BELLE
Ilang linggo na rin ang lumilipas. Araw-araw akong gumigising ng maaga para paghainan siya ng almusal at ihanda lahat ng kailangan niya. Sa gabi naman ay pinaglulutuan ko ito't hinihintay umuwi. Sa katunayan ay madalas itong maghating gabi na kung dumating.
Araw-araw kong nililinisan ang buong bahay. At tuwing sabado naman ay may kumuha ng mga labahin, kaya yun na ang una't huling paglalaba ko nung nagsugat-sugat ang aking nga daliri.
Hindi na ako nakakarinig ng sermon sakanya. Sa katunayan ay hindi niya na rin ako kinakausap. Napaka cold ng treatment niya sa akin, mag-uusap lang kami pag may importante siya ihahabilin or kung ano man. Pero hindi niya na ako kinakausap or pinapakialaman sa lahat ng ginagagawa ko.
Weekend ngayon kaya't alas sais ako gumising. Matapos namin mag almusal ay nanuod siya ng tv sa sala habang ako naman ay busy sa paglilinis dito sa may kusina. Napapansin ko ang pagsulyap sulyap nito sa akin.
Dumaan ako sa harap niya.
"Raeyna." Pagtawag niya sakin at napatingin ako sakanya. "Nakikita mo ba yang itsura mo?" Sabi niya ng nakatingin lang sa tv, yumuko ako para tingnan ang katawan ko, wala namang meron.
"Bakit, anong problema?" Pagtatakang tanong ko.
"Dinaig mo pa ang hanger. Buto-buto kana. Kita mo yang eyebags mo, para ng maleta. Yang kulay mo, maputla ka pa sa bampira." Pangiinsulto niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang itutugon sa mga sinabi niya at ano ang dapat kong maramdaman. "Pwede ba, alagaan mo naman yang sarili mo." Nagpalting ang tenga ko't napasinghal.
"Ano bang problema mo sa akin?" Pagtitimpi kong tanong.
"Yang katigasan ng ulo mo."
"Anong ibig mong sabihin?" Naiinis kong sabi.
"Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo."
"At satingin mo ba natutuwa ako sa mga sinasabi mo?" Halos manginig ako sa inis. "Imbis na appreciation ang marinig ko galing sayo, puro pamimintas. Sinusubukan ko namang gampanan yung trabaho ko. Sorry sir ha, kulang pa pala yung best ko." Sarcastiko kong sabi na nagpipigil ng iyak. Nag-walk out ako't dumiretso sa kwarto.
Umupo ako sa kama at naiyak. Akala ko sapat na yung mga ginagawa kong efforts para sakanay. Kulang pa pala.
Pumasok siya ng kwarto at tumayo sa may pintuan. "Hindi mahalaga kung magampanan mo man o hindi. Ang mahalaga-"
"Mahalaga yun sakin. Dahil nag-eeffort ako. Ginagawa ko ang lahat para magampanan ng mabuti ang trabaho ko." Pagpuputol ko sakanya.
"Hindi nga 'yan ang mahalaga Raeyna."
"Ewan ko sayo, 'di kita maintindihan."
"Kita mo yang katawan mo? Bagsak na bagsak na. Hindi mahalaga kung magampanan mo o hindi. Ang mahalaga ay alagaan mo yang sarili mo dahil pag yang kapabayaan mo sa sarili mo ay ikinamatay mo, kunsensya ko pa."
"Gusto ko lang namang matuwa ka." Hagugol niya sa iyak. Napabuntong hininga ako.
"You spent your life in a wrong will Raeyna. It isn't all about impressing everyone. If they like you, they like you. If they're proud of you, they're proud of you. You do not have to pushed yourself too much for their satisfaction because you'll just end up being selfless." Natameme ako sa sinabi niya. He's right. I spent my life just to impress people around me. "We should do things for ourselves not for others."
"You're right." Pagsang-ayon ko sakanya. He smiled at me.
"I understand you were raised spoiled, but stop being so much childish Raeyna. You're such a crybaby." Pang-aasar niyang sabi at lumabas na ng kwarto. "Get dressed we're leaving." Silip niya ulit bago pa man tuluyang lumabas.
