Chapter 53

2K 33 0
                                    

BELLE

"Ikaw, wag na wag mo 'ting sasaktan ah!" Sigaw ni Jessica kay Harry. Tumawa ang lahat.

Gabi na at nagkaayaan na mag-inuman. Matapos ang tanghalian ay umuwi na rin sila mommy at daddy, gayon na rin ang in-laws ko.

Tulog na rin si Claire.

"Jessica may susundo ba sayo pag-uwi?" Tanong ni Kuya Sean sakanya at tiningnan ko naman siya ng nang-aasar na tingin. She blused. Nang-asar ang iba at tumawa si Harry.

"Single yan Kuya." Pagbibiro ko.

"Kuya kuya ka pa, e mas matanda pa asawa mo!" Sabi ni Jessica habang nakatingin ng masama sakin. Tumawa ang lahat. "Kuta pero sakanilang lahat pangalan lang tawag mo." Dadgdag pa nito ng naka make face.

"Gaga pinsan ko nga siya." Lalo silang tumawa. "Sabihin mo sa driver niyo wag kana sunduim, ihahatid ka na lang."

"Oo nga." Sabi ni Kuya Sean. Nang-asar naman ang lahat. "Gago manahimik kayo ah, panira kayo." Sabi niya habang natatawa.

"Paano ba yan pre, una na rin siguro kami. Baka patayin na si Felix ng asawa niya." Nagtawanan ang lahat.

"Bakit 'di mo kasi dinala, tanga naman." Sabi ni Harry. "Buti pa ako noh mahal..." Sabi niya at umakbay sakin. "Ako kahit saan ako magpunta kasama ko 'to."

"At least ako hindi nangloloko." Seryosong sabi ni Felix. Nagtinginan ang lahat at nagpilit ng tawa.

"Paano ba yan, una na kami." Pag-iiba ni Tristan ng usapan.

"Sige mga 'tol." Sagot naman ni Harry.

Hinatid namin sila sa gate. May dala ang mga 'to ng sari-sariling sasakyan.

"Uy Kuya, iuwi mo yan sa kanila ah!" Sigaw ko kay Kuya Sean. "Ideretso mong hatid yan." Nagsitawanan ang lahat.

Matapos nilang makasakay lahat ay sumigaw si Kyler.

"Friendship goals whohoooooo!!" At pinaingay ang makina, sumunod din ang lahat at sa isang iglap ay naglaho sila.

"Mahal ang bilis nila magpatakbo, baka madisgrasya sila." Ngumiti lang si Harry at nilock ang gate.

"Mahal ilang sasakyan na ang nasira namin dahil sa kakapractice magpalipad ng kotse." Pagmamayabang nito. "We're car racers." Kumimdat ito at inakbayan ako.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon