Chapter 39

2.4K 35 0
                                    

BELLE

"Mahal what are you doing?" Tanong niya in an husky voice. Bumangon ito at umupo. Kinusot-kusot niya ng mata niya habang humihikab.

"Nagutom kasi ako." Sabi ko at lumapit sakanya dala-dala ang cake. "Gusto mo?" Umupo ako sa tabi niya.

"Mahal it's 2am."

"Oh sige na. Matulog kana. Ubusin ko lang 'to tutulog na rin ako."

"Lika na nga. Ang matampuhin naman ng baby ko." Sabi niya at ikinandong niya ako sakanya.

"Gusto mo?" Tanong ko sakanya habang isinusubo ang cake. Ngumanga naman siya at sinubo. "Sarap diba, ako nagbake niyan."

"Really?!" Gulat niyang sabi.

"Joke lang." Tumawa ako.

"Ayan ha. Ubos na. Matulog na tayo."

"Toothbrush lang ako." Pinigilan niya ako. Kinuha niya ang pinaglagyanan ng cake at ipinatong sa lamesa sa tabi niya. Hinila niya ako at niyakap. Humiga na kami.

"Sleep na Love." Sabi nito.

"Mahal birthday mo na sa isang araw."

"Hmm?" Tugon lang nito habang nakapikit.

"Anong plano mo?" Hindi ito umimik.

Nagising ako ng alas singko. Feeling ko yung kinain ko ay nasa lalamunan ko pa. Tumakbo ako sa cr at nagsuka.

Lagi na lang ang sama-sama ng pakiramdam ko tuwing umaga. Parang umiikot paningin ko at ambigat ng pakiramdam ko.

"Mahal why so early?" Tanong nito pagbalik ko sa higaan. "It's weekend." Sabi niya.

"Wala nagcr lang ako." Sabi ko at humiga sa tabi niya. "Harry, mahal mo ba talaga ako?" Lumapit siya sakin at sinubsob ang muka niya sa leeg ko habang nakayakap.

"Sobra." Hinigpitan niya ang yakap sakin. "Bakit mo naman naitanong?"

"Ilan kaming sobrang mahal mo?" Napatingin siya sa akin.

"Bakit?" Humiga ito ng maayos. "Ikaw lang. Pinagdududahan mo ba ako?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo.

"Takot ako mahal." Yumakap ako sakanya at sinusob ang muka ko sa kanyang dibdib. "Ayokong mawala ka." Niyakap niya rin ako. "Gusto ko ako lang." Bumuntong hininga siya. "Gusto ko sakin ka lang."

"Ang lambig naman ng asawa ko." Natatawa niyang sabi. "Sayo lang ako Love." Inangat niya ako at tinitigan sa mata.

"Promise?"

"Promise." At binigyan niya ako ng ngiting naninigurado.

Nandito ako ngayon sa mall. Dahil bukas ang birthday na niya. Pumasok siya ngayon, buti na lang at nagkaron ako ng pagkakataon mamili ng regalo ko sakanya. May kasama akong dalawang body guard pero pinagbilinan ko silang huwag sabihin kay Harry. Nag-usap naman kami kanina ng head chef para sa mga ihahanda niya bukas. Kinuntsaba ko na rin ang mga iba pangtagapagsilbi na huwag muna sabihin na pinaghahandaan namin, para surprise.

Kanina pa ako nagpapalad-lakad dito sa mall pero wala akong maisip na iregalo sakanya.

Nagawi ang mata ko sa isang drugstore kung saan may mga naka display na makeup. What if mag makeup ako bukas?

Pumasok ako at tinignan. Sinubukan ko ang iba sa aking kamay. Napagdesisyonan kong kunin ang isa, ngunit ng tignan ko ang presyo'y agad ko itong ibinalik. Sobrang mahal.

Nagawi ang mata ko screen kung saan inaadvertise ang isang pregnancy test. Tinuon ko ang atensyon ko dito, sinasabing 'best of all'. Napaisip ako, what if itry ko kaya?

Nagtungo ako sa counter at bumili ng dalawa. Magkahalong kaba at kung anu-ano pa ang nararamdaman ko.

Agad akong nagpunta sa cr ng mall. Pinaghintay ko ang mga body guard sa labas.

Pagpasok ko sa isang cubicle ay bumuntong hininga ako. Binuksan ko at binasa ang instruction.

Ginawa ko ang sinabi.

Matapos ay halos pagpawisan ako sa paghihintay ng resulta.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon