Chapter 16

3.9K 58 0
                                    

BELLE

Nagising ako ng alas tres, dahan-dahan ako bumaba ng kama at lumbas ng kwarto para magluto ng almusal. Puno ang laman ng fridge dahil nag grocery kami kahapon matapos kumain ng lunch sa mall kung saan niya ako pinamilhan ng mga gamit. Magaling si Herbert, siya raw kanyang kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Siya ang nag supervised ng mga nag ayos ng gamit ko sa walkin closet ni Harry.

Nag-brewed muna ako ng kape. Nilabas ko ang manok, pero matigas pa ito. Sinalang ko ito sa kawali para mailaga. Nilabas ko rin ang repolyo, celery, patatas, carrots at hotdog at hiniwa. Naghiwa na rin ako ng bawang at sibuyas. Hinango ko ang manok nang mukang luto't malambot na ito. Pinalamig ko saglit at hinimay-himay.

Sinimulan ko na igisa sa butter ang bawang at sibuyas, nilagay ko ang hotdog. Ayoko kasi ng parang hilaw na hotdog, kaya inuna ko ng prinito ito sa butter. Nang luto na ito'y hinango ko at itinabi. Ginisa ko ang bawang at sibuyas doon sa pinagprituhan ko ng hotdog at sinama ang hinimay-himay kong manok. Nang medyo magkulay na itong brown ay nilagyan ko ng fish sauce kung tawagin nila sa filipino market dito pero sa madaling salita ay patis sa Pilipinas. Nang tuluyan ng ma-absorb ng manok ang patis ay nilagay ko ang hotdog kasama ng hilaw na macaroni pasta. Hinalo-halo ko ito at hinayaan sandali. Maya-maya pa ay binuhos ko ang chicken broth o siyang pinaglagaan ng manok. Dinagdagan ko rin ito ng kaunting tubig, nang kumulo'y tinimplahan ko ito asin at paminta. Nilagay ang mga gulay, at hinintay ulit kumulo. Pagkakulo'y ibinuhos ko ang gatas at ang cream at hinintay kumulo. Matapos kumulo ay nagligpit muna ako't hinugasan ang mga nagamit kong kung anu-ano.

Matapos ay naghain ako sa mesa at nagsandok ng sopas. Hingo ko na rin ang brewed coffee at kumuha ng cream at asukal at inihain din. Nagtungo ako sa kwarto, saktong magaalas singko ng umaga.

Pagkarating ko sa kwarto'y mahimbing pa siyang natutulog. Lumapit ako't tinapik siya. "Gising na." Sabi ko habang inaayog siya. "Uy gising na." Pag-uulit ko pero mahimbing parin siyang natutulog. Inayog ko ulit ito at tinapik-tapik pero parang wala lang itong naramdaman. Yumuko ako't inihipan ang kanyang tenga at sa wakas! Gumalaw ito at kinamot ang tengga niya ngunit natulog ulit.

"Harry! Harry! Manganganak na ako!" Sigaw ko ng malakas at napabalingkwas siyang upo. "Good morning!" Sabi ko at nginitian ko lang siya. Hinili ko siya patayo dahil hihiga na naman sana siya ulit. "Bangon na, lalamig yung niluto ko."

"Ang aga pa." Garalgal niyang sabi habang nakapikit.

"Alas siete na Harry! Bumangon ka na!" Bumalik siya sa pagkakahiga. Nakita ko ang baril niya na nakapatong sa cabinet sa gilid ng kama at kinuha iyo. "TATAYO KA JAN O BABARILIN KITA?!" Sigaw ko sakanya at minulat niya konti ung mata niya.

"Ano ba Raeyna, bitiwan mo yan. 'Wag mong gawing biro yan." Sabi niya ng naiinis habang pinipilit imulat ang mga mata.

"ANG AGA-AGA KO NAGISING PARA MAPAGHANDAAN KA NG PAGKAIN AT PARA HINDI KA MALATE TAPOS HINDI KA BABANGON JAN?! TATAYO KA JAN O BABARILIN KITA?!" Naiinis kong sigaw sakanya. Tumayo siya sa kama ng nakapikit na lara bang napilitan at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa cr at umihi, hindi niya sinarado ang pinto kaya't rinig ko ito. Paglabas niya'y agad naman siyang lumabas ng kwarto. Binitiwan ko ang baril at sumunod sakanya. Hinila ko ang upuan at umupo siya. Pinagsanduka ko siya sa bowl niya ng sopas.

"With milk and sugar?" Tanong ko matapos lagyan ang tasa niya ng brewed coffee. Umiling lang siya. Inilapag ko sa harap niya ang kape.

"Bakit sobrang aga?" Inaantok niyang sabi.

"Para 'di ka malate. Tsaka anong maaga. Mag aalas siete na." Tumingin siya sa wall clock at tumingin din ako, alas singko palang. Pumikit siya habang nagkakamot ng ulo. Tinapik ko siya kaya agad naman niyang pilit binuksan ang mga mata niya. "In the name of the father." Kinurot ko siya nung hindi siya sumunod kaya agad itong nag sign of the cross. "Lord thank you for this food that we are about to eat, guide us today and keep us safe. Thank you." Pagmulat ko ng mga mata ko'y nakatitig lang siya sa akin. "Good morning!" Masaya kong bati sakanya.

"Good morning." Bati niya rin sakin ng nakangiti at nagsimula na kaming kumain. "Magaling ka palang magluto?"

"Masarap?" Natutuwang sabi ko. Tumango lang siya. "Bad mood ka ba kasi maaga kitang ginising?" Umiling lang ito. Medyo nalungkot ako dahil parang wala itong gana at parang hindi siya natuwa sa ginawa ko.

"Pero bakit 'di ka marunong magluto ng kanin?" Tanong niya sakin sa inaantok na boses.

"Di ko pa kasi natry." Nahihiyang sabi ko.

Matapos kong kumain ay sinaluhan ko lang siyang kumakain pa rin hanggang ngayon. Hinihintay na matapos siya. Naka-ilang mangkok na siya ng sopas.

"Iwanan muna kita jan saglit." Tumayo ako pero hinila niya ako at pinaupo ulit.

Tatayo na sana ako at magsisimula ng magligpit ng matapos siyang kumain pero pinigilan niya ako. "Bakit?" Pagtatakang tanong ko.

Nag-signed of the cross siya. "Lord I don't remeber when was the last time I prayed, but I just wanna thank you right now for giving me this wonderful girl who thoughtfully woke up early just to make me the most delicious sopas I ever tasted. Keep her safe today here in our home, and never let her think to leave me. Thank you!" Nakatitig lang ako sakanya habang sinasabi ang mga 'yon ng nakapikit. Matapos ay nag-signed of the cross siya. Napangiti ako. Sobrang natuwa ang damdamin ko sa ginawa niya. Pagmulat ng mata niya'y nakangiti din ito sa akin.

"Maligo kana nga!" Sabi ko sabay tayo para ayusin ang mga pinagkainan namin. Tumayo na siya't dumiretso sa kwarto. Nilagay ko muna ang mga pinagkainan namin sa lababo at sinundan ko siya agad sa kwarto. Agad akong nagtungo sa walkin closet at naglabas ng mga gagamitin niya. Nilapag ko 'yon sa couch sa loob ng walkin closet.

"Oh. Ambilis mo namang maligo?" Sabi ko ng maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Nakatapis lang ito at basang-basa pa. "Tumutulo ka pa oh." Napababa naman siya ng tingin sa mga inihahanda kong damit niya. "Ayan magbihis kana." Sabi ko bago umalis ng kwarto at nagpunta na ng kusina. Mga ilang sandali pa'y natapos ko na agad dahil nahugasan ko na rin naman ang iba kanina. Pinunasan ko na ang lamesa at niligpit lahat sa kusina. Napatingin ako sa orasan, hindi pa siya lumalabas ng kwarto kaya't pinuntahan ko siya.

Nadatnan ko siyang naka suot na ng pants at polo, pero hindi pa ito nakabutones. Nakatihaya siya sa kama at tulog. Tinapik ko ang paa niya. "Alas siete na, bilisan mo." Sabi ko at tumayo naman ito kaagad at sinimulang ibutones ang damit niya. Pumunta ako sa walkin closet para kuhanin ang sapatos niya, necktie at tuxedo. Paglabas ko'y naka tucked in na ng maayos ang polo niya sa kanyang pants. Iniyabot ko sakanya ang necktie niya at kinabit naman niya iyon. Binuklat ko ang tuxedo niya galing likuran para isuot sakanya. Halos mangalay ang leeg ko kakatingala, idagdag mo pa ang nakatingkayad na paa. Nagmedyas siya't sinuot ang sapatos. Ang pabango't regalong paborito niya ay nasa cabinet lang tabi ng kama kaya't nagspray ito kaunti at dinampot na ang relo.

"Anong mga dadalhin mo?" Tanong ko sakanya habang nagsusuot ng relo.

"Uhm eto ung phone mo. Naka saved na jan yung numbet ko. Itext mo ako or tawagan pag may kailangan ka or problema dito. Naka saved na rin jan yung number ng driver mo at body guards. At 7am nandiyan na sila sa lobby naka standby lang. Yung password ng pinto, itetext ko sayo. Matulog ka muna, ang aga mong nagising. Kumain ka ng lunch."

"Eh ikaw?" Tanong ko sakanya.

"Sa office na ako kakain."

"Paano yung nga tauhan mo sa baba mamayang lunch?"

"Wag mo na silang intindihin, pag may kumatok wag ka agad-agad magbubukas kahit body guard or driver mo pa yan. Wala kang ibang papapasukin kundi ako or si Herbert lang, maliwanag? Makikita mo naman jan sa screen kung sino yung tao. If you feel may mali or natatakot ka, just call me right away." Tango naman ako ng tango sa lahat ng sinabi niya.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa pintuan. "Alis na ako, ingat ka dito." Sabi niya ng maghand scan siya.

"Ingat ka din."

"I really appreciated it." Pahabol niyang sabi bago magsara ang pinto. Napangiti na lang ako.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon