Chapter 56

2.2K 37 0
                                    

HARRY

Sinalubong niya ako ng nanlalandi, nang makalapit siya ay sinampal ko siya.

"How could you?" Sabi nito habang nakahawak sa kanyang pisnge at nakaupo sa sahig. Pulang-pula ang pisngi nito at may dugo-dugo.

"How could I?" Nagtitimpi kong tanong sakanya. "How could you!" Lumapit ako sakanya at itinayo siya habang hinihila pataas ang kanyang buhok.

"It hurts." Sabi nito ng mangiyak-ngiyak. "Ano bang ginawa ko?!" Sigaw nito. Itinulak ko siya sa kama.

"Pinatay mo yung anak ko." Umupo ako sa upuan. Tumulo ang luha ko nang maalala si Claire.

"Asan yung baby natin?" Tanong niya sakin matapos siyang manganak.

"Pinatay ko na." Sagot ko at tumalikod na. Iniwan ko siya sa hospital habang nagwawala.

"Kasi pinatay mo yung anak ko! Pinatay mo yung anak natin!" Sabi nito habang tumutulo ang luha. Napatitig ako sakanya. "Galit ako sayo Harry! Pero mas nangingibabaw yung pagmamahal ko! Hinayaan kitang maging masaya. Samantalang ako ano? Miserable ako! Pinatay mo yung anak ko tapos makikita kitang masaya kasama ang anak mo sa iba?! Makikita ko yung anak niyong masaya? Samantalang yung sa akin, wala na?!"

"WALA NA TALAGA SIYA NATALIE!"
Sigaw ko dito. Pinagbabasag ko lahat ng gamit.

"Kasalanan mo...." Mahina niyang bulong habang nanginginig sa takot at humahagugol.

"Wala na talaga siya dahil pinatay mo siya Natalie." Napa-anagat ito ng tingin sakin. "Pinatay mo yung anak mo!" Umiling-iling ito. "Pinatay mo yung anak mo Natalie."

Maya-maya pa ay may mga dumating na pulis at pinosasan siya.

"Hindi ko sinasadya." Umiiling-iling ito habang nagmamakaawa at umiiyak. "Hindi ko alam." Tumawa ito. "Hindi ko sinasadya." Nakatitig lang ako sakanya habang kinakaladkad siya ng mga pulis. "Anak ko pala yun?" Tumawa siyang muli habang umiiyak. "Hindi ko alam." Humagulgol ulit ito sa pag-iyak.

Pagkasakau ko sa sasakyan ay napailing ako. Kasalanan ko ang lahat. Napaka-gago ko.

"Pare wala na siya. Pinuntahan ko na lahat kung saan siya pwedeng puntahan." Iling-iling ko habang nakatitig sa basong naglalaman ng alak.

"Lasing ka na pre. Iuwi na kita." Sabi sakin ni Kyler. Umiling ako at ngumiti.

"Pare kailangan kong mahanap si Raeyna!" Umiling lang sila sakin. Hinagis ko ang baso sa dance floor at agad silang nagtinginan sakin.

Nagkibit balikat ako at nginitian sila.

Lumabas ako ng bar at sumakay sa kotse ko. Sinundan ako nila Kyler, Tristan at Felix.

"Pare kaya mo ba?" Tanong nila sakin ng paandarin ko ang sasakyan.

"Hindi na." Sagot ko lang sakanila at pinaharurot ang sasakyan.

Pinarada ko sa tapat ng bahay nila Raeyna at bumusina ng tuloy-tuloy. Binumbahan ko na rin sila pero walang lumalabas. Bumaba ako ng kotse at kinalampag ang gate nila.

"MAHAL!!!"

"MAHAL KAUSAPIN MO AKO!"

"MAHAL!!!!"

"RAEYNA!!!"

Sumakay ako ng sasakyan ko. Dumiretso ako sa bahay. Binunggo ko ang gate. Umatras ako at binunggo ulit.

Agad nila itong binuksan ng makita ako. Dali-daling tumakbo palabas si Mommy at si Daddy naman ay may dala-dalang barili.

"Ano na namang kalokohan 'to?!" Sigaw sakin ni daddy. Tumawa lang ako.

"Barilin mo na lang ako dad." Natatawa kong sabi at dumipa. Lumapit sakanila. "Barilin mo ako!" Sinigawan ko siya dahilan para ihampas niya sa muka ko ang baril. Natumba ako at tumawa. Tumakbo si mommy at tinulungan ako. "Sabi ko barilin! Putangina naman bakit sampal."

"Tama na Hayden!" Sigaw ni mommy kay daddy na aamba pa sanang saktan ako. Pumasok na si daddy sa loob ng bahay.

"Anak ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na tanong ni mommy. Natawa ako at napahawak sa pisngi ko, tinignan ko ang kamay ko at may dugo.

"Mahal na mahal ko si Raeyna ma." Natatawa kong sabi habang umiiyak. "Putangin kung hindi dahil sa pinilit niyo akong ikasal sa taong hindi ko naman mahal, hindi ito mangyayare." Tumayo ako at naglakad pabalik sa kotse ko.

"Anak." Sabi ni mommy na hahabulin pa sana ako.

"Putangina paki sabi kay daddy, kasalanan niya to. Putangina niya." Sabi ko habang tumatawa. Sumakay ako sa sasakyan kong wasak-wasak ang harapan. Sinundan ako ni mommy at hinila palabas ng sasakyan.

"Putangina ma. Patayin niyo na lang ako." Tumulo ang luha ko at dumaan sa basag kong pisngi. Ramdam ko ang hapdi pero natuwa ako. Tangina ang sarap masaktan. "Hindi ko kayang mawala si Raeyna ma."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon