BELLE
"Claire!" Tawag ko ng matapos kong maghanda ng pagkain. Lumabas si Manang sa cr.
"Manang si Claire?" Tanong ko dito. "Patawag na at kain na tayo."
"Sige hija." Natapos ko ng ayusi ang lamesa. Aakyat na sana ako para kunin ang phone ko sa kwarto pero nakasalubong ko si manang sa hagdan.
"Asan si Claire?" Tanong ko sakanya.
"Wala siya sa mga kwarto." Ramdam ko ang pagbaba ng puso ko sa aking tiyan sa kaba. Nanginginig-nginig naman si manang.
"Claire!" Sigaw ko at tinignan bawat sulok ng bahay. Nagsimula ding maghanap si Manang. "Anak!"
"Ma'am titignan ko siya sa harap. Patignan naman sa likod." Sabi ko pinipilit kumalma.
"Claire!" Sigaw ko ngunit walang sumasagot. Pumunta ako sa likod at nakasalubong ko si Manang.
"Wala rin siya doon." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Napaupo ako at napahawak sa dibdib. Nagsimulang tumolo ang luha ko sa takot. Hindi ko makita ang anak ko. Nawawala si Claire.
Hindi ako makahinga.
Inalalayan ako ni manang papasok at kinuhanan ng tubig. Pinipilit kong kumalma.
Tumayo ako at tinawagan gamig ang telepono ang security ng subdivision.
"Manang pasuyo naman po ako nung phone ko." Sabi ko habang wala pang sumasagot. Agad siyang tumakbo at kinuha ang phone ko sa taas.
Walang sumagot ng tawag. Sakto namang inabot sakin ni Manang ang phone ko. Tinawagan ko si Harry.
"Mahal..." Hagulgol ko ng iyak. "Mahal si Claire hindi namin mahanap. Hindi kos iya makita mahal." Lumabas ako ng bahay. Naglakad ako papalapit sa gate. "Hindi... hindi ko nga ma-contact, walang sumasagot. Tumawag ka na ng pulis mahal." Rinig ko ang pagmumura niya, mura siya ng mura.
"Anak!" Nabitawan ko ang phone ng mahagip ng mata kong nakahandusay ito sa tapat ng gate namin.
Tumakbo ako at nilapitan siya.
"MANANG!!!!" Sigaw ko habang tinititigan si Claire na duguan at walang malay. Hindi ko alam kung paano siya hahawakan.
Napatingin ako sa gate at nakatayo si Manang habang naka hawak sakanyang bunganga at umiiyak.
"Manang! Tumawag ka ng tulong!" Tumakbo ito papasok. "Tumawag ka!" Hagulgol ko ng iyak. Binuhat ko si Claire, inayog-ayog siya.
"Anak gumising ka!" Nanginig kong sabi. "Anak wag mobg iwang ang si momma!"
Tumakbo si manang dala-dala ang susi ng kotse, phone at ang wallet ko. Lumapit sa amin, maya-maya pa ay may dumating na ambulansya.
Sinakay nila si Claire.
Tumakbo ako sa loob ng bahay at pinatakbo ang sasakyan. Nakasunod kami sa ambulansya.
Napatingin ako sa kamay ko, puro dugo.
Napahagulgol ako sa iyak, dugo ito ng anak ko.
Puro dugo ang manibela. Nanginginug ang kamay ko habang nagmamaneho. Hindi mawala ang titig ko sa ambulansyang maingay ang tunong.
"Anak ko.. wag mo kaming iwan..." Hagulgol ko sa iyak. "Lumaban ka anak, lumaban ka please." Hinampas ko ang manibela ng maabutan ako ng traffic light. "Manang kasalanan ko 'to, hindi ko siya nabantayan."
"Hindi anak.. hindi." Hagulgol ding iyak ni Manang. "Huwag mong sisihin ang sarili mo."
Pagkarating sa Hospital ay agad akong bumaba ng sasakyan, sinilip ko ang ambulansyang nakaparada sa harap ng emergency room kung saan nila sinakay si Claire kanina.
Wala na si Claire.
Pumasok ako ng emergency room. Nagtinginan sakin lahat ng tao. "Asan yung batang dinala dito?!" Sigaw ko habang humahagulgol. Itinuro naman sakin nung nurse.
Agad akong nagtatakbo papunta sa kung nasaan ang anak ko.
Hinarang nila ako. Hinila ako ni mamang at pina-upo sa waiting area. Inabot sakin ni manag ang phone ko. May 50 missed calls si Harry. Agad ulit itong nagring.
"Mahal!... Andito kami sa Hospital.... Duguan si Claire nang makita namin sa tapat ng gate." Pahikbi-hikbi kong sabi. "Tagaytay med. Bilisan mo pumunta kana!" Humihikbi ako.
May mga lumapit saking pulis. Ibinaba ko ang tawag na hindi pinapakinggan ang sinasabi ni Harry.
"Mrs. Hughes?"
"Ako nga." Sagot ko at tumayo.
"Matapos ang mangyari ay agad tumawag ang security ng subdivision niyo samin ma'am. Agad naming inimbistigahan ang nangyare." Inabot nila sakin ang isang ipad at nagplay ang isang video.
Napailing-iling ako at humagugol sa iyak. Niyakap ako ni Manang.
"Mahal!" Sigaw ni Harry habang tumatakbo sa kinaroroonan namin.
Sinampal ko siya. Pinagsusuntok ko siya.
"PUTANG INA MO!" Dinuro ko siya sa muka, nakatingin lang ito sakin na para bang gulat na gulat.
Kinuha ko ang ipad at pinanuod sakanya ang video.
"Shit." Pagmumura niya habang umiling-iling.
"Hindi ako yan mahal."
"Ano pa bang kasinungalingan Harry?!" Sigaw ko sa muka niya. "Kitang-kita jan sa video kung paano binangga ng sasakyan mo ang anak ko, plaka mo yan. Sasakyan mo yan!"
"Let me ex-" Natigil kami ng lumabas ang Doctor.
"Kayo ba magulang ng bata?" Lumapit ako sa Doctor at nagpilit ng ngiti.
"Ok na siya?" Bumuntong hininga ang Doctor. Umiling-iling ako.
"No." Nakangiti kong sabi habang nag-uunahan ang luha.
"I'm sorry." Nanghina ako. May sumaksak sa puso ko. Nawala lahat ng lakas ko.
Hinawakan ko siya sa magkabilaang braso.
"No! Tell me she's fine!" Inayog-ayog ko siya. Hinila ako ni Manang.
"Time of death, 2pm." Lumupasay ako sa sahig. Naubos ang lakas ko. Hindi ako makaiyak. Hindi ko marinig ang sinasabi nila. Hindi ko maintindihan.
"No!" Hagulgol ko ng iyak. "Hindi pwede!" Pagwawala ko habang nakalupasay sa sahig. "Buhayin niyo siya! Buhayin niyo siya!" Tumayo ako at nagtatatalon talon. Umiling ang Doctor. "Magbabayad kami kahit magkano..."
"Hija, wala na si Claire." Sabi ni Manang habang humahagulgol.
"Hindi pwede!" Lumakad ako at nilapitan ang Doctor. "Kahit magkano! Buhayin niyo siya! Buhayin niyo siya!"
"I'm sorry." Sabi ng Doctor at tuluyan ng umalis. Nakita ko si Harry na pumasok sa loob ng silid.
Kahit mahirap pumasok ako, bawat hakbang ay mabigat. Naabutan kong si Harry na karga karga ang duguan naming Claire at umiiyak.
"Anak..." Hagulgol ko. "Anak ko." At dahan-dahang lumapit sakanila. "Mayaman ka diba?! Sabihin mo buhayin nila si Claire." Sigaw ko sakanya.
"Wala na siya mahal."
"Kasalanan mo 'to." Sinugod ko siya. Gusto ko siyang suntukin pero nanghihina ako. Hindi siya lumaban sa pawat hampas ko sakanya, nanatili siyang umiiyak.
