Fere's POV
Magdadalawang linggo na si Yuseff sa amin at parang wala syang kabalak balak na bumalik sa dati nyang buhay. Nakakaloka. Para bang nagenjoy na sya na ang trabaho nya lang ay ihatid ako sa office, ihatid at bantayan si Yugi sa day care, makipagbonding kay Yugi tapos sunduin ako kapag uwian ko na.
Ngayon, 4 days na akong laging nagOOT at naninibago ata ang katawan ko kasi lagi na lang ako nahihilo at madalas na magsuka.
"Hui Aya, okay ka lang ba?"
"Oo George. Nahilo lang ako."
"Lagi kasi tayong puyat. H'wag ka na kaya magOT?"
"Nakakahiya kay Ma'am Alice eh. Nakiusap kasi sya sa akin."
"Pede namang tumanggi friend. Nakakaloka ka kamo! Gurabe!"
"Okay lang naman ako George. Nahilo lang talaga ako kanina."
"Anong say ng josawa mo? Lagi ka na lang late umuuwi? O siguro kaya ka ganitech kasey waley na time sa loving loving?"
"Sira! Wala namang sinasabi si Yuseff. Tinatanong lang nya kung okay lang daw ako."
"Okay na talaga kayo ng josawa mo sis? Forgive and forget naba ang drama?"
"Palagay ko George. Kita ko namang sincere sya eh."
"Masaya aketch na happy na you. Happy na din me."
"Salamat sa lahat George."
"Waley anoman. O sya, magrest na muna ang beauty mo jan. O kaya better eh mag go home ka na. Aketch na lang tatapos ng everything."
"Wag na George. Konti na lang naman."
"Yun na nga ih. Small things na lang. Go home na. Ask your josawa to fetch you na. Go home and rest."
Dahil masama na nga ang pakiramdam ko. Pinagpabuti ko na nga lang na umuwi na. But I think my husband isn't happy seeing me like this. So pale and tired.
"Wife. As much as possible ayaw kitang pagbawalang magtrabaho kasi ayaw ko na masakal ka sa akin. But seeing you this tired? Wife naman. Please take a rest. Nagaalala na kami ni Yugi. Lagi na lang masama ang pakiramdam mo. Lagi ka na lang naghihilo. Mababa na ata ang blood pressure mo. Please naman Wife, have rest. Kung pwede lang, wag ka na magwork."
"Yuseff, okay lang ako."
"Okay? okay ba yang hindi ka na nga makatayo?? Okay ba yang ni hindi mo na nga maimulat ang mga mata mo?"
Nakapikit kasi ako. Mas lumala ata ang hilo ko.
"Dalahin na kaya kita sa hospital? Wife. Wag mo akong takutin."
"Okay lang ako. Tutulog na lang muna ako. Bahala ka na muna may Yugi ha?"
"Osige. Magpahinga ka na ha? I love you wife."
At dahil mejo masama nga ang pakiramdam ko, natulog na ako at hindi na nakasagot pa kay Yuseff. Buti na rin pala at andito si Yuseff kundi paano na lang kami ni Yugi? Oh Lord, thank you.
I woke up feeling better. Siguro nga napagod lang ako.
"Good Morning Wife! I've cooked breakfast!"
"Good Morning. Saan na si Yugi?"
"Dito ako Mama!!! Good Morning po."
Napangiti naman ako ng makita ko ang mag-ama kong parehong naka apron.
"Mukhang masarap ang breakfast ah?!"
Yugi proudly smiled at me.
"Mama! Nicook ko yung egg!"
"Talaga ba? Excited tuloy si Mama magbreakfast."
"Papa! Bilis na! Kakain na daw si Mama!!!"
"Opo opo. Heto na po Sir."
Naghain naman na si Yuseff. Hinayaan ko na lang silang dalawa kasi mukha naman silang masaya sa ginagawa nila. They've prepared bacons, hotdog, egg, pancakes at meron pang fried rice.
"Andami nito ah."
"Kasi Mama sabi ni Papa dapat daw madami ka nikakain lagi lagi para di ka kakasakit. Okay na po ikaw Mama?"
"Opo."
"Haii. Mabuti naman yun Mama."
Natawa na lang kami ni Yuseff, talaga yong si Yugi akala mo matanda magsalita.
We started eating. Naparami pa nga ang kain ko nang fried rice. Ewan ko ba, simple lang naman pero sarap na sarap ako dun.
Magaayos na sana ako sa pagpasok nung pigilan ako nang dalawa.
"Mama! wag muna ikaw papasok!"
"Oonga naman wife. You should rest first. Ang dapat ngayon ay magpacheck up tayo."
"H'wag na Yuseff. Papasok ako ngayon. Sa clinic na lang namin ako papacheck."
"No! Dapat sa ospital!"
"Yuseff! Okay lang naman ako. Baka nga low blood lang."
"Kaya nga. Dapat nga hindi ka na magwork."
"Yuseff naman!"
"Wife, alagaan mo naman ang sarili mo."
"Final na ang desisyon ko. Papasok ako."
"Ano nga ba namang magagawa ko sa desisyon mo diba? Baka nga napipilitan ka lang na andirito ako eh. Sige, aayusin ko na muna yung kusina. Sana pumayag kang ihatid kita."
Yuseff shoulders are down and he's way too hurt. Wala naman kasi akong ibig sabihin duon.
After that, Yuseff did not speak anymore. He did bring me to the office. Binilin lang nyang susunduin nya ako mamaya tapos hindi na sya ulit nagsalita.
"Hui Ayabells, baketchiwa ang haba ng nguso mo"
"Nagalit kasi si Yuseff kanina."
"Baketstra daw?"
"Ayaw nya kasi ako papasukin tapos gusto nya magpacheck up ako eh."
"Tapos?"
"Tapos di ako pumayag."
"Tapos?"
"May nasabi ata akong nakaoffend sa kanya. Ayun di ako iniimikan."
"Eh baliw ka naman pala talagang babae ka eh. Malamang concern yun sa'yo. Nagaalala ganun! Tapos ikaw itong maarte. Ay nako!"
"Ayaw ko lang naman na magpanic sya. Normal lang naman na mapagod tayo, nagtatrabaho tayo eh. Hindi nya kasi yun maiintindihan."
"Ay ewan ko sayo! Mas bakla ka pa sa kaartehan sa akin. Jan ka na nga."
I tried working as possible as I could. Nahihilo na naman ako at inaantok pa. Nagpaalam na akk para mag out sa tamang oras. Nagsabi na din ako na hindi muna ako magOOT. Good thing pumayag si Ma'am Alice.
Yuseff fetched me. Pero ganun pa din sya. Hindi pa din sya nagsasalita masyado. Pagdating namin sa bahay, naghayin na sya. Nakapagluto na pala sya kanina.
Nalulungkot ako kasi ganito kami. Pati si Yugi hindi nagsasalita. Alam ko naman kasalanan ko eh kaya lang gusto ko sana na maintindihan din ni Yuseff na hindi kami pareho ng buhay. Hindi na ako ang dating Fere. Mahina na ako, hindi ko na nga kayang ngumiti na hindi nasasaktan.
Haii. Siguro magpapaalam ako bukas, magpapacheck up na lang ako sa isang araw.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.