HARRY
Bago magsara ang pintuan ng elavator ay nakita ko ang pagngiti niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti rin. Hanggang pagbaba sa basement at pagdrive palabas ng building ay hindi ko na maalis ang ngiti sa aking mga labi. Ansaya ko. Parang ngayon na lang ulit.
Paglabas ko ng building ay agad nagsisunuran ang dalawang escort ko na kanina pa nag-aabang sa tapat ng building. Nang madaanan ko ang dalawang nakaparadang sasakyan na kung saan naroon ang mga body guard at driver ni Raeyna ay tumigil ako, binuksan ko ang bintana.
"I want you all to do your job well. I hope you to be alert every second of the day, don't let her leave alone. Follow her and contact me immediately incase she'll attempt to leave." I will never let you Raeyna, again... Hindi ko na hinantay pa ang sagot nila.
Pagkarating ko sa office ay agad akong binati ng mga empleyado. Nginitian ko lang sila bilang tugon.
"He's smiling."
"He's early today."
"He seems so happy."
"Ang aga ni sir."
"Today's a miracle."
"Hala ansaya ni sir."
Rinig kong sabi ng mga empleyado. Yep, may mga iilan na empleyado ditong Filipino. Kaya may maririnig kang mga nagtatagalog pailan-ilan.
"Omg he's smiling." Sabi ng nakasalubong kong babae. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy maglakad.
I'm smiling since I left her, since I left my home.
"Good morning Sir! Good mood." Pagbibirong sabi ni Herbert. Nginitian ko lang siya at umupo sa swivel chair.
"Good morning." Tugon ko sakanya.
"By the way, here's her things." Sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin hila-hila ang maleta ni Raeyna.
"You may leave." Sabi ko sakanya matapos niyang maiabot ito at agad din siyang lumabas ng silid.
Binuksan ko ang maleta ni Raeyna. Nakapaibabaw dito ang wallet at relo niya, napangiti ako ng maalala ang itsura niya habang nagwawala sa pag-iyak kahapon. Binuksan ko ang wallet niya at tinignan bawat bulsa nito at nakita ang tatlong litrato. Nakita ko ang tinutukoy niyang family picture. It was her, Mr. and Mrs. Edwards. Ang picture naman na isa ay kasama ang bestfriend niya. At ang isa pang picture ay ang graduation picture niya nung highscool.
I bitterly smiled. Siya nga.
Binalik ko lahat ng picture sa wallet niya. Tinignan ko ang ibang mga gamit niya at wala ng iba pang kakaiba dito, bukod sa isang kahon. Binuksan ko ito, isang singsing na may bato. Tinignan ko itong mabuti at nakita sa loob na may nakaukit na, Brayden♡ Belle. Napatiim bagang ako . Binalik ko na lahat ng laman ng maleta niya at isasara na sana nang makita ko ang passport niya. Kinuha ko ito at tiningnan. She's beautiful. Sabi ko sa sarili ko habang tinititigan ang picture niya sa passport. Medyo epic ito kaya napangiti ako, but still ang ganda pa rin niya.
Her birthday is February 20, 1997. Napaisip ako, so she's 19. Napailing-iling ako. Ang bata pa niya.
My phone vibrated. It was Raeyna. "Saan naka-lagay yung mga panlinis at panlaba?" Napa iling-iling ako habang nakangiti. Masyado niyang sineryso ang sabi kong trabaho niya, as my wife.
I called her. Agad naman niya akong binungaran ng mga tanong na nasa text din niya. "Secret." Nakangiti kong sagot at narinig ko siya bumuntong hininga.
"Ano nga?!" Inis niyang tanong galing sa kabilang linya.
"Walang maglalaba, walang maglilinis."
"Ano ba?! Wala akong magawa, asan?!"
"Hindi pwede. Eat your lunch and sleep." Magsasalita pa sana siya pero binaba ko na ang tawag. Tinuloy ko na ang ginagawa kong pagpipirma ng kung anu-anong papeles na nasa harapan ko.
Napatingin ako sa aking orasan, 2:35pm. I haven't eaten my lunch yet. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako sa mga binabasa kong mga proposal at kung anu-ano pa.
My attention was caught by the next folder entitled from Mr. Edwards, CEO of Parker Eds Group of Companies. Binuksan ko ito at binasa.
Halos kumislap ang mata ko ng mabasa ang mga katagang; We are seeking for alliance from your company for the benefits of both....
Napaisip ako. This could be risky.
Tinawagan ko ang aking secretary through an intercom. "An investigation for Parker Eds Group of Companies, and its CEO. "
Pagpasok ko ng bahay, kagaya ng dati ay napaka tahimik. Wala siya sa sala. Wala rin sa kusina. I went to my room, our room rather. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa. Maayos ang kama at halos lahat ng gamit. Pumunta ako ng cr, napaka bango nito't halatang nalinisan. Agad din akong nagpunta ng walkin closet, ilalagay ko na sana ang tuxedong hinubad ko sa maruruming damit pero wala na ang tambak na labahin. Binuksan ko ang cabinet at nakitang nakasalansan na lahat ng mga ito, nalabhan at naplantsa na rin.
Nilapitan ko siya, she's sleeping soundly with her mouth slightly opened. Alas siete na rin ng gabi. What caught my attention is her wounded fingers. Sugat sugat ito at namumuti na para bang nababad ng matagal sa tubig.
Napailing-iling ako. Ang kulit talaga.
Nagbihis ako at nagpuntang kusina para maghanda ng hapunan. May nakita akong sulat sa fridge. "There's a food in the microwave, just reheat it.-Raeyna" Napangiti ako, may smiley face pang naka drawing sa papel.
Tinignan ko ang microwave at may ulam nga roon, as usual, I looked for rice pero mukang hindi siya nagluto. Dahil rin siguro hindi siya marunong.
Nagluto ako ng kanin at ipinainit ang hinanda niyang ulam, pagkatapos maghanda'y nagtungo ako sa kwarto.
Kinulbit ko siya. "Raeyna." Inayog ko siya ng konti at agad naman itong bumalingkwas at nag-ayos ng sarili.
"Andyan ka na pala. Anong oras na?" Natataranta niyang tanong habang nilalagay ang buhok sa likod ng tenga.
"Mag e-eight. Let's eat." Sabi ko sabay labas ng kwarto. Agad din siyang sumunod.
Kumain kami. Pilit niyang itinatago ang mga daliri niya. Na kinaiinis ko namang tignan.
"Nakita ko na, 'wag mo ng itago." Inis kong sabi. Yumuko lang ito. "Sabi ko wag kang maglaba diba?" Hindi ito umimik. Napa iling ako sa inis.
Pansin na pansin sa itsura niya na parang pagod na pagod niya dahil sa kanyang pamumutla, idagdag pa akong sugat-sugat niyang mga daliri.
"Mauna ka nang maglinis, matulog ka na." Inis kong sabi ng makitang tapos na siyang kumain. "Ako na magliligpit dito."
"Ako na." Mahina niyang sabi na lalong nagpainis sakin.
"Ayokong humalo ang dugo mo sa mga pinagkakainan natin, ako na." Tumayo siya't dinala ang pinagkainan niyang plato. "Iwanan mo yan jan." Binitawan niya ito't umirap. "Pumunta kana ng kwarto." Wala siyang nagawa at sumunod.
Pagpasok ko ng kwarto'y nakahiga na siya sa sofa. Matamlay at pawa bang may sakit. Hindi ko siya pinansin at nagdirediretsong naligo.
Pagkalabas ko ng cr ay tulog na siya. Kinuha ko ang first aid kit at lumapit sakanya. Kinuha ko ang kamay niya't nilagyan ng gamot. Nagising siya.
"Ok lang ako." Pagbabawi niya ng kanyang kamay.
"Gamutin mo yan." Masungit kong sabi pero parang wala lang siyang narinig. Naglakad ako patungo sa kama at humiga. "Gamutin mo yan." Pag-uulit ko kaya't pinagpatuloy naman niya ang panggagamot sa kanyang nga dariling sugat. Matapos ay niligpit niya ang first aid kit. "Iwanan mo yan jan. Humiga kana dito." Napatingin siya sa akin. "Sabi ko, hayaan mo na yan jan at humiga kana dito." Inis kong pag-uulit. Sumunod naman ito at humiga sa tabi ko.
Malaki ang kama kaya't malayo kamo sa isa't-isa. Humiga ito ng nakatalikod sa akin.
"Walang gigising ng maaga bukas." Magsasalita pa sana ito ng putulin ko, "No buts Raeyna, sleep."
