BRAYDEN
Tumayo na ako sa aking pagkaka-upo para sumunod kay mom. Nagnod ako kay Tito Parker at ganun din kay Tita Bella. Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad nang biglang nagsalita si Tito Parker, so I suddenly stopped.
"Honestly, I'm really disappointed for my daughter unexpected pregnancy, but please don't judge her." Humarap ako sa kanya. I'm not that sort, but I can't help myself not to think how careless she was. Honestly, me too. I'm also disappointed, but I don't know why. In the first place, I must be celebrating now. This is all I want. Ayoko naman talaga matuloy ang kasal, pero 'di ko alam kung bakit may panghihinayang sa akin.
"Sure Sir, maybe she has a good explanation 'bout her. Uhmm. Pregnancy." Thinking about her pregnancy makes me sick, I don't know if physically, mentally or emotionally sick. 'Di ko rin alam.
"I'm sorry hijo." Tita Bella said.
"I know nagkakamabutihan na kayo, so sorry 'bout this." Did he just say sorry to me? Is he lowering his pride? It's pleasure to heard him sorry. A sorry from Mr. Parker Edwards? Wow! One of the most powerful men is begging me right now haha. He's lowering his pride for her daughter? I know this hurts his ego so much. But I pity her for having Belle as his daughter. Na akala ko, I mean akala ng lahat ay isang anghel.
"Well honestly Sir, you see it's better. Yeah I mean, I'm not yet ready to settle down with someone. I can't deny the fact that love doesn't exist between me and Belle. Mali ka doon sa nagkakamabutihan na kami, in fact Belle do not like me tho, actually naiisip ko baka kaya nangyare 'to is for her to escape from this arrangement." Kitang kita naman ang pag-kainis ni Tito Parker sa mga binitiwan kong salita, ngunit nanatili siyang tahimik. Siguro narealized niya ang pagkakamali niya, well dapat lang. He should blame himself 'bout her daughter's unexpected pregnancy.
"Belle hates me that much Sir, to the point na gagawin niya ang lahat wag lang makasal sakin. Siguro, that's why."
"Enough!" Medyo may pagtaas ng tunada na sabi ni Tito Parker. I want him to realize that this is his entire fault, their fault, including my dad.
"We may be young nor old enough to fully understand what marriage is, but as far as I know, marriage is a precious bond that requires love. And I don't even know what love is." I bitterly smiled. "It isn't all about money nor businesses. Am I wrong Sir?" Napalunok siya sa sinabi ko, he remained silent.
"And as a man, I don't wanna marry a girl just for business matters. Thank you Sir, may I excuse myself now?" hindi ko na siya hinantay na sumagot pa. Binaling ko nalang ang paningin ko kay Tita Bella, then I nodded to her. I made my way papuntang parking lot.
Wala na ng madatnan ko ang kotse ni dad pati ang mga escort niya, tanging ang kotse ko nalang.
"The fuck Belle! Ahh shit!" halos mapangiwi ako sa sakit. I just kicked the tire of my car. I don't fucking know why. Bullshit, I hate what I'm feeling right now.
Ang alam ko kasi dapat nagdiriwang na ako ngayon. I should be very happy right now.
"This is all you want right?!" pagtatanong ko sa sarili ko. "Yehey!" Pilit kong sigaw sa malakas at masayang boses. Napahampas ako sa manibela at napasapo sa aking noo, putangina!
"Yes, this is all I want. I don't wanna marry her. I wanna enjoy this fucking life of mine!" but no, parang hindi. Parang hindi ito ang gusto kong mangyare. I hate it. Gusto kong makita ngayon din yung nakabuntis kay Belle. Tanginis na yan.
"Damn that girl!" pinaharurot ko na ang sasakyan ko. I don't wanna go home, ayoko rin sa condo ko. Baka mag-suicide ako, pero syempre joke lang. I don't fucking care kung buntis siya. Madali lang kumuha ng babae jan, I don't need her tho. Gusto ko lang mapag-isa, sa lugar kung saan walang makikialam sakin. Mag-isa ka lang rin naman sa condo mo ah, wala rin naman makikialam sayo doon. Damn! My life, my decision! Puta nababaliw na yata ako, tanginang yan. Kinakausap ko na sarili ko, tsk!
"Ung dati pa rin, mas tapangan mo ha." sabi ko dun sa barista.
"Hey baby, harder much better right?" tumingin ako ng masama dun sa babeng sumandal sakin at bumulong sa tenga ko. "Don't talk to me, I don't give fuck to sluts."
"hmmpp!" nag-martsa palayo ung babae. She looks good for fun, but... Hay! Ano ba? I just lost a chick for tonight. Damn.
"Dude, problemado tayo ah."
"Gago manahimik ka." Inis na sabi ko kay Blake. Andito ako ngayon sa bar na madalas naming pinupuntahan magbabarkada. Sabi ko gusto kong mapag-isa, kaso kung sinuswerte ka nga naman talaga. Nadatnan ko 'tong lintek na Blake na 'to.
Best buddy ko yan si Blake, classmate ko siya simula pa elementary. Sawang-sawa na nga ako sa pagmumuka ng gagong 'to. Pero siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat. But I wanna be alone right now. For fuck sake, gusto ko mapagisa. Ayoko siya makita o makausap ngayon. Knowing the fact na napaka-daldal at napaka-kulit ng gagong 'to.
"Mukang love life yan pare ha." humagalpak siya sa tawa.
"Pwede ba Blake, gusto kong mapag-isa." Lalo siyang natawa sa sinabi kong 'yon.
"Geste keng mepegese. Para kang babaeng may red tide ah." Pangungutya niyang sabi habang nakangisi. Hindi na ako umimik, wala akong panahon makikipag-biruhan ngayon.
"Ano ba yun bestfriend? LQ kayo ni Belle?" nagbakla-baklaan siya sa pagkakasabi non. Alam niya ang tungkol sa marriage arrangement namin ni Belle. Nung una, ayoko naman talaga. Pero 'tong taong 'to ang pumilit sakin na sumang-ayon nalang dun sa arrangement kasi sabi niya: Maganda daw si Belle. Sexy raw si Belle. Matalino at mabait. Tama naman siya. At isa pa, haist ayoko na isipin. Kingina wala na ngang kasal.
"Pare buntis siya." Nabulunan siya sa sinabi kong 'yon. Halos maibuga niya yung iniinom niya.
"Oh?! Anong drinadrama drama mo jan? Naka-score ka na pala eh!" Hagalpak niya sa tawa. Puta pigilan niyo ko, makaka-tikim na talaga 'tong taong 'to sakin.
"Pwede ba, seryoso ako dito!" inis na sabi ko.
"Tanga ka ba? Edi panindigan mo, anlaki-laki naman ng prinoproblema mo tol!"
"Yun nga yung problema, hindi ako yung ama nung pinagbubuntis niya."
"Puta, tumigil ka nga sa katatawa. Sinabi ng seryoso ako dito." Inis na sabi ko.
"Putcha pare ang hirap kasi paniwalaan. Anghel yun sa lupa e. Sino raw tatay?"
"Malay ko ba."
"Naka-score ka na ba 'don pre? Baka naman ikaw."
"Hindi nga."
"So kaya ka nagkakaganyan? Okay lang yan, ikakasal naman kayo. Sayong sayo na 'yon pare. Kahit araw-arawin mo pa."
"Pare 'di na tuloy yung kasal." Napalunok ako sa sinabi ko.
"Edi ba yun naman gusto mo?" Seryosong sagot nito.
"Yun din ang alam ko, pero parang 'di ko alam. Basta."
"Ang ganda nung babae dun oh, kanina pa nakatingin sayo." Napatingin naman ako sa direksyon na tinuro niya gamit ang kaniyang nguso. Naaninag ko ang isang babae na nakaupo sa table mag-isa at nakatingin nga sakin gaya ng sinabi ni Blake. She's starring at me seductively, pero I'm not seduced. Si Belle lang laman ng utak ko ngayon.
"Lapitan mo na. Type ka niyan."
"Wala akong time, iinom lang ako. Ikaw nalang."
"Talaga lang ah. For the first time in forever yan tol! haha. Anong ginawang milagro sayo ni Belle at pati ung chix kanina ni-reject mo?" Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang ako.
"Okay fine!" tumayo ako at tumungo papalapit dun sa babae. Nakakabwisit ang pagkakulit ni Blake, ang sarap sapakin. Ayoko rin munang marinig ang pangalang Belle at ayoko makipag-usap lalong-lalo na kay Blake.
Ayokong talaga kumama ngayon pero for fucking sake, gusto ko umiwas sa kakulitan ni Blake.
