BELLE
Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos ko siya mahuling nakikipagtalik sa isang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko kilala. Hindi pa rin niya alam ang nangyaring nakita ko sila. May password ang mga phone niya, kaya't hindi ko ito mabuksan.
Walang internet dito sa bahay. Ilabg bwan ng wala akong natatanggap na tawag kay mommy. Hindi ko alam kung bakit.
Pagkatapos ng nangyari ay nanlamig ako sakanya. He became even sweeter. Lagi niya akong sinusurpresa.
Kaya't napag-isip kong bigyan siya ng pagkakataon. Hindi ko na sinabi pa para hindi na magkalamat pa ang relasyon namin. Kasinungalingan man ay ang mahalaga maayos kami. Sakin siya umuuwi, sakin siya umaalis.
Tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Kahit na minsan napapaisip ako kung bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay na 'yon sakin. Bakit siya ganon. Bakit may dalawa siyang personalidad.
Kahit na minsa'y hindi ko na maintindihan, pinipili ko na lang huwag ng intindihin.
Basta ang mahalaga. Sakin siya, mahal niya ako at mahal ko siya.
Nitong mga nakaraang araw, sobrang saya namin. Araw-araw siyang nagbibigay ng mga bulaklak.
Araw-araw siyang maagang umuuwi.
"Nananaba tayo ah." Sabi ni kuya Sean sakin ng salubingin niya kami sa may bungad ng Restaurant. Hindi pa din siya umuuwi, dahil pinapalabas niyang hinahanap niya ako. He invited us for dinner.
"Busog sa pagmamahal tol." Sagot naman ni Harry.
"Mukang masyadong masarap si Harry magmahal bibi girl ahh." Tumawa naman ako at gayon din sila.
"Tanong mo nga mahal kung may calamares sila." Sabi ko kay Harry na ngayon ay tumitingin sa menu.
"May nakita ka ba jan?" Tanong niya sakin habang nakanguso sa menu na hawak ko. Umiling ako. "Edi wala."
"Chili cheese sticks na lang."
"May nakita ka jan?" Sumimangot ako. Wala naman masarap sa menu nila.
"Sige kayo na bahala mag order." Sabi ko at binaba ang menu. Tinawag ni kuya Sean yung waiter at umorder na silang dalawa.
"Ang tagal naman." Singit ko sa usapan nila ng matapos ang sampung minuto ay wala pa din. Tumingin lang sila sakin. "Ayan na pala oh." Nguso ko sa waiter na may tulak-tulak at papunta samin. Umayos na ako ng upo pero lumagpas ito at sinerve sa katabi naming table. Napakunot ang noo ko at sumimangot. "Matagal pa kaya? Itanong niyo na kaya."
"Ginugutom mo to ah." Pangaasar ni kuya Sean kay Harry.
"Lagi naman yang gutom." Sagot naman niya. "Ayan na pala." Tumigil nga ang waiter at sinerve ang mga pagkain.
"Masarap naman pala dito e." Sabi ko habang ngumunguya. Tinitigan lang nila ako.
"Love, ang dami mo na atang nakain." Napairap ako.
"Takot siyang tumaba ka oh baby girl." Natatawang sabi ni kuya Sean at sinamaan ko sng tingin si Harry.
"Pag tumaba ako ayaw mo na ako?" Pagsusungit ko sakanya.
"Mataba ka na nga e. Andito pa din naman ako." Binigwasan ko siya at napahawak siya sa tyan niya.
"Iuwi mo na ako kuya Sean." Tumigil na ako sa pagkain. Tumawa naman silang dalawa.
"Iuwi ko na daw pre."
"Magkamatayan muna tayo." Natatawa niyang sabi. "Love." Tumingin siya sakin. "Love." Hinawakan niya ang muka ko at inihaharap sakanya pero pilit ko itong binabaling sa ibang direksyon. "Love timingin ka sakin!" Mariin nitong sabi kaya tumingin ako sakanya. "Kahit maging drum ka pa, you will always be my Love Belle Raeyna. I love you. Kumain ka na ulit. Ok lang."
"Ang korni mo pre."
"Manahimik ka kasalanan mo 'to ah." Panduduro niya kay kuya Sean. Nakasimagot lang ako at nakatingin sa malayo. "C'mon ito na oh." Sabi biya habang sinusubuan ako. Hindi ko binuksa ang bunganga ko at umiling.
"Guess better if ayusin niyo yan sa palasyo niyo." Natatawang sabi ni kuya Sean at tumawag na for bill out.
Tumayo na ako matapos bayaran ni kuya Sean.
"Thank you kuya! Ingat ka pag-uwi." Sabi ko sakanya at naglakad na palabas. Sumunod naman siya.
"C'mon Love, stop being childish." Sabi niya habang hinahabol ako.
Naiiyak ako.
"What are you doing?!" Sigaw biya sakin nung pumapara ako ng taxi.
Binuhat niya ako at sinakay sa sasakyan niya. Hindi na ako pumalag pa nung nakaupo na ako.
"Love, you're still damn sexy." Nagtitimpi noyang sabi. "Nagbibiruan lang tayo."
"Hindi ako natutuwa sa biro mo." Pagtataray kong sagot.
"I was just concern." Sinapu niya ang upo niya.
"Why don't you just admit it! Ayaw mo na ako kasi mataba na ako." I burst out crying. Tumawa siya. "What so funny?!!!" Inis kong tanong.
"You're cute as fuck." Inabot niya ako para yakapin. Itinutulak ko anman siya. "Stop crying. You're just overthinking love. OA ka lang mag-isip. I love you as you." Hindi na ako pumiglas at hinayaan siyang yakapin ako. "When I say I love you, I'm refering to you and not just the physical you." He kissed my forehead. "Stop crying. Trust me, I love you." Tumigil na ako at ngumiti naman siya sakin.
