Chapter 27

3K 48 0
                                    

HARRY

"Tangina talaga ng lalaking 'yon." Bulong ko sa inis.

"Ano bang usapan niyo?" Tanong ni Raeyna habang kumakain.

"Eight ang usapan, magna-nine na."

"Malapit na 'yon baka na traffic lang." Patuloy lang siya sa pagkain. Kanina pa siya kumakain. Para siyang gutom na gutom at hindi kumain ng ilang araw. Hindi ko na lang pinansin at baka maisipan niyang magdiet. Mas mabuti na yang ganyan para magkalaman-laman naman siya. Ang tigas kasi ng ulo, gumigising parin ng maaga para paghandaan ako ng almusal at tulungan ako sa paggagayak.

"Ayan na pala siya e." Agad niyang pinusan ang bunganga niya at inayos ang sarili niya. Kita ko naman ang mapang-asar na muka ni Sean habang tinuturo si Raeyna. Pabulong na sumesenyas ito habang naglalakad ng 'Siya na ba yon?'.

Lumingon si Raeyna sa likuran.

"Asan?" Paghahanap niya ng tingin. "Omg!" Malakas niyang sabi. Tumayo ito at sinalubong ng yakap si Sean. Natanggal ang ngiti ko sa labi. What the fuck?

Umupo silang dalawa. Napakunot ako ng noo.

"What the fuck men!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sean at huminga ng malalim.

"You know him?" At ngumiti naman sakin si Raeyna. Nabaling ang tingin ko kay Sean na nakatingin kay Raeyna habang nakangiti. You're messed up Sean.

"Sean." Seyoso kong tawag dito. "You haven't-" Hindi ko tinuloy ang dapat kong sabihin, dahil baka malaman niya. Baka malaman ni Raeyna.

"Uhm yes. Kilala ko siya Harry." Masayang sabi ni Raeyna.

"She's my-" Nabaling ang tingin ko kay Sean.

"Ex." Pagpuputol ni Raeyna dito. Kumuyom ang aking kamao. "He's my ex." Masayang sabi ni Raeyna at ngumiti kay Sean. Nag-aalangan namang ngumiti si Sean. Tangina mo Sean.

Tumayo na ako. At hinila si Raeyna palabas ng restaurant.

"Aray nasasaktan ako."

"Pare nasasaktan siya." Sabi ni Sean galing sa aming likuran na sumunod pala sa amin.

"Wag kang makialam. She's my wife!" Nagpipigil kong sabi.

"Anong bang problema mo?!" Naiinis na sabi ni Raeyna.

"You see pare, balak ko ng sabihin sayo-"

"Enough!" Sigaw ko dito bago pa man malaman ni Raeyna ang lahat. Kita kong napakunot ang noo ni Raeyna. Fuck! Tangina mo Sean.

"Wait, what? Teka lang ah. Teka lang." Sabi ni Raeyna. "Hindi ko na naiintindihan." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya. "How did you know each other?" Tanong niya na ang pakay ay puntuhin ang pinupunto ng kumusyong ito. "When did you know each other?"

"Way back in-"

"Last year." Pagpuputol ko sa sasabihin ni Sean. Tumingin naman sakin si Sean at kumunot noo na para bang nagtataka. "When did you know each other?" Tanong ko sakanilang dalawa na nagtitimpi.

"She's my cousin bro." Agad naman akong napatingin kay Raeyna na ngayon ay nakayuko at kinakagat ang ibabang labi.

"Sorry." Pag-aangat niyang tingin sakin. "I was just kidding."

"It wasn't funny." Sagot ko sakanya, napakagat lang siya ng labi na para bang guilting-guilty sa ginawa.

"Let's go." Galit kong sabi kay Raeyna.

"Kuya. Wait lang." Sabi niya kay Sean at tumigil naman ito sa paglalakad. "Harry bumalik na tayo sa loob, madami kaming pag-uusapang mahalaga." Pinandilatan niya ako.

"Alam mo naman siguro na hinahanap ako ni Daddy diba?" Tanong niyang nagpapaawa kay Sean.

"Ok so here!" Huminga siya ng malalim. "I went here in London kasi I was sent by your father to search for you." Nagkatinginan kami ni Raeyna at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang muka.

"Are they fine?"

"Yup, they're both good."

"Bakit niya ako pinapahanap?"

"Wala siyang nabanggit. Ang sinabi lang niya ay hanapin ka. I know I can't do it alone, so I contacted him." Turo niya sa akin. "Hihingi sana ako sakanya ng pabor, para magpatulong hanapin ka."

"Yan yung tinutukoy mo kaninang pabor?"

"Yep. Small world strikes again."

"Raeyna, ihahatid na kita sa sasakyan. I need to talk to Sean sandali." Tumango naman ito.

"May mga sasabihin pa ako."

"Yes. Yes. Sabihin mo sakanya mamaya. Kami na pupunta doon." Tumango-tango naman siya. Hinatid ko siya sa sasakyan at bumalik para kausapin si Sean.

"Tangina mo Sean!" Mahinang sabi ko sakanya pagka-upo na pagka-upo ko sa tapat niya.

"Wala siyang alam pare?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala. Putangina mo. Muntik na ako mabuking." Napahawak ako saking sintido. "Explain."

"Pinsan ko si Belle pare. 'Di ko sinabi sayo noon kasi it's no use naman."

"Anong it's no use? So nagmumuka pala akong tanga pagnagkwenkwento ako sayo dati? Kilang-kilala mo naman pala yung taong kwinekwento ko!"

"Look, hindi ko agad nasabi kanina. Kasi ngayon ko palang balak ikwento. And besides hindi naman kami close dati." He took a shot. "Ikwekwento ko pa lang sana na good news, hindi natuloy ang kasal. Another good news, magpapatulong akong hanapin siya sayo. Bad news, kilala ko na siya personally dati pa." Napabuntong hininga ako.

"Tangina mo. Pinagmuka mo akong tanga. Ngayon, anong plano mo?" Nagkibit balikat lang ito. "You can't take her from me."

"I know." Simpleng sagot niya. "Napaka galing talaga ng bestfriend ko! Magdadalawang bwan palang nawawala si Belle, napakasalan mo na agad. Hanep!" Nakangiti niyang sabi habang umiiling-iling. "Patay tayo niyan sa pamilya niyong dalawa."

"Hindi pa kami kasal." Inis kong sabi. "Pinagplaplanuhan ko palang. I wanna own her yung wala ng makakaagaw pa."

"So anong plano natin?"

"Palabasin mong hinahanap mo siya."

"You know it's not easy as it looks." Iling-iling niya. "So kelan mo balak sabihin kay Belle?"

"Di ko alam."

"Does she know about your family?" Umiling-iling ako.

"Tsk. Tsk. Nalintikan na." Iling-iling niyang sabi. "I trust you. Hahayaan kita kay Belle, but promise me na walang mangyayareng masama sakanya."

"You know me very well."

"Yup. And you like her very well. Very bad."

"Nah." Umiling ako. "I think it's more than that."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon