Chapter 6

4.7K 60 0
                                    

BELLE

"Matagal ka na po pala dito noh?" pag-uusisa ko. Sabay subo ng pasta.

"Ah oo, kelangang maghanap buhay e. Nabanggit mo kanina sa Draycott Hotel ka natuloy diba?" sabi niya habang ngumunguya.

"Opo bakit?"

"Madalas ako doon. Ang ganda nga doon e, sa pagkakaalala ko doon din ako nabinyagan haha." Natigilan ako para mag-isip. Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Diba binyag sa simbahan yon?

"Sabi mo dito ka na titira, hindi naman pwedeng tengga kalang doon sa hotel noh. Naku neng, humanap ka ng trabaho mo kasi mahirap mamuhay sa bansang 'to pag ika'y walang gatong."

"Oo nga po ate, yun nga rin po isang dahilan kaya ako lumabas ngayong araw."

"Naku madali ka lang makakahanap kasi hindi ka naman turista dito. Dual ang citizenship mo noh?" Tumago ako bilang tugon. "Swerte mo nga e, british daddy mo. Pogi siguro yun, swerte ni mommy haha." Natawa ako sa pagbibiro niya.

Nagkwento na rin ako sa kanya pero 'di ko kwinento lahat. Lalo na yung mga sensitobong mga bagay. Tsaka 'di ko rin naman pwedeng ikwento na mayaman ang pamilya ko sa Pilipinas at dito sa London kasi patay talaga ako.

"Kung kailangan mo ng trabaho na malaki ang sahod, mabilis ang kita at hindi mabigat, sakin ka lang lumapit. May alam ako."

"Ang gusto ko po kasi sana yung matatanggap ako agad, kasi isang lingo na lang yung pag iistay ko sa hotel. Hindi na rin ako pwedeng magstay kasi alam mo na ate haha, wala na ngang gatong." Nabulunan siya sa sinabi ko.

"Hindi obvious ah haha." May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. Binasa ko naman ang nilalaman noon, isang calling card. "Ayan, Andiyan ang number ko. Tawagan mo ako pag may problema ka or kelangan mo ng tulong pati na rin yung tungkol sa trabaho."

"Maraming salamat po, ang bait-bait niyo naman po."

"Hay naku maliit na bagay haha. Sige una narin siguro ako maya-maya."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon