BELLE
Hindi ko alam kung paano ilalabas ang saya matapos kong makita ang dalawang linya sa pregnancy test.
I'm pregnant.
Agad ko itong ibinalik sa lalagyanan at nilagay sa bag ko.
Pumunta kami ng bookstore at bumili ako ng malaking kahon. Bumili rin kami ng mga bulaklak.
Dali-dali kaming umuwi.
Pagkarating sa bahay ay sinubukan ko ulit ang isa pang pregnancy test.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Sana positive pa rin ang lumabas.
Tumalon-talon ako at mangiyak-ngiyak ng makita ang dalawang guhit. Pinunasan ko ang pregnancy at agad lumabas ng cr.
Inayos ko ang kahon at nilagay ang mga bulaklak sa loob. Tinalian ko ng ribbon ang pregnancy test at nagay sa loob. Sinarado ko ang kahon. Dali-dali akong tumakbo palas ng kwarto para ilagay sa kabilang kwarto.
Itatago ko muna dahil mamaya ay darating siya, baka makita niya.
Bumalik ako sa kwarto at tinago sa wallet ko ang unang pregnancy test.
Naligo na ako ng maaga at nantili na sa kama. Hawak-hawak ko lang ang puson ko habang nakangiti.
Magkakaron kami ng masayang pamilya.
Hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang itsura niya, kung anong ipapangalan namin sakanya, kung anong gagawin namin sa baby shower, kung sino ang magiging ninong at ninang niya, kung saan at paano siya bibinyagan, kung gaano kaengrade ang magiging birthdays niya, kung saan siya mag-aaral, kung magiging ano siya paglaki at kung ano ang itatawig niya samin.
Hindi ko mapigilang hindi kausapin siya at ang Diyos. Sobrang saya ko. "Thank you Lord. Akala ko sinumpa mo na ako noong pinalayas ako ni Daddy, sorry dahil hindi ko naintindihan noon. Thank you Lord dahil kaya pala nangyari 'yon ay dahil may plano ka sakin. Maraming salamat, sobrang saya ko po." Nagbukas ang pinto.
"Honey." Sabi nito pagkapasok. Agad akong bumaba ng kama at tumakbo sakanya. Niyakap ko siya. "Why so sweet?" Tanong nito ng nagtataka. Naglakad kami papunta sa coffee table sa loob ng kwarto at nilapag niya ang paper bag. "Guess what I've got?" Tanong niya habang binubuksan ang paper bag. "It's Calamari and chili cheese sticks!" Sabi nito habang pinapakita sakin at napangiti ako.
"Thank you!" Sabi ko sakanya. Umupo ako at umupo na rin siya. "I love you mahal." Tumawa ito.
"I love you more."
Mag aalas nuwebe na ng gabi pero wala pa rin siya. Kanina pa kami nag-aantay sa may kainan kung saan nakalatag ang mga pagkain. Hawak-hawak ko ang aking regalo. Kita ko ang pagkadismaya at awang tingin nila sakin.
Tumunog ang orasang malaki. Alas dies na. Parang may tumusok sa puso ko. Masama man sa loob ko pero pinasabi kong sila nalang ang kumain lahat ng inihanda.
Pumasok na ako ng kwarto at umiyak.
"Bakit ngayon ka lang?!" Galit kong tanong pagpasok niya ng pinto. Napatingin ako sa orasan at alas onse na ng gabi, mag aalas dose. "Bakit ngayon ka lang?!" Tumayo ako sa kama. Hindi ito umimik. Pinunasan ko ang luha ko, hindi niya ako pinansin at dumiretso sa cr.
"Bakit may mga lobo sa labas?" Tanong niya paglabas ng cr.
"Dahil pinaghandaan ko ang birthday mo! Pero wala ka!" Sigaw ko sakanya. "Saan ka ba nanggaling ha?!"
"You don't have to know."
"I have to. I'm your wife." Sabi ko habang nakatingala sakanya. Kinuha ko ang regalo ko sa kama at lumapit sakanya.
Nakatayo ako ngayon sa harap niya at nakatingala sakanya. Nakatingin siya ngayon sakin ng seryoso.
"Hindi na kita mahal." Napanganga ako. Parang may sumaksak sa dibdib ko. Nabingi ako sa mga sinabi niya. Nanuunahang tumulo ang mga luha habang nakatingala sakanya, nakatingin lang siya sakin ng seryoso. "I'm falling out love of you Belle." Hindi ako makahinga. "I'm sorry." Nabitawan ko ang dala-dala ko dahilan para magbukas ang kahon at lumabas ang mga laman nito. Tumakbo ako palabas ng kwarto habang humahagulgol sa iyak.
Sumandal ako sa nakasaradong pintuan ng kwarto habang hawak-hawak ang aking dibdib.
Hindi ako makahinga.
Nagbukas ang kwarto, pero hindi ko na siya tinignan pa at dali-dali akong tumakbo pababa.
"Raeyna, saglit lang." Sabi niya at tumingin ako sakanya. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto at hawak-hawak ang preganncy test. Umiling-iling ako at tuluyang bumaba ng hagdan.
Tumakbo siya at hinabol ako.
Tumakbo rin ako ngunit natisod sa nakarolyong pulang carpet. Agad niya akong nilapitan at hinawakan ang aking braso.
"You're pregnant?" Tanong niya sakin. Ayaw kong tumingin sakanya. Hindi ako makahinga. Hawak-hawak ko lang ang dibdib ko habang tuloy-tuloy sa pag-iyak.
"Tell me, magiging tatay na ba ako?" Umiling-iling ako habang umiiyak. Napagawi ang mata ko sa aking binti at napasigaw.
"Blood!" Sumigaw ako ng malakas. "May dugo. Harry. May dugo!" Humahagulgol kong sabi. Tumingin siya sa legs ko.
"Fuck!" Sugaw nito at agad akong binuhat.
"Yung anak ko!!!!" Sigaw ko habang humahagulgol at pumapadyak.
