HARRY
Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko habang tinitigang natutulog si Raeyna. I don't wanna lose you.
You and Claire.
But I don't wanna be selfish.
Nagsimula ng magbigay ng hudyat para sa pag-landing ng eroplano. Andito na, wala ng bawiian.
"Mahal." Ginisng ko siya at agad naman nitong inayos ang sarili niya. "We're here." Kitang-kita ko ang kaba sakanya, I gave her an assuring smile. Kahit na ang dibdib ko ay hindi ko na mapirmi sa takot na baka mawala sila. I have to be strong.
Binuhat niya si Claire na ngayon ay tulog na tulog pa. Dala-dala ko ang mga bagahe namin ay sinalubong kami ni Sean.
Tinapik niya ako at bumulong sakin.
"Sigurado ka na ba?" Tumango lang ako.
"Magiging ok ang lahat." Sabi niya sa amin ni Raeyna. Tinulungan niya ako sa mga bagahe at kinuha ko si Claire kay Raeyna. Sumakay kami sa kotse ni Sean at siya ang naghatid samin sa tutuluyan naming hotel.
Umalis din siya kaagad.
"We're having a buffet dinner mamaya mahal, pahinga ka muna habang tulog pa si Claire." Sabi ko ng ilapag ko si Claire sa kama. Agad naman itong umupo.
"Anong plano?"
"Bukas may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Sa office ng daddy ko." Kita ko ang pagkagulat ng muka niya.
"Akala ko ba wala ka ng magulang?" Naiinis nitong sabi.
"I lied. That's why we're here. Para atusin ang dapat ayusin." Kita ang galit sa muka nito.
"You always lied."
"I love you... Whatever happens, I love you."
