Fere's POV
From where I am standing, I can hear my husband and children desperately looking for someone. Halatang kinakabahan na ang lahat.
"Yuna, Baby? Nasaan ka na?" Yuseff calling out our youngest
"Yuna!!!! Yuna!!!! San ka na nagpunta bunso? Yuhoo! Yuna! May pasalubong si Kuya!!" My Yugi searching too
"Sabi ko kasi sayo Yassy bantayan mo muna si Yuna saglit. May kukunin lang ako sa room." That sounded my eldest daughter Yessa
"Eh Ate Yessa, nag CR lang kaya ako! Iniayos ko panga sya ng upo nya dito eh, nireplay ko pa nga yung pagkanta ni Elsa ng Let it go!" Pati si Yassy mukhang nabiktima na rin nitong bunso ko.
"Yuna! Baby! Saan ka na? Baby, hahanap ka nani Papa."
Yuseff and I have been married for 24 years already. 1 more year and it's gonna be silver. Oh, that've been long but still looking forward for tomorrow with full of life and love.
My sister Faye is now a doctor and she has her own happy family. Yuseff did cried a lot nung hinatid namin sa altar ang kapatid ko. He honestly considers Faye as our first born. Until now na may sarili na itong pamilya, Yuseff never forgets Faye. Minsan pa ay sya ang nauunang mangamusta dito. Isa din sa reason bakit hindi makapagmigrate sa ibang bansa si Faye ay dahil hindi sya pinapayagang lumayo ni Yuseff. He was so serious in protecting Faye. He fathered Faye very well na talagang sinusunod sya nito just the way a father was.
Yugi is now 19 years old, he's a basketball varsity super star. College na sya at lumaki syang mabait. Pero kahit ganoon, he never boast. He stayed very kind and helpful. He was a very loving Kuya to her younger sisters. Madalas nyang saluhin ang headaches of guarding her baby sisters. Minsan syang niloloko ni Yuseff kasi madami raw dasal si Yugi na baby sister kaya tatlo ang binigay sa amin.
Yanessa is 16, muntik na kaming mawalang dalawa. She was my miracle. Nobody thought we'll still be alive after the accident. Nakuha ni Yanessa ang itsura at ugali ko when I was still on my high school days. She was so talented. Nangyari lang na mas matalino sya sa akin. Yun nga lang, pati katigasan ng ulo ko that age, nakuha din nya.
Yasmeena is 14, the first time I saw her, I saw Fate in her. Her lips, her eyes. Perfectly copied. Magkamukhang magkamukha tuloy sila ni Yugi. She was the athletic one. Kasali sa volleyball team ng intermediate school nila. Yuseff had a hard time on this little lady. Paano'y napakaraming manliligaw. Yuseff and Yugi tandems so well in guarding the girls.
And of course, ang sanhi ng lahat ng gulo sa bahay, our little 2 year old Yuliyana yes, isang malaking miracle at blessing si Yuna kasi I'm already on my mid 40's nung pinagbuntis ko sya. Napakakulit ni Yuna, gaya na lang ngayon na pinagtataguan nya ang Papa nya at mga kapatid nya.
After I'm done with cooking. Nagpahain na ako ng pagkain sa mga kasama namin sa bahay. Salamat na lang talaga at anjan ang mga kasama namin sa bahay kundi nako, pagod na pagod ako maghapon.
I am a housewife and a mother. Yuseff do not want me to work anymore. Ang gusto nya, makita akong nasa bahay at inaalagaan ang nga anak nya. I did work when Yassy started gradeschool. Natigil na nang tuluyan nang ipinagbuntis ko ang bunso namin.
"Ma'am si Yuna po andun sa gilid ng ref." Bulong ni Manang Tessie sa akin
"Hayaan mo, kukunin ko na lang mamaya. Maghanda na muna kayo ng dinner, wag nyo munang pansinin para hindi tumakbo palayo."
Our househelp followed my instruction. I am keeping my eyes on this little naughty baby girl. Tuwang tuwa naman ang batang ito na akala mo hindi sya nakikita. Aiii. Ang kulit talaga.
YOU ARE READING
A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICE
RomanceDeath leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.