Chapter 44

2.3K 35 0
                                    

BELLE

I texted him.

Happy Valentines mahal. Sana bumalik na tayo sa dati, sana bumalik ka na sa dati. I love you.

Nilunok ko lahat ng pride ko at tinext ito ng limang beses. Maya-maya pa ay nagvibrate ang phone ko, halos mapalundag ako sa tuwa.

I'm not going home.

Parang may bumaon sa dibdib ko. Hindi ko napigilang umiyak.

Mag lilimang buwan na sa 18, simula nung mawala ang baby namin. Hindi pa rin bumabalik ang dating siya. Nakakalungkot man at masakit ay wala akong magawa.

"Love." Nagising ako sa pag-ayog niya ng katawan ko. Tumingin ako sakanya. Hindi ako nakaramdam ng tuwa dahil simula nang mawala ang anak namin ay Love parin naman ang tawag niya sakin. Sweet pakinggan, but it's my name.

Napatingin ako sa orasan at alas sais palang ng hapon. Nakatulog na pala ako kaiiyak.

Today is the fifty month of our baby's death. Today is February 18. Since February 14 ay ngayon lang ulit siya umuwi.

"I'm sorry love, I didn't make it here nung isang araw." Napakunot ang noo ko. Sa lahat ng ginawa niya simula nang mamatay ang anak namin ay ngayon lang siya nagsorry.

Lumabas siya ng kwarto.

Pagbukas ng pinto ay narinig ko ang iyak ng isnag sanggol.

Nagsimula ng mamugto ang luha ko at bumigat ang dibdib ko.

Pagbalik niya ay may dala-dala itong baby basket. He smiled at me, again.

I never saw that smile for five months.

Naglakad siya papunta sakin sa kama habang nakangiti, hindi ko na napigilan ay bumuhos ang luha ko.

"Belated happy valentines and advanve happy birthday, mahal ko." Sabi niya at nilapag ang baby basket sa kama.

Agad kong tinignan ang bata, habang umiiyak at tumatawa. Tumingin ako sakanya at nakangiti siya sakin.

I hugged him. Niyakap niya rin ako ng sobrang hugpit. Sobrang saya ko. Humahagulgol ako sa sobrang saya.

"Here." Sabi niya sakin at inabot ang isang envelope. Binitawan ko siya at tinignan ang laman nito.

"Oh my god!" Sigaw ko ng sobrang saya.

Name: Claire Raeyna E. Hughes
Mother's name: Love Belle Raeyna Edwards
Father's name: Claireden Harry Hughes
Birthday: February 18, 2017
Birthplace: London Elite Hospital

Niyakap ko siya ulit, binitawan ko sita at kinuha ang baby.

"Saan mo siya kinuha?" Tanong ko sakanya habang karga-karga ang bata.

"It doesn't matter." He smiled at me. "Ipapalaglag sana yang bata, kasi her mother can not finance the pregnancy. So sabi ko, ako ng bahala at right after delivery sakin na ang bata. She agreed. Hindi na niya nakita ang anak niya." May kumurot sa puso ko, kawawa naman ang nanay niya. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng anak. Paano pa kaya kung dinala niya ito ng sobrang tagal at inalagaan. "It's ok mahal, ilalaglag naman sana niya ang bata." Sabi nito na parang nabasa ang nasa utak ko. I smiled, tama. It's better na ako ang maging nanay niya, I will love her as my own.

"Baby Claire, I'm your mommy Raeyna and he's your daddy Harry." Nakatitig lang si Harry samin habang nakangiti.

"We have now our princess." Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako habang nakangiti at nakatitig kay Claire. Hinawakan niya ang pisngi ni Claire.

"Mahal." Tumingin ako sakanya.

"Mahal." Tumingin ito sakin ng seryoso. "Yes, I love you." Sabi niya na para bang nabasa ang laman ng utak ko. Ngumiti ito sakin, and he kissed my forehead. "I never unloved you, and I can't unlove you."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon