Chapter 13

4.6K 69 2
                                    

HARRY

"Paano ung mga idedeliver na gamit ko?" Tanong niya sakin ng may pag-aangan habang nagmamaneho ako.

"Ay shit." Kwanyaring sagot ko, yup sinadya kong umalis ng maaga sa bahay para hindi kami madatnan doon. I messaged my assistant earlier na sa office ko na lang dalhin ang mga yun.

Tinawagan ko si Herbert, ang assistant ko. "Good. Good." Sagot ko nang sabihin niyang nasa office na ang mga gamit ni Raeyna. "Nasa office na raw."

"Thank you." Seryosong sabi niya ng nakatungo. "Thank you." pag-uulit niya.

"Six months." Napatingin siya sakin. "Six months yung contract mo sa agency, diba?"

"Ayoko na bumalik doon please." Napabalingkwas siya sa kinauupuan niya at humarap sakin, napatingin siya sa pinanggalingan naming daan at ibinalik ang tingin sa harapan. "Ibabalik mo ba ako ngayon doon?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi, na kitang-kita ang takot at pag-aalala sa muka.

"Calm down."

"Wag please." Umayos siya ng upo at sinapo ang kanyang muka gamit ang dalawang palad niya. "Please, wag mo na ako ibalik doon." Tuluyan na siyang umiyak na parang bata.

"Calm down please."

"Ayoko na doon, please." Hugulgol niya ng iyak. "Gagawin ko lahat. Wag mo lang ako ibalik doon." Napatingin ako sakanya at seryoso siya sa pagkakasabi non.

"Hear me out first." Napatingin naman siya sakin at tumigil sa pag-iyak. "Six months yung contract mo sa agency diba?" Napatango-tango naman ito. "It's true. The agency didn't disclose your personal identity, but to be honest with you, binili ko yung six months contract mo."

"Really? Does that mean 'di na ako babalik doon?" Tanong niya na para bang natuwang bata.

"Yep."

"I have nowhere to go, I'm broke. And I have to hide myself from my dad." He's dad.

"And that's why you'll staying with me." Nagulat siya sa sinabi ko.

"You paid for me, right?" I nodded. "How much?"

"It doesn't matter." Tipid kong sagot.

"So why are we here?" Takot na takot niyang tanong."Please ayoko."

"We're here para kunin yung pera mo. At para ayusin ang lahat." I said in an assuring tone. "Trust me."

"Sasaktan lang nila ako jan. Maniwala ka sakin. Sinaktan nila ako jan." Pagmamakaawa niya. Pinarada ko ang sasakyan.

"I know. I know. I'll never let them hurt you again. Just trust me. You'll be safe." Sabi ko sakanya habang tinititigan siya umiiyak habang kinukusot ang mata at pinupunasan ang luha gamit ang kanyang kamay. "Here. Tahan na." Inabot ko ang panyo ko.

Bumaba ako ng sasakyan, maglalakad na sana ako nang makitang hindi pa siya lumalabas. Nagtungo ako sakanya para buksan ang pinto, naka-upo lang siya at patuloy pa rin sa pag-iyak. Wala ata talaga siyang balak bumaba.

"Promise me, 'di mo ako iiwan." Pahikbi-hikbi niyang sabi.

"Promise." Pagbuntong hinga ko.

"Baka hilain nila ako sayo." Sumenyas ako at sinundan niya ng tingin yung sinenyasan ko. Nagsibabaan ang mga body guards, na siyang umescort din sa amin gamit ang dalawang sasakyan. Nagsilapitan sila kung saan ako nakatayo. Inabot sakin ang isang malaking paper bag.

"All of you, I want you to guard this girl. Prioritize her. Understood?!" Utos ko sa mahigit sampung malalaking lalake.

"Yes, sir!" Sabay-sabay nilang sagot. Kinuha ko sa loob ng paper bag ang leather jacket na pinabili ko at sinuot.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon