Fere's POV
Matagal bago ko napapayag na umuwi si Yuseff. Haii, mukhang mahihirapan talaga ako sa isang yon. Pasalamat na lang ako at nadala nang lambing.
"Patch."
Tawag ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto.
"Anong meron sa inyo ni Kuya?"
"Patch, kami na."
"Bakit? Bakit ka pumayag???!!!!!"
"Patch, ayaw mo ba sa akin para sa Kuya mo?"
Nakakalungkot naman na ang isa sa pinkaimportanteng tao sa buhay ko, ayaw sa taong mahal ko. O ayaw sa akin para sa kapamilya nya.
"Hindi sa ganon Fere. Mahal kita, alam mo yan. Ayaw ko na may mananakit sa'yo, kasi Fere sobrang sakit."
She started crying.
"Kuya's broken hearted. You've got broken soul. Hindi magiging maganda Fere. Please, wag kang masaktan. Iwasan mo Fere. Iwasan mo hanggang kaya mo pa."
Hindi na naman ako makapagsalita. Alam kong may problema si Patch kaya hahayaan ko na muna sya. Kahit pa masakit yung mga comment nya.
"Kapag kaya ko na Fere, sasabihin ko sayo lahat. Kapag ang problema ko ay kaya ko na, ikaw naman ang tutulungan ko. Pero ngayon, pwede bang yakapin mo muna ako?"
"Anong bang nangyayari sa'yo Patchie?"
"Mahirap bang maging tapat sa akin Fere? Ako, lahat tinanggap ko. Pinatawad ko sya ng paulit ulit. Fere, hindi ko na yata kaya ngayon."
Patchie is crying hard. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang nakita ang pag iyak nya ng ganito.
"Fere, may iba na naman si Pao. Ang mas masakit, buntis yung babae at wala syang balak sabihin sa akin."
Hindi na ako nagreact. Niyakap ko na lang si Patchie ng mahigpit at hinayaang umiyak sa balikat ko.
"Sabihin mo sa akin, worth it pa ba?"
"Ang sakit Fere, ang sakit sakit. Please Fere, please make this pain stop. Ayoko na Fere. Hindi ko na ata kaya."
Hindi ko alam kung alam ng iba pa naming kaibigan. Pero isa lang ang tinitiyak ko kapag nalaman nila, magkakagulo. Gusto kong suntukin sa mukha ang lalaking iyon.
"Fere, ikaw, umiwas ka na. Kasi masakit. Sobra Fere. Ang sakit sakit."
Naaawa ako kay Patchie, buong buhay nya, isa lang namang lalaki ang minahal nya. Nakatulog na umiiyak si Patchie. Iniwan ko na muna sya pagkatapos ko syang iayos ng higa. Patchie badly needs someone right now. Kaunting panahon na lang at ikakasal na sila nagkaganito pa. Pero nagpapasalamat na lang ako na bago pa man sila ikasal ay nalaman na ito ni Patchie, kahit masakit.
I was about to check my sisters when I saw my phone blinking. Aba! talaga nga namang ang lokong ito naka 48 missed calls na agad at sobrang dami pang text message. I was about to reply nung magring na naman ang phone ko.
*** Yuseff Hernandez Calling ***
Yuseff: Wife? Thank God sumagot ka din!
Fere: Okay ka lang? Kanina lang tayo magkasama ah?
Yuseff: Wife. I miss you.
Fere: Yuseff.
Yuseff: Okay, may utang ka sa aking kiss.
Fere: Hubby, matulog ka na.
Yuseff: Aren't you going to ask if I'm home? That's suppose to be the first question!
Fere: Okay sige, wag ka na magwala jan. Are you home now hubby?
Yuseff: I'm still in the carpark of your unit.
Fere: What??!! Bakit hindi ka pa nauwi???
Yuseff: I don't want to be far from you.
Fere: Ang corny mo. Alam mo ba yun?
Yuseff: Wife. I'm serious.
Fere: Okay, come up. We'll find out how to sleep.
Yuseff: Aright. I'll be there in 5.And yes, in 5 minutes, andito na nga sya sa taas.
"Hub, wala tayong tutulugan."
"Wife why don't we throw Patricia away?!"
"Hub, do you know Patchie has a problem?"
"Does she?"
I nodded. " She needs me so let her be here. Okay lang sa sofa, yayakapin na lang kita."
"That's a good idea, but nah I want you comfortable."
"Hmmn. Fate left kanina kasi may group work sila at dun sya matutulog sa friend nya. We can sleep beside Faye if that'll be okay with you."
"Of course."
"Maliit lang yung bed nung dalawa ha, wag ka magrereklamo."
"No worries."
"Wife, we look like a family."
"We are family, Hubby."
That night, even I worry so much about Patchie's broken heart I sleep comfortably in the arms of this man who made me feel warm and secured.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.