HARRY
After ng dinner namin both sides, napagpasyahan namin ns manatili muna kami dito sa Pilipinas.
Ok na ang lahat.
Isa na lang Harry.
Isang pagkakamali na lang ang itatama mo.
Napatingin ako kay Raeyna na ngayon ay tulog na tulog. Nakasusob sa dibdib niya si Claire na ngayon ay tulog na tulog din.
We're on our way to Tagaytay, para puntahan ang bahay na binili ko. Doon kami mananatili habang nasa Pilipinas kami.
"Mahal we're here." Sabi ko sakanya. "Hindi siya masyadong malaki, pero ok na para satin ni Claire." Ngumiti siya.
"Anak malaki na yan, naku!" Singit naman ni Manang. Dinala namin ang yaya ni Raeyna nung bata na si Manang Gina para may kasama sila pag may pinuntaham ako at para may tumulong mag-alaga kay Claire.
"Magluluto na ako anak." Paalam ni Manang kay Raeyna. Agad namang binihisan ni Raeyna si Claire.
"Dalhin ko lang at ayusin mga gamit natin sa taas mahal." Paalam ko at tumango naman ito.
Umakyat ako at inayos ang mga gamit namin.
"Mahal, kain na." Sabi nito sakin at niyakap ako galing sa likuran. "Thank you." Ngumiti ako.
"For what?"
"Dahil naisipan mong isaayos ang lahat."
"Because I love you. You and Claire."
"Naniniwala ako." Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sakin. "I love you too."
"Mas naniniwala ako." Tumawa ako.
"Anong plano mo?" Tanong nito sakin.
"Kailangan ko pa ring pumasok araw-araw mahal sa kumpanya ni daddy. May pinapaasikaso siya sakin."
"Paano yung kumpanya mo?"
"Kumpanya natin, uhm si Mark na bahala doon." Maasahan ko naman si Mark sa lahat. Kaya panatag ako.
"Loko! Kumpanya mo lang. Dinamay mo pa ako." Sabi nito at pinsil ang ilong ko. Bumaba na kami para kumain.
"Mahal, pasukan na pala s school next month." Sabi nito sakin habang nagsusuklay ng buhok paglabas ng cr. Binaba ko ang inaaral kong proposal galing sa isang kliyente.
"Mas ok siguro kung sa London siya mag-aaral mahal." Tugon ko dito at sumimangot. "Kung gusto mo maiwan ka dito, uwi na kami next month ni Claire." Tumawa ako.
"Mas gusto mo naman talaga e." Irap nito sakin. "Para makapaglandi ka ng bongang-bonga." Bulong niya sa sarili niya at umupo sa tabi ko. Hinila niya ng kumot at humigang nakatalikod sa akin.
"Gusto mo ba..." Bulong kong nakangisi sakanya, siniko lang niya ako. "Gusto mo ba ikaw lang landiin ko?" Umikot ito at humarap sakin.
"Gusto. Ko. Ako. Lang." Piandilatan niya ako ng mata. Habang ang dulo ng ilong namin ay magkadikit. "Bakit, may iba pa ba?"
"Ikaw lang ang mahal ko." I hugges her.
"Gusto ko ako lang. Mahal mo man o hindi mo mahal, gusto ko ako lang." Napalunok ako.
"Mahal alis pala ako bukas."
"Saan ka naman pupunta?" Nag-angat siya ng tingin sakin.
"May aatusin lang ako."
"Saan?" Napangiti ako.
"Selosa naman ng mahal ko." Sabi jo at pinisil ang ilong niya. "Aayusin ko ying pinapaasikasi ni daddy."
"Mahal dito na lang kaya tayo tumira tutal napagkakatiwala mo naman ang kumpanya kay Mark."
"Mahal, syempre pinakiusapan ko lang si Mark na akuhin lahat ng reponsibilidad hanggat hindi tayo nakakabalik. Nakakahiya naman mahal kung hindi na siga magkanda-ugaga doon at andito lang ako nag-aantay ng pasok ng pera sa kumpanya. Nakakahiya din yon mahal dahil kumpanya ko yon, ako dapat maghirap sa pag-unlad non." Bumuntong hininga siya.
"Or baka may hindi ka maiwanan doon." Seryoso niyang sabi. Nagpilit ako ng tawa.
"Mahal naman, magtiwala ka lang." Bumunting hininga ako. "I wanna spend my whole life with you. I love you more than anything and anyone." Tumingin siya sa mga mata ko. "Yes, I reallg mean it." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.