HARRY
"Ayaw niya diba?!" Sigaw ko kay Brayden ng makita ang pagpipilit nito kay Raeyna. Nakabukas ang pintuan ng kwarto nila, lasing siya. Nagpupumuglas si Raeyna na lalong ikinakulo ng dugo ko.
"Ano bang pakialam mo?" Binitawan niya si Raeyna at sumandal ito sa pinti ng natatawa. "Asawa ko siya." Kumuyom ang kamao ka sa sinabi niya. Lumapit sakanya si Belle. Hinila naman niya at sinunggaban ng halik sa harapan ko habang si Raeyna naman ay itinutulak siya.
"Tama na!" Sigaw ni Raeyna habang umupi kung saan nakahandusay si Brayden. Hindi ko namalayang dumapo na pala ang kamao ko sa panga niya. Lumabas si mommy sa kwarto nila at tumakbo papunta kay Brayden. Napatingin naman ako sa kwarto nila mommy at nakatayo doon si Daddy, masama ang tingin sakin.
Pumasok ako sa kwarto at binalibag ang pinto.
Nagising ako ng alas kwatro at napagdesisyunan kong dalawin ang kambal. Pagpasok ko sa kwarto nila ay agad silang nagtalukbong.
"Dada!" Sigaw ni Hari ng tumatawa. Sumenyas naman ako ng wag maingay. Nakita ko ang maleta sa gilid ng silid nila at binuksan ito, may laman itong mangilan-ngilan na damit ng kambal, gatas nila, diaper, gamot at iba pang gamit panglinis.
Sumilip ako sa labas ng kwarto. Wala pang tao. Lumabas ako at dumungaw sa first floor, wala paring tao.
Pumunta ako ng kwarto ko at kinuha ang susi ng sasakya, wallet at ang phone ko.
Bumalik ako sa kwarto ng kambal at binuhat ko sila pati ang kanilang maleta. Ibinaba ko sila. Nagtataka naman ang mga muka ng mga ito pero hindi sila umiyak man lang o nagreklamo.
Binuksan ko ang likod ng kotse at pinasok sila. Sinarado ko agad ang pintuan. Tumingin-tingin ako sa paligid para walang nakakita sa amin. Sumakay na ako sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
Pagdating sa gate ay bumusina ako. Hindi nila napansin dahil sobrang tinted ng kotse. Buti na lang.
Nangmakalabas kami ng subdivision ay itinigil ko ang sasakyan. Inayos ko sila at nilagyan ng seatbelt. Kinuha ko ang maleta at nilagay sa passenger's seat.
Napatingin-tingin naman sila sa paligid. Nginitian ko lang sila. Si momma na lang ang kulang mga anak. Babawiin natin siya. Nginitian din nila ako.
"Dada!" Sigaw nilang parehas.
Dumiretso ako sa Elite Philippines Hospital. Karga-karga ko ang kabal ay pumasok ako sa loob. Nakashots lamang ako at sando.
"Yes, sir." Bati sakin sa information.
"Papa-DNA." Sabi ko at napatingin naman siya sa dalawang baby na karga-karga ko. "Gaano katagal pwede makuha?"
"In an hour, we can already give you the result but it's costly." Pag-iisplika nito.
"Ok." Nginitian ko sila.
Trenta minuto na akong nakaupo dito sa waiting are habang tinititigan ang kambal na naglalaro. Hinihintay na lang namin ang result.
"Mr. Hughes." Tawag ng nurse. Agad kong binuhatbang kambal at pumasok sa loob. Binabasa ng Doctor ang result.
"They're yours." Nakangiting sabi nito sakin. Kinuha ko na agad ang result at nagbayad. Sinakay ko na sila sa kotse at nilagyan ng seatbelt.
Maya-maya pa ay nagring ang phone ko habang nagmamaneho ako. Napatingin ako. It's my mom. Sinagot ko ito.
Narinig ko ang iyak ni Raeyna sa kabilang linya at ang pag-mumura ni Brayden.
"Anak, ibalik mo na ang kambal." Umiiyak na sabi ni mommy.
"I wanna talk to Raeyna." Narinig kong kinausap ni mommy si Raeyna.
"Harry nagmamaka-awa ako. Ibalik mo na ang kambal ko." Napangiti ako.
"Better say, kambal natin."
"Kahit ano Harry. Please, ibalik mo na."
"I want you to turn off the speaker." Sumangayon siya. "I want you to distance yourself from them, yung hindi nila maririnig ang pinaguusapan natin." I smiled. "Gusto mo pa makita ang nga anak mo?"
"Yes... yes Harry please."
"Tomorrow morning, at 4am lumabas ka ng subdivision. Ikaw lang Raeyna, walang kasama. Don't tell anyone or else, alam mo kung hanggang saan ang kaya kong gawin Raeyna." Lalo siyang napaiyak sa kabilang linya. "I can bring them to Londo, anytime at never niyo na kaming mahahabol." Binaba ko ang tawag.
Pinuntahan ko ang yate ko sa Batangas. Tulog ang mga bata sa biyahe.
"Kyler!" Bungad ko dito ng sagutin niya ang tawag ko. "I need your help, bukas ng alas kwatro. Daanan mo si Raeyna sa tapat ng Subdivision namin. Siya lang ha, kung may kasama siya wag kana tumuloy."
"Ano na naman bang kalokohan yan pre? Baka makasuhan ako kidnapping jan ah."
"Asa akin ang kambal. May kasunduan kami ni Raeyna. Just trust me pre. Ako bahala sayo."
"Sige. Sige."
"Text ko nalang sayo kung saan mo siya daldalhin. Salamat!" Binaba ko na ang tawag. Agad ko namang itinext sakanya ang address.
Nagdrive thru ako sa McDonald's. At ipinarada ang kotse. Pinakain ko ang kabal at tuwang-tuwa naman sila ng ipahawak ko ang chicken sakanila. Kumain na rin ako.
Nagmaneho ako habang sinusubaybayan silang kinakain ang hita ng manok. Napa-isip ako.
Pwede na kayong kumain ng ganto ang dalawang taon?
May nadaanan akong babaeng may karga-kargang bata.
"Ate!" Lumapit naman ito sakin. "Kapag ba dalawang taon na ang bata, pwede na kumain ng ulam or kainin kr kung ano man?" Tumawa ito.
"Oo naman toy."
"Ah sige salamat." Nagpatuloy ako sa pagmamaneho ng sinusubaybayan sila sa kinakain nilang manok. Madungis na sila at puro tulo na ang sasakyan peto hinayaan ko nalang.
Agad kong iginilid ang sasakyan ng umubo-ubo si Hari at dumuwal-duwal.
"Anak careful." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya. Kinuha ko na ang hawak nilang manok at inihagis sa labas. Pinainom ko na sila. Bumakik at sa harapan at nagsimual na ulit magmaneho. Maya-maya pa ay napansin kong tulog na sila, napangiti ako.
Pagdating namin sa Rest house sa Batangas kung saan naka garahe ang yate ko ay tulog pa ang dalawa. Kanarga ko silang parehas habang hawak-hawak ang maleta at ipinasok sa bahay.
Nilapag ko sila sa kama. Pinunasan ko sila gawa ng anlalasa nila dahil sa manok at binihisan.
Naamoy kong mabaho ang diaper ni Hari, kaya binuksan ko ito. Agad ko ri itong isinara ng makitang tumae ito. Naalala ko ang ginagawa noon ni Raeyna kay Claire.
Kumuha ako ng diaper at wipes sa maleta nila. Nilinisan ko muna ang pwet ni Hari at pinalitan iti ng diaper. Pinalitan ko na rin ng diaper si Reyna kahit hindi ito tumae. Nahiga ako sa tabi ni Reyna at nilagyan ng malaking unan na harang ang gilid ni Hari.
"Tulog na lang tayo hangang bukas pagdating ni momma anak." Sabi ko at hinalikan sila sa noo.
