Chapter 18

3.2K 45 0
                                    

HARRY

Naalimpungatan ako nang may marinig na nagkalampagan. Napatingin ako sa orasan sa tabing lamesa ng kama at nakitang alas kwatro palang ng umaga. Umikot ako para silipin si Raeyna pero wala ito sa pwesto niya. Agad naman akong tumayo patungo sa labas ng kwarto at nakita siyang nagpupulot ng mga nagsilaglagan na kaldero sa kusina.

Tumingin lang siya sakin saglit at nagpatuloy na sa pagpulot. Napa sapu ako sakin ulo, napaka tigas talaga ng ulo.

Bumalik ako sa kwarto at humiga. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog. Nakatitig lang ako sa may kisame. Maya-maya pa't pumasok siya sa kwarto.

"Kain kana." Matamlay niyang sabi at dumiretso sa walkin closet. Tumayo ako't sinilip kung ano ang gagawin yan at nakita kong nilalabas na nito ang mga gagamitin at susuotin ko.

Napa-iling nalang ako at lumabas na. Dumiretso ako sa kusina, kung saan nakahain na siya sa may lamesa. Gatas ang inihanda niya at hindi kape. Toasted bread, bacon at cheese naman ang nakahain.

Kumain na ako. Hindi ko na siya tinawag pa. Matapos kong kumain ay iniwanan ko ang plato sa lababo. Bumalik ako ng kwarto at nasalubong siyang palabas naman. Hindi ko siya pinansin, hindi rin niya ako pinansin. Sinundan ko siya ng tingin at dumiretso siya sa kusina at hinugas ang mga pinagkainan ko. Pumasok na ako ng kwarto.

Pagkatapos kong maligo'y sinuot ko ang mga hinanda niyang damit. Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo siya sa lamesa na nakasubsob ang muka. Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon