Chapter 11

4.6K 60 0
                                    

BELLE

Pagmulat ko ng mga mata ko'y agad akong napalinga-linga sa paligid. Wala siya. Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin, inaalala lahat ng nangyari kagabi.

Umupo ako ng maayos at na agaw ng atensyon ako ang orasan, alas kwatro palang ng umaga. Tumayo ako at muntik ng madulas ng maapakan ko ang puting robe na naka kalahat sa sahig. Pinulot ko ito at sinuot.

Napakalaki ng kwarto niya.

Pinihit ko ang pinaka malapit na pintuan, at sumilip. Agad ko ring sinara nang malaman na cr iyon at makitang walang tao. Nagtungo ako sa sumunod na pintuan, bago ko ito pinihit at bumuntong hininga ako.

Lumabas ako at sobrang namangha, napaka ganda ng tuluyan niya. Napakalawak. Agad akong luminga-linga na pawang hinahanap siya ng aking mga mata.

"Hey!" Halos malaglag ang puso ko sa pagkagulat. Umikot ako at binaling ang paningin sa pinanggalingan ng malaki't malalim na boses. Andun siya. Nakaupo, nagkakape.

"Hi." Tugon ko na nag-aalangan. "I-I borrowed your robe

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon