Chapter 31

2.8K 47 0
                                    

BELLE

"Are you really happy?" Tanong niya sakin ng papunta na kami sa bahay namin kung saan gaganapin ang reception. Well, it's just a simple dinner kasama si Herbert, si kuya Sean at darating daw mga kaibigan niya.

"Super duper mega ultra happy." Tumawa ako at tumawa rin siya.

Pagtapat ng sasakyan sa malapalasyo naming bahay ay agad kaming pinagbuksan ng pinto. Kinarga niya ako ng bridal style at naglakad kami sa grand stairs paakyat sa napakalaking pintuan ng aming tahanan. May mga bulaklak at nakapilang parang mga sundalo.

Binuksan ang malaking pinto.

"CONGRATULATION!!!" Sigaw ng mga tagapagsilbi na nakahelera. Tumawa naman ako. Dinala niya ako sa may kainan kung saan lumapit sa amin ang tatlong na lalaking hindi ko kilala at si kuya Sean. Ibinaba niya ako.

"Congratulation bro!" Sabi nilang lahat at yumakap ang bawat isa with tapik-tapik sa likod.

"Raeyna, mga kaibigan ko." Tumawa sila at kumaway sa akin.

"Congratulation Raeyna!" Kinamayan nila ako at pinagtatapik naman niya ang mga kamay nila.

"Possessive!" Hagalpak nila ng tawa, nakangiti lang ako sa kanila. Lumapit si kuya Sean sakin at niyakap ako.

"Tama na yan." Sabi ni Harry.

"Congrats baby girl, pogi't magandang pamangkin ha." Uminit ang muka ko at napatingin kay Harry na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Ninong kami ah."

"Pre, unang inaanak yan."

"Bilisan niyo."

"Or baka meron na pare."

Umiling-iling lang si Harry at inalalayan akong umupo sa upuan. Pinahain na ni Harry ang mga pagkain, at sobrang rami ng mga ito. Ilan lang kaming kakain ngunit parang pang isang buong baranggay. Maraming putahe at lahat ay kakaiba ang luto.

Nagsimula ng kumain ang lahat ng pinatigil sila ni Harry. Nagsing of the cross siya.

"This is the happiest day of my life, and I don't think that I can be happier than this." Nakatitig lang ako sakanya habang nakapikit at serysong nagdadasal. Napatingin ako sa mga kaibigan niya na ngayon ay nagsisikuhan. Natatawa naman si kuya Sean at nakangiti naman si Herbert. Medyo natawa din ako. "She's everthing to me, and there's nothing I can wish for but to be with her forever. Thank you for giving me this girl. In Jesus name, amen." Pumalakpak ang lahat habang umiiling at nakangiti.

"Miracle."

"Iba ka Raeyna."

"Ikaw na!"

"Let's eat." Sabi niga ng nakangiti sa akin. Ngumiti lang ako sakanya.

"Kumain na tayo." Sabi ko naman.

"So Love, this is Kyler. Model yan!" Pagpapakilala niya sa akin at tumawa sila.

"Model ng patis." Tumawa ako. "Totoo nga." Serysong sabi ng isa habang natatawa-tawa ang lahat.

"That was before, nung bata ako." Naiinis niyang sabi. "At least bata palang may exposure na." Tumawa lang ako.

"And this is Tristan, he owns the bar kung saan lagi kaming tumatambay sa pinas. Jackpot yan palagi." Pagpapakilala naman niya sa katabi ni Kyler.

"Paano lahat ng chicks na nagpupunta sa bar niya, pinapatos niya." Nagsitawanan ang lahat.

"This is Felix, pinaka matalino sa lahat. Single padin ba 'gang ngayon pre?" Pagpapakilala niya sa pinaka formal sa kanila at nakasalamin.

"Wag kayo. Supermodel yung girlfriend niyan ngayon." Sabi ni Kyler habang tumatawa.

"Oo pre, engaged na ein sila pero magdadalawang taon na atang engaged." Tumawa sila.

"Wala ba si Mark?" Tanong naman ni Tristan.

"On the way na daw." Sagot naman ni Harry.

"Ayan na pala e." Napalingon naman ako sa likuran ko.

"It's you!" Natatawang sabi niya habang papalapit. Sinalubong siya ni Harry at niyakap. Nag bro fist niya at umapir kila Tristan, Kyler at kuya Sean.

"Hey bro congrats!" At ibinaling niya ang tingin niya sakin. Ngumiti siya. "Belle, right?" Nakipagbeso-beso ako.

"You know each other?" Nakakunot na noong tanong ni Harry.

"We met last May in the airport. Same plane, and we had our coffee together." Tumingin naman sakin si Harry na para bang inaalam kung totoo. Natatawa namana ng iba. "You're really good bro!" Dagdag ni Mark.

"So let's eat."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon