Chapter 62

2.8K 42 1
                                    

HARRY

Nagising ako sa tawag ni Kyler kaya bumangin ako at sinagot ito.

"Pare kasama ko na ngayon si Raeyna at papunta na kami jan." Nawala ang antok ko sa sinabi niya at biglang nagiding ang aking tulog na diwa. "Tumawag kasi siya sakin tinatanong niya kung ano number mo, papasundo na sana siya sayo." Napangiti ako.

"Ok pare, wag mo muna sabihin sakanya kung anong address nito at baka pasundan niya tayo. Check mo din pre baka may nakasunod sayo."

"Oo pre, naisip ko na yan. Ako pa ba." Pagmamayabang nito.

"Pare pa takeout na lang din kakainin natin gutom na ako, 'di ko maiwanan 'tong kambal. Salamat." Binaba ko na ang tawag.

Naligo ako. Ibinaba ko ang comforter ng kama at doon pinahiga ang kambal. Baka mamaya malaglag sila. Matapos kong maligo ay sinuot ang suot-suot kong damit kanina. Wala kasing akong nadala.

Paglabas ko ng cr ay tulog na tulog pa rin ang kambal, agad kong dinampot ang phone ko nang magring ito.

"Pre dito na kami sa baba. Buksan mo na." Dali-dali naman akong bumaba at pinagbuksan sila. Nakatingin lang sakin si Reayna ng walang emosyon.

"Mahal!" Salubong ko sakanya ng yakap pero hindi niya ako niyakap pabalik.

"Asan ang kambal?" Pormal nitong sabi, tumuro ako sa taas at agad naman siyang nagtungo. Sumunod kami ni Kyler.

Pagpasok sa kwarto ay nakita kong nakangiti si Raeyna habang tumutulo ang luha na nakatitig sa natutulog na kambal.

"Pare bakit sa sahig mo pinahiga?" Tanong ni Kyler habang nakatingin kay Raeyna at sa kambal.

"Pare baka malaglag sila sa kama." Natawa ito.

Lumapit si Raeyna sakin.

"Iuuwi ko na ang kambal." Napawi ang ngiti ko. Nagkatitigan kami ni Kyler.

"Raeyna you know, I wouldn't like that."

"Hindi mo nga sila anak!" Sigaw nito sakin. Naglakad ako papalapit sa lamesa sa gilid ng kama, kinuha ko ang envelope at bumalik sa kinaroonan niya.

"Explain." Galit kong sabi matapos iabot ng marahas sakanya ang envelope. Binuksan niya ito at umiling-iling nang makita ang results.

"Go. Magsinungaling ka, kwanyari hindi ko alam." Bumuntong hininga ako. "Kwanyari wala akong alam."

"Anong gusto mo?!" Umiiyak nitong tanong.

"Ikaw Raeyna!" Sigaw ko sakanya. "Hindi pa ba malinaw?! Kayo ng mga anak ko. You're all I want."

"I'm married." Yumuko ito at nagpunas ng luha. Lumapit siya sa mga kambal.

"Just for a week Raeyna." Nag-angat ito ng tingin sakin. "Let me be with you and our children, just for a week." It's risky, I know. Ang sakit para saking sabihin yun, pero I wanna be with them as soon as possible.

"But..." Sabi biya ng nakatitig sakin.

"Stay with me for a week." Kita ko ang takot sa mga mata niya. "Just give me a week Raeyna."

"After that?" Napasinghap siya matapis sabihin 'yon.

"I'll let you do anything." Matapang kong sabi. I bitterly smiled. Bumunting hininga siya kasabay ng paghikbi.

"Sige."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon