BELLE
"Hindi sige, ako na magliligpit." Sabi ko ng simulan niyang ayusin yung pinagkainan namin matapos namin kumain.
"You sure?" I nodded as a response. Tumalikod na siya at nagtungo sa kwarto niya. Agad ko namang inayos ung pinagkainan namin. Siguro naman walang lason yung pinakain sakin.
Tinapon ko lang ung mga pinagkainan kasi disposable naman lahat. Pinunasan ko nalang din ng tissue ung pinagkainan namin. Kasi wala ako makitang basahan. After kong linisin, umupo lang ulit ako sa lamesa. Napatingin ako sa wall clock, at alas sais palang ng umaga.
Napamuni-muni ako sa paligid habang iniisip kung ano kaya mangyayari sakin, ano gagawin ko. Kelan ako pwedeng umalis.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto, at napatingin ako. He's done. Tapos na siyang maligo at nakabihis na rin ito. He's just wearing a maong pants and black shirt. Habang tumutungo siya sa kinaroroonan ko ay nagkakabit siya ng kanyang relo. Ng malapit na siya'y agad ko namang nalanghap ang pabango niyang may amoy na sweet masculine scent. Napabaling ulit ang tingin ko sa orasan, ambilis niyang maligo. Wala pa atang kinseng minuto simula nung pumasok ito sa kwarto.
"By the way Raeyna, we're going somewhere today."
"Where's that somewhere?" Naiilang kong tanong.
"Maligo kana."
"Pwede ba magtanong?"
"Go ahead."
"Asan yung mga gamit ko?"
"I let them dispose it."
"What?!" Mangiyak-ngiyak kong sagot. "What 'bout my phone? My walet? And my watch..." urghhhh naiinis ako. Naiiyak na ako sa pagkainis.
"Your phone uhm, nasa akin."
"Bakit nasa iyo?" Naiinis kong tanong.
"Ibabalik ko pag tapos na ung pinapa-setup ko doon."
"Anong pinapa-setup?"
"I want everything to be transparent. I'll give you your phone, but all your activities there will be transparent to me." Napasapu ako sa noo ko, sa inis.
"What about my wallet?"
"Wala ng laman yun, so I let them dispose it." Napa-upo ako at tuluyan ng naiyak.
"Nandoon ung kaisa-isang natitirang family picture namin." Sabi ko sakanya habang humihikbi dahil sa pag-iyak. Sinamaan ko siya ng tingin, napalunok lang siya at umiwas ng tingin sa akin. Tumayo ako. "What about my watch?"
"Papalitan ko nalang." Mahina niyang sabi.
"Where is it? Tell me nasa iyo din."
"Nasama sa mga tinapon na gamit mo." Lalo akong naiyak. Sinubsob ko ung muka ko sa kamay ko at humagulgol sa iyak.
"It was from my dad. The only thing I have from him. That was his gift."
"Yes hello!... Keep those things I let you dispose last night.... Yup... No buts!... I want everything here at 8. No more, no less." Napatigil ako sa pag-iyak at pinakinggan ang mga sinabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. "You heard it, now take a bath."
"I have nothing to wear." Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko. Inabot niya sakin ung paper bag na nakapatong sa lamesa, kasama sa mga inabot sakanya kanina ng lalaki.
"Where am I going to-"
"Obviously, sa kwarto ko." Umalis na ako at nagtungo sa kwarto niya. Dumeretso ako sa cr. Nilock ko iyon. Binuksan ko ang paper bag kung saan may laman itong black shirt, maong pants, bra, panty at toothbrush.
Naligo na ako. May mga gamit panligo at yun na rin ang ginamit ko. Matapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Nilagay ko sa paper bag ang hinubad kong robe. Binalot ko ang akig buhok gamit ang towel na nakasabit sa may gilid ng shower area.
Napasilip ako sa walkin closet niya pero agad din akong lumabas ako dala-dala ang paper bag, at nadatnan ko siya nakahiga sa kama. Nanunuod ng tv.
"Almost one hour." Parang naiinis siya sa pagkakasabi noon. Hindi ko nalang pinansin.
"Saan ko ilalagay to?" Tumingin siya sa akin, at inangat ko ang paper bag.
"Kahit saan." Napairap ako, kaya nilapag ko nalang iyon sa ibabaw ng sink sa cr.
"Saan mo kinuha yang towel?" Agad ko namang tinanggal ito sa pagkakapulupot sa buhok ko.
"Doon, hiniram ko lang sorry." Tumayo siya at nagtungo sa kinaroroonan ko.
"Basahan yan." Sabi niya sabay amoy sa buhok ko. Nagdirediretso siyang pumasok ng cr at nagbukas sa isang cabinet doon. Naglabas siya ng isang towel at inabot sakin.
"Let's go." Agad naman akong sumunod sakanya. Binuksan niya ang isang drawer sa tabi ng kama, at kumuha ng susi doon. Lumabas kami ng kwarto. Nakasunod pa rin ako sakanya.
He tapped the door scanner, at nagbukas naman ito kaagad.
"Elevator?" Pag-uusisa kong tanong sakanya. "What if brownout?"
"There's a fire exit. My own fire exit."
"Bakit basement, rooftop at ground floor lang?"
"Rooftop for heli, basement for car, ground floor for lobby." Pagbukas ng elevator ay lumabas kami sa basement. Puro magagarang sasakyan ang naroon. Walang bakante.
"Is this a hotel or-"
"A condo."
"Bakit puro mamahaling sasakyan, does that mean mayayaman lahat ng nakatira dito?"
"Maybe." Sabi niya at nagkibit balikat.