BELLE
Natagpuan kong umiiyak ang sarili ko sa puntod ni Claire. Ang sakit. Oo, hindi ko siya tunay na anak pero siya ang nagpasaya at nagparamdam sakin na maging isang ina. Itinuring ko siyang buo, na sa akin. Minahal ko siya ng buo, na sa akin. Ang sakit sakit.
"Anak bumalik ka na please." Humiga ako sa puntod niya habang umiiyak. "Bumalik ka na kay momma." Tumayo ako at umupo ng maayos. Hinaplos ko ang puntod niya habang nakangiti.
"Belle." Natigilan ako ng may humawak sa likuran ko. Agad ko siyang tiningnan. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinunasan ko ang luha ko.
"Hindi ako nakapunta nung libing." Sabi niya at tumingin sa malayo. "Sinadya ko talagang pumunta para dalawin ang pamangkin ko." He bitterly smiled. Natigilan ako sakanya at tinitigan siya, nakatingin lang siya sa malayo. "Belle, four years ago nung sinabing naka arranged marriage ako sayo, hindi ako natuwa. Ayaw ko. Dahil isa lang ang babaeng minahal ko, si Natalie. Classmate ko siya simula kinder hanggang college. Family friend namin ang pamilya niya, we became bestfriends. I and kuya used to be so closed before. Alam niyang super crush ko si Natalie. And then one day, nalaman na lang namin na naka arranged marriage si kuya kay Natalie. Ayaw ni kuya. Ginawa niya ang lahat, pero wala. Natuloy ang kasal. Kagragraduate lang noon ni Natalie ng highschool at si kuya naman ay hindi pa tapos ng college. They went to London, at doon nila pinagpatuloy ang pag-aaral nila. There was this girl na palaging kwinekwento sakin ni kuya. College na siya noon first year highschool palang ata yung babae. Alam mo ba kung paano niya nakilala ang babaeng 'yon?" Umiling ako. "Pina-check sa section nila ang test paper ng section ng babaeng yun. Same university sila. Lahat ay bumagsak at ang babaeng lang 'yon ang nakapasa. Kinuha niya ang pangalan at inistalk niya yung babaeng 'yon. Nakakatawa kasi playboy tapos may inii-stalk naman palang patago. Lagi niyang kwinekwento sakin ang mga nakakalap niya impormasyon. Nabalitaan niya rin na maraming sumubok at gustong sumubok na manligaw doon sa babae, pero ni isa ay wala pang nakapagpa-payag. Syempre gago, edi na challenge siya lalo. He approached that girl sa harap ng maraming tao. He risked his pride and reputation, nakakatawa kasi nilagpasan lang siya nung girl." Nanlaki ang mata ko ng maalala ang lahat.
"Ako?" Tumango-tango siya.
"It was you Raeyna since the very start. Sobra kang kinasuklaman noon ni kuya sa ginawa mo sakanya. Pero naaalala ko yung sabi ni sakin bago sila ikasal ni Natalie. Bro, alam mo namang ayoko talagang makasal kay Natalie. Ginawa ko ang lahat, sorry bro. Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? Si Belle lang. Galit ako noon kay kuya kasi nga natuloy ang kasal nila ni Natalie. Naalala mo noong binastos kita? It was because galit ako kay kuya. I'm sorry."
"Matagal na 'yon." He smiled at me.
"Nung nalaman kong ikakasal tayo, nagalit ako kila daddy dahil sa pangalawang pagkakataon ay gagawin nila ulit ang pagkakamaling ginawa nila kay kuya. Sa huli ay pumayag din ako hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil sa gusto kong gumantu kay kuya. He took Natalie from me. Ang nasa isip ko ay, kukunin kita sakanya. Nung hindi natuloy ang kasal, Belle sobra akong nalungkot. Mga ilang bwan narealized kong gusto na din pala kita." Tumingin ako sakanya at nakatingin lang siya sa malayo.
"Paanong gusto?"
"Pinahanap rin kita, to be honest. Gusto kong magsorry sa mga ginawa ko sayo dahilan para ayawan mo ako ng sobra. Pero hindi kita nahanap."
"Akala ko ba si Natalie?"
"Akala ko din. Nung tinawagan ako ni kuya para makipagkita ay natuwa ako. Handa na akong makita siya dahil ok na ako na sila ang nagkatuluyan ni Natalie. Pero nung makita kita at ng pamangkin ko, sobra akong nagalit kay kuya. Una si Natalie, tapos pati ikaw kinuha niya pa."
"Kung hindi lang matigas ulo ko, siguro hindi humantong sa ganito." Bumuntong hininga ako.
"Kasal na sana tayo ngayon at may sariling anak." Tumawa siya. "Belle nakakagago mang tanong, may pag-asa pa ba na bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon?"
