BELLE
Nagsi-uwian na ang mga tao. Gusto akong iuwi na nila mommy pero nagpa-iwan ako. Nakatitig lang ako sa puntod niya. Nakaupo parin ako habang tinititigan ito, nasa likod ko si Jessica.
Hinei na ako makaiyak. Hindi ko na alam kung paano ilalabas yung sobrang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano iiiyak lahat ng sakit.
Tumabi siya sakin habang tumutulo ang luha. Nakaposas ito at hinahawakan ng dalawang pulis.
"Salamat mahal, hinayaan mo akong pumunta sa libing ng anak natin." Umiiyak nitong sabi. Tumayo ako.
Galit ako sakanya.
Galit na galit.
Kung hindi dahil sakanya ay buhay pa ang anak ko ngayon.
"Mahal!" Sigaw nito pero hindi na ako lumingon pa.
Maaga akong nagising para umattend ng hearing. Namgmakaratong ako ay nakasabay kong pumasok sila Tita Claire at Tita Hayden. Nagtunguhan lang kami.
Pagpasok ko ay naroon na siya. Tinignan niya ako ngunit tinitigan ko lang ito ng may buong pangsusuklam.
"Nasaan ka ng mangyari ang krimen?"
"Natutulog ako sa hotel." Yumuko siya.
"Anong ginagawa mo sa hotel?" Nakatingin lang ako sakanya. Nakayuko ito at kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha.
"Pinuntahan ko ang ex-wife ko." Nagulat ako at halos bumaliktad ang simura ko sa aking narinig. Lalong nadagdagan ang galit, hindi ko napihilang tumulo ang luha ko. "May nangyari samin." Pinunasan niya ang luha niya habang nakaposas ang dalwa niyang kamay. Hindi ko maalis ang mata ko sakanya habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Pinisil ni mommy ang kamay ko. "Nang magising ako ay wala na siya. Saktong tumawag si Raeyna sakin ng umiiyak nawawal daw si Claire. Maya-maya pa ay sumigaw ito, wala ng sumasagot. Napagdesisyunan kong imuwi na. Hinanap ko ang susi, pero hindi ko makita. Nagtext siya sakin, mababasa niyo yan sa conversation thread namin sa phone sabi niya hihiramin lang niya ang kotse ko. Tinawagan ko si Kyler, nagpasundo ako at nagpahatid sa Tagaytay. Tawag ako ng tawag kay Raeyna pero hindi niya sinasagot, ng sagutin niya ay malapit na kami sa bahay. Sabi niya sa Tagaytay Med. Dumiretso kami doon. Nadatnan kong may mga pulis. Halit na galit si Raeyna sakin at napanuod ko ang video." Suminghot ito at pinunasan ang ang mata niya. "Yung sasakyan ko, binungo ang anak namin." Sinubsob nito ang muka niya sa lamesa. Hindi ko mapigilang hindi humagulgol sa pag-iyak. "Mahal, sorry." Sabi nito ng nakatitig sakin, umiling-iling ako.
"Ayon sa ebidensya at sa desisyon ng kataas-taas na hukuman, ang nasasakdal ay walang sala sa nangyaring krimen." Hindi na ako umapili pa. Masakit man sa kalooban ko ay alam ko at naniniwala ako sa mga sinasabi niya.
Umalis na ako.
"Mahal." Hinawakan niya ang braso ko. "Hayaan mo akong magpaliwanag." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Para kay Claire mahal, please pakinggan mo lang ako." Tumalikod ako at humarap sakanya.
"Harry tama na." Tinignan ko siya ng diring-diri. "Huwag mong gamitin ang anak kong namatay ng dahil sayo." Napayuko ito, nagsimula na akong lumakad. Hindi na niya ako hinabol pa.
