HARRY
Nagising ako ng maaga ng marinig na nagsusuka si Raeyna. Agad ko siyang pinuntahan sa cr at nakasubsob ang muka nito habang nagsusuka sa bowl.
Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang likod.
"You ok?" Tumango-tango lang ito.
"Tama ka siguro, marami masyado akong kinain." Sabi niya habang pinupunasan ang bibig.
Muntik na siyang matumba nang tumayo ito, buti naalalayan ko.
"Nahihilo ako." Sabi nito habang tumayo ng nakapikit at nakahawak sakin.
Hinawakan ko ang noo at leeg niya. Hindi naman siya mainit.
"Ang baho naman ng pabango mo." Sabi nito nang hahalikan ko na sana siya para magpaalam.
"Gusto mo 'to diba?" Napa kunot ang noo ko. "Sinusubsob mo pa nga muka mo, sabi mo ang bango."
"Nahihilo ako. Ayoko yung amoy." Hinalikan ko nalang siya at lumayo na sakanya kasi tinataboy ako nito palayo habang tinatakpan yung ilong.
Umakto itong nasusuka, tinakpan niya ang kanyang bunganga at tumakbo sa cr.
"Sumuka ka na naman? Pacheckup na lang kaya tayo ngayon? Baka may nakain kang mali." Sumenyas ito ng 'wag na' habang sumusuka.
"Alis kana! Malelate kana." Sabi nito habang pinupunasan ang bibig.
"Kiss ulit." Lumapit ito ng takip-takip ang ilong, tumingkayad siya at hinalikan ako.
Naglakad na ito at bumalik sa kama. Umalis na ako.
Mahal bilihan mo ako ng chili cheese stick mamaya pag-uwi mo, pati kung merong calamares. Yung may maanghang na suka. Salamat.
Napangiti ako ng mabasa ang text niya. Ngayon niya lang ako tinawag ng 'mahal', and it feels so good. Ngayon lang din siya nag request simula nung unang-una. Pagkain pa. Nagreply ako.
Sige mahal. Anything basta ikaw. Ingat ka jan, pagaling ka. I love you.
Maya-maya pa ay nag vibrate ang phone ko, napangiti ako.
Ingat ka din jan. 'Wag kang mambabae ha, akin ka lang.
Parang may kumiliti sa tyan ko nang mabasa ang sinabi niya. Akin ka lang din Raeyna. Akin na akin ka lang. Halos tumaba ang puso ko sa tuwa.
Nagreply ako.
I love you.
Agad namang itong nagreply.
I love you so muchieee asawa ko.
Napakagat ako sa labi habang nakangiti.
"Kinikilig tayo pare ah." Bungad ni Sean pagpasok ng office. Lagi siya ditong tumatambay gawa nga naman ng wala siyang ginagawa. Sila Tristan, Kyler at Felix ay umuwi rin kinabukasan ng kasal dahil nga sa mga dapat nilang asikasuhin.
"She's so sweet." Sagot ko lang ng nakangiti.
"You're so lucky to have her." Ngumiti ito sakin.
"I know."
"Pare pag yan sinaktan mo, tangina mo, bedtfriend kita pero pinsan ko yan pare." Ngumiti lang ako.
"Nagsisinungaling ako sakanya." May kumurot sa puso ko. "She's so precious." Napahinga ako ng malalim. "And rare. And fragile."
"That's why ingatan mo siya. Wag mo siyang sasaktan."
"Kung pwede lang." Napa-iling siya. "Wala na eh, andito na at I know masasaktan at masasaktan ko eiya kahit ayaw ko."
"Matalino si Belle, alam mo yan. Maiintindihan niya yan pare." Umiling ako.
"My little wife." I bitterly smiled.
