye dito gaya ng napagusapan namin. Kapag nakagraduate na si Faye, tsaka na lang sya uuwi sa amin."

Patricia started to cry.

"Wag ka na umiyak Patch, masama sa'yo yan."

"Mangiiwan ka na naman kasi."

"Hindi naman. Ngayon nga, alam nyo na kung saan ako pupuntahan diba?"

"Fere! Hindi mo naman deserve ito eh."

"Patch, bantayan mo na lang muna si Faye para sa akin. Salamat Patch, salamat. Mahal na mahal ko kayo."

Kahit ayaw ni Patricia at Lola Pau, we pushed through coming home. Dahil mejo madilim na, pumayag na lang din akong ihatid kami ng driver ng mga Hernandez pabalik sa probinsya. It's so late when we arrived. Kinakabahan din ako na baka wala na kaming babalikan pa.

Una akong nanggambala kina George, mabuti na lang at kakauwi lang nya.

"Aya!!!! Juskolord! Anong nangyare??! Bigla na lang kayong missing?! Nakakaloka! Nabawasan ang beauty ko ng very very light kakahanap sa inyo?!"

"Sorry na George. Biglaan kasi. Nagkasakit ang Lola namin. Kailangang kailangan kong lumuwas."

"Bakit hindi ka nagpasabi man lang ha?! Bruha ka!!"

"Biglaan kasi talaga. Pero George tingin mo ba pede pa ulit kami umupa dun sa bahay ni Tita Zeny?"

"Aba'y syempre naman! Nakakaloka ka nga! Binabayaran mo pa din ang upa kahit wala ka."

"Ha?"

"Ikako, binabayaran mo pa rin naman ang upa kaya syempre pwede ka pa rin duon."

"Paanong--"

"Ay kaloka talaga. Hindi ba't ikaw lang naman ang nangungupahan kay Tita Zeny na sa banko naghuhulog kaya alam nya na ikaw ang nagbabayad."

Hindi ko alam kung paano o bakit o anong nangyayari pero ang importante may tutuluyan kami ni Yugi.

"Oh sige, uuna na ako George, magkita na lang tayo bukas."

"Sige pupuntahan kita! Namiss ko ang baby boy mo! Bukas na tayo chumika! Gabing gabi na. Magpahinga ka na Aya."

"Salamat ha George."

"Wala namang problema yun Aya!"

Tumalikod na ako, bumalik sa kotse at itinuro ang dati naming inuupahan.

Sa pagbalik namin sa dating tahanan, hindi ko maiiwasan ang hindi makaramdam ng sakit. Akala ko kasi makakasama ko na nang mas matagal ang asawa-- haii-- hindi na nga pala. Pero ganun pa man, masaya akong nagkaroon kami ng maikling chance. Okay na ako duon. Siguro'y hanggang sa kabilang buhay, isa na yun sa masasayang alaala ko.

Habang buhat ko ang natutulog na si Yugi, hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Alam kong nasasaktan din sya. Alam kong nahihirapan din sya. Sana lang tulungan ako ni Lord na makayanan ito. Sana bumalik sa dating masayahing bata ang anak ko.

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now