Fere's POV
Today is Saturday at andito kaming lima, nakatambay sa mall malapit kila Tamie, kasama namin si Faye, Zach at Calyssa. Si Calyssa yung pamangkin ni Tamie na laging kalaro ni Faye.
"Tamie! Anlaki laki na ni Zach!" Bati ko
"Aba namayat na nga yang anak ko." Tamie
"Namayat na ba yan??" Aira
"Oo kaya. Pinadoctor ko pa nga! Aba! Nagtyatyaga akong magbreastfeed tapos mamamayat ang baby boy ko?!!!" Tamie
"Eh ano sabi ng doctor?" Ishie
"Ayun, malikot lang daw. Tsaka sadyang nagbabago na daw talaga ang katawan nya. Grabe naman kasi ang likot." Tamie
Natatawa ako ng maalala ko, I am the mother of his 5 children. Si Tamie nga isa lang maloka loka na, ako kaya lima pa? haha.
"Sundan mo na kasi, bakit di ka pa magbuntis ulit?" Patchie
"Ui! Grabe kayo sa akin. Ano na? Manganganak na lang ako ng manganganak?" Tamie
"Ansungit mo! Naglilihi ka ba?" tanong ni Ishie
Nanlaki na lang ang mata ni Tamie!
"Ma! Ma!Ma! Ma!" tawag ni Zach kay Tamie
"Zach! Naku naman anak, sabi behave eh! Pawis na pawis ka na naman. Halika dito. Calyssa, isa ka pa." Tamie lovingly clean her son and Calyssa.
Lumapit sa akin si Faye at pinunasan din sya ng pawis. I smiled. I wish someday, I could be somewhat like be Tamie. I want to have a family of my own. I want to have someone too. I want to see my own children grow as I am seeing with Tamie. But as of now, what I have is enough. Maybe someday, but this time, my sisters are enough.
"Naku Zach! Alis na natin to? Change na tayo?" tanong ni Tamie kay Zach pero mukhang ayaw nung bata magchange costume at nagiiyak na. Mag two years old pa lang ang batang ito, may attitude na manang mana sa Mama nya.
"Sino ba naman kasi ang makakaisip na gawing baby racoon ang anak nya sa ganitong kainit na panahon?" tanong ni Aira
"Korek. Twing magkikita tayo nakacostume yang inaanak namin. Balak ba agad ng batang yan magteatro?" tanong ko
"Ay nako! Kapag mga naging Mommy na din kayo, I bet. Ganito din kayo. Hayaan nyo na lang ang gusto kesa mag-away pa kayo. Kung di yan nakaracoon costume ngayon malamang hindi kami makakaalis ng bahay. " Tamie
(a/n: Baby Zach on a racoon suit)
"Fere, kapag nagkababy ka, malamang ganan ka din kagaya ni Tamie. Hahaha." Aira
"At malamang ganyan din ang topak gaya ng anak ni Tamie." Ishie
"Funny Ishie." sagot ko na lamang
Dahil nga mga bata, naglaro na naman yung tatlo.
"Patch, may problema ka ba?" Tanong ko
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.