BELLE
"Paano nangyare yun ma?"
"Diba lahat ng credit cards mo anak ay under sa accounts ng Dad mo, that's why. Pinasilip niya lahat pati yung mga ibang cards mo at nalaman niya na may mga withdrawals ka jan sa London. Anak listen to me, alam na ng Dad mo na tinulungan kita." Rinig ko ang iyak ni Mommy sa kabilang line.
"Hindi ko alam anak kung papasundan ka niya jan or what. Sorry anak, sorry.
Sorry wala akong magawa anak." Hindi na ako makapagsalita sa paninikip ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga. Ninenerbyos ako.
"Baka pina-decline na niya lahat ng accounts mo anak. Baka hindi mo na magamit lahat ng cards mo jan. Hindi rin ako makakapagpadala ng pera, dahil hindi na rin ako pinahahawak ng Daddy mo ng kahit ano. Paano ka na anak, paano ka na?..." Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni mommy. Kawawa naman ang mommy ko, pati siya nadadamay pa.
"Ok ako Mommy, I can manage. Makakahanap po ako ng paraan, but you. Paano na po kayo Mom?"
"Don't you worry about me anak, hindi ako sasaktan ng Daddy mo pero ikaw, paano ikaw anak? Paano ka na ngayon...Paano kung atakehin ka jan? Paano ang baby mo?"
"Mommy bakit ganon si Daddy, hindi na ba niya ako mahal?" hikbi sa bawat salitang binitawan, ang sakit-sakit pa rin. Ni minsan man ay 'di ko naisip na hahantong kami ni Daddy sa ganitong sitwasyon.
"Anak I told you, mahal na mahal ka ng Daddy mo."
"Sorry Mom. Hindi na ako naniniwala. Bye. I love you mommy, take care. Wag niyo pong pababayaan sarili niyo." Kahit labag sa kalooban ko ay binaba ko na ang tawag. I ended the call kasabay ng paghagulgol ko. Ansakit-sakit.
Masakit isipin na ala-ala na lang lahat sa amin ni Daddy. Hindi ko alam kung kaya pang maibalik lahat-lahat ng nawala sa akin, sa amin. 'Di ko alam kung kaya pang maayus ang pamilya naming nasira dahil sa akin. 'Di ko alam kung kaya ko pang ibalik ang dati, ang masaya't maligayang pamilya namin. Yung buo.
Sobrang sakit, dahil satingin ko'y hindi ko na maibabalik ang lahat ng iyon.
Kung ayaw na niya ako, bakit kelangan pa niya akong pahirapan ng ganito?
Kaya mo 'to. 'Di ka hihingi ng tulong sa kaniya. You can do this alone ng hindi humihingi ng tulong sa kanya.
Meron na lang akong tatlong araw na nalalabi para maghanap ng trabaho. Mamamatay ako dito kung 'di ako gagawa ng paraan.
Paglabas ko ng hotel ay agad akong dumeretso sa isang boutique, gusto ko kasing i-try yung mga cards ko kung ok pa.
Pumunta ako sa section ng mga pencil cut na skirt, dahil siguradong kakailanganin ko 'to sa pag-aaply.
"Can I have size 26 for this miss?"
"Sure Ma'am." Umupo muna ako para hintayin siyang bumalik.
"Here size 26, anything else you need Ma'am?"
"Where can I fit this?"
"Oh fitting room, in this way Ma'am." Agad kong sinundad ang tinahak niya.
I entered the room. I took off my clothes, at agad sinukat ang skirt.
You're so plain Belle, and you're not even beautiful. Inalis ko ang paningin ko sa salamin at bumuntong hininga. Hinubad ko ang skirt at nagpalit na.
"I'll get this." Inabot ko sa sales lady ang sinukat kong skirt paglabas na paglabas ko ng fitting area.
"Okay Ma'am. This way please."
Nang makarating kami sa cashier ay agad kong inabot ang credit card na under sa account ni Daddy, I just wanted to confirm kung tama ba ang hinala ni Mommy.
"Ma'am sorry this account was declined."
"Oh yeah, sorry. I'll just pay in cash." Agad kong tinignan kong magkano ba ito, £44 napalunok ako sa nakita kong price. Nag-angat ako ng tingin kung ano bang pangalan ng shop. Oh it's not familiar! Walang ano-ano'y binukasan ko ang wallet ko at kumuha doon. Inabot ko sa babeng nasa harapan ko.
"Thank you Ma'am." Sabi paglabas ko ng boutique.
Paano na ngayon 'to? Juice colored help me po. Kulang-kulang na £500 na lang ang natitirang pera ko. Tuliro ako habang naglalakad pabalik ng hotel. Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay ng taxi dahil sayang lang din yung mababawas, medyo malapit lang naman. Tinignan ko ang relo ko't 10am pa lang. Meron pa akong buong araw para makapaghanap ng trabaho, pero alam ko hindi yun ganon kadali.
"How are you related to Mr. Parker Edwards?" He's my father. But I know hindi ko pwedeng sabihin yun.
"We're not related to each other Sir." Tumango-tango ang matandang lalake na siguro'y kasing edad na ni Daddy.
"Oh right, I thought you were related to him. He looks exactly like you." Sabi niya habang natatawa. "I mean you look like him. Oh sorry."
"It's alright Sir." Sabi ko nang may pagpipilit ng tawa.
"We'll just call you the next day, or maybe tomorrow okay?"
"Alright Sir, Thank you. I really need a job Sir. Hope you'll accept me here."
"There's nothing to be worried about Miss Edwards. You really have an impressive resume." Sabi niya habang tumatango-tango. "Actually you're over qualified, but we'll see."
"Thank you sir." Agad akong inasitahan ng secretary niya palabas ng office. Hindi ito ang unang beses na tanungin ako kung related ba ako sa Daddy ko, but hindi ko sinabing oo. Kahihiyan 'to kay Daddy pag nalaman niyang nag-aaply lang ako sa kung saan-saang kompanya.
Gutom na rin ako, hindi pa ako nagla-lunch. Mag aalas-tres na ng hapon. Siguro umuwi na lang muna ako, tutal nakapag-apply naman na ako sa limang kompanya. Hihintayin ko na lang ang tawag nilang lahat sakin bukas. Sana may tumanggap sakin. Sana lang talaga.
Help me po Lord. Help me.
Nakarating ako sa kwarto ko dito sa hotel na tuliro. 'Di ko na talaga alam gagawin ko. Hindi pa ako kumakain maghapon, ayoko naman ng gumastos dahil wala na akong pera. Nakabili lang ako kanina ng cup noodles, bumili na ako ng tatlo para in case na magutom ako tutubigan ko na lang.
Mommy calling....mommy calling...
Agad kong tinignan ang nagva-vibrate na phone ko. It was my mom. I declined the call. Masakit man para sakin dahil gustong-gusto ko ng marinnig ang boses niya dahil miss na miss ko na siya, I have to. Kailangan kong gawin 'to.
"What?! How come.."
"We are sorry Miss Edwards, we can't accept you here in our company. You're not qualified."
"Why? I mean how come that I'm not qualified?" naiiyak na ako, dahil simula kaninang alas-siete ng umaga ay panlimang tawag na ito sa mga kompanyang pinag-applyan ko. Lahat ng mga yun ay sinabing hindi raw ako qualified. "No, that's impossible. Okay listen to me Ma'am, kindly check it again. Maybe this advisory is not for me. The interviewer told me yesterday that I am over qualified, so how come that-"
"We are sorry Miss Edwards. It was an order."
"I'll accept any job Ma'am. Any job Ma'am, please."
"Sorry Miss Edwards, I'll take down this call in any moment. Thank you!" at tuluyan na nga niyang binaba ang tawag.
May dalawang araw na lang ako dito, paano na ako?
Napaka-impossible! Impossible talaga na sa limang inapplyan ko, wala man lang tumanggap sa akin ni isa.
