Chapter 52

2.2K 30 0
                                    

BELLE

Isang linggo na kami dito sa Pilipinas at pangatlong araw na namin dito sa bahay namin sa Tagaytay. Magha-house blessing kami ngayon kaya gumising ako ng maaga. Alas-singko dumating ang mga nagcater.

"Mahal gising na!" Inayog-ayog ko siya. Alas siete ay natutulog pa rin. Alas otso ay darating na ang pari at mga bisita.

"Five minutes." Sabi nito at napa-irap ako. Dahil nga araw-araw itong pumapasok sa Manila ay lagi na itong ginagabi ng uwi. Alam naman nating sobrang traffic dito sa bansa. Kagabi ay alas onse na ito dumating. Naaawa ako dahil pagod na pagod ito.

"Mahal gising na, andyan na mga bisita. Nakaligo na ako oh." Tumayo siya habang nakapikit at dumertso sa cr.

"Mom! Dad!" Sinalubong ko sila sa pintuan at niyakap. Pinapasok ko sila, inikot ni daddy ang mata niya at tumango-tango.

"Kuripot naman ng asawa mo." Tumawa ako at siniko siya ni mommy. Nakakapagtagalog na si daddy. Sa tagal ba naman nilang kasal ni mommy.

"Balae!" Napatingin ako sa pintuan at tumatakbong pumasok si Tita Claire sa pintuan. Bineso-beso niya si mommy. Nung gabing nagsalo-salo kami at naisaayos ang lahat ay nalaman namin na si mommy at Tita Claire pala ay magbestfriend since highschool. Kaya ganon na lang sila magkakilala at kaclose.

Tumabi ang daddy ni Harry kay daddy at nagkamayan sila.

Binati ko naman sila.

"Where's Harry?" Tanong ni Tita Claire sakin.

"Susunod na po siya tita, nagbibihis lang." Nakangiti kong sabi.

"Stop calling me tita sweety." Ngumiti lang ako at sinalubong ko ang anak kong nakabistida at tumatakbo papunta samin. Habol-habol naman siya ni manang.

"Kina-career mo na yan manang ah." Pagbibiro ni mommy kay manang.

"Apo ko na madam e." Natatawang sagot ni manang kay mommy. Yes, hindi na nakapag-asawa pa si manang sa sobrang loyal samin. Si manang kasi ay ulilang lubos at daligita palang siya ng kuning kasambahay ng pamilya nila daddy.

"Lalas lolos!" Kaway-kaway niya sakanila. Tumawa naman ang lahat.

"Bless anak." Nagbless siya isa-isa sa mga lola niya.

"Mom! Dad!" Sigaw ni Harry habang nagkakabit ng relo pababa sa hagdan. "Tita Bella, Mr. Edwards." Nakipagbeso-beso ito kay mommy at yumuko bilang pagbati kay daddy.

"Call us mommy and daddy hijo." Sabi ni mommy. Tumingin sakin si Harrt at ngumiti.

"Kaya nga. Ikaw rin Belle, call us mommy and daddy." Sabi naman ni Mommy Claire. Tumawa kami.

Dumating ang pari at blinessan ang bawat sulok ng bahay. Matapos ay nagsalo-salo kami.

"Thank you Father." Sabi naming pareho sabay ni Harry nang magpaalam ang pari matapos kumain.

"God bless the both of you." Sabi niya habang priney over kami. "Hijo, unahin ang pamilya ha."

"Yes father." Sagot naman habang nakangiti ni Harry.

"At ikaw rin hija."

"Thank you po." Sagot ko habang nakangiti at tuluyan na silang umalis. Papasok na sana kami ng bahay ay biglang may tumigil na sasakyan at lumabas si Jessica habang tumitili.

"OH MY GHAAAAADDD!!!" Sigaw ko at sinalubong siya ng yakap.

"OMG!!!!" Sigaw din niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan si Harry. Tumawa ako. "Shit bes, ampogi naman. Ito ba yung asawa mo?"

"Gaga. Pogi ba yan?" Sabi ko sakanya at tumawa naman si Harry. "Mahal si Jessica nga pala, bestfriend ko." Nakipag-kamay si Harry at nginitian niya si Jessica.

"Mahal. Mahal. Pang nalalaman." Nag make face ito. "Walang forever uyy!" Pagbibitter nito.

"Kami lang meron." Sagit naman ni Harry at kitang-kita naman ang pagkakilig ni Jessica. Natawa ako.

"Tara na pumasok." Sabi ko. Sinalubong naman kami ni Claire habang tumatakbo at nakangiti.

"Omg! Siya na ba yon bes?!!" Talon-talon nitong sabi. Kinarga ko si Claire.

"Baby, she is momma's bestfriend. She's your ninang." Claire smiled at Jessica.

"Ninang agad?" Sabi ni Jessica. "Naku instant inaanak, dami ko ng utang sayo." Tumawa kami ni Harry. "Ay nakakaintindi ba siya tagalog bes?"

"Po, nanang." Sagot ni Claire at napatalon-talon naman si Jessica sa tuwa. "Momma nonongs oh." Sabi niya hbang nakanguso sa gate.

Pumasok naman sila Kuya Sean, Kyler, Tristan at Felix.

"Pre!" Bati nila kay Harry at nag-apir apir sila.

"Raeyna gumaganda lalo ah." Biro ni Kyler at inirapan naman siya ni Harry. Tumawa lang sila Felix at Kyler at ngumiti sakin.

"Baby girl, I told yoy magiging ok ang lahat." Inirapan ko siya ng pabiro, tumawa lang ito.

"Kasabwat ka rin." Pagtataray ko.

"Lagot ka pre." Tumawa sila.

Napansin ko namang si Jessica sumisiksik sa likod ko.

"Bes, ang popogi nila." Bulong nito sakin. Hinila ko siya at nilagay sa harap ko.

"Bestfriend ko nga pala. Ganda noh." Ngumiti siya at awkward na kumaway.

"Hi!" Sabi niya na parang tanga. Binati din nila siya at tumawa lang si Harry.

"Oh tara na ay kumain na tayo sa loob."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon