My Baby's Playmate

908 28 4
                                    

We live in here in Mandaluyong city.

Nangungupahan lang kami, I was 7 months pregnant when we moved in on Aug. 2014. Bagong gawa na apartment so kami ang first na tumira dito pero hindi pa siya nabless nung lumipat kami. So, ang ginawa ng hubby ko nagpausok ng insenso para itaboy ang masamang espiritu. Nabless din naman after few months.

Okay naman, pero minsan may nararamdaman ako o nakikita na binabaliwala ko lang kasi baka hallucination lang. Pero nung bata pa ako, may third eye talaga ako pero alam ko nagsara na ito nung medyo tumanda na ako.

Pero lately kasi, yung pinagbubuntis ko nung lumipat kami dito ay mag 1 year 6 months na. Two weeks ago, tuwing sasapit ang 12am, gumigising siya tapos madaling araw na nakakatulog. Hanggang naging alas dos ng madaling araw walang palya nagigising talaga siya. Minsan bumabangon na lang pero may time na umiiyak siya, yung iyak na nasasaktan na ewan na halos di siya makahinga sa sobrang iyak. Tapos walang 2 minutes, maglalaro na siya. Minsan naman, nagigising ako na naglalaro na siya.

One time, mga alas kwatro ata, pinatay ko na ang ilaw para magsleep na, tapos maya maya tumatawa, yung tawa niyang parang nilalaro siya at nakatingin doon sa paanan ng kama sa may wall, I got scared, kako bakit? Ano meron? But she can't talk pa naman. I was about to wake up my hubby sana kaso di na siya tumawa ulit. So deadma na lang.

Nakwento ko kay hubby, sabi niya wala yun baka nakikiliti lang, kahit di ako agree pinabayaan ko na. Hanggang sa di na siya natutulog sa gabi. Yung gabi niya araw, at pag araw tulog siya kasi puyat nga. Nag adjust din ako para sa kanya, kasi si hubby may work sa umaga so I can't bother him pag tulog na siya, kawawa naman kung mapuyat. Pero kaninang madaling araw, alam kong antok na si baby ko. I turned off the laptop kako enough na sa Penguin of Madagascar, fave niya kasi yun. Nahiga na siya, yung ulo niya sa tummy ko at paa niya sa dad niya. Tapos maya-maya tumatawa ng malakas, tuwang tuwa na tawa, nag observed ako, nakatingin siya doon sa may pinto tapos tawa ng tawa na kala mo nilalaro siya. Naninindig balahibo habang tinatype ko to. Tapos lumakas ng lumakas yung tawa niya tapos doon pa rin siya nakatingin. Ginising ko si husband kasi natatakot ako na ewan. Kako tawa ng tawa si a***, inaantok pa siya pero nawala antok niya kasi tawa ng tawa ang anak namin eh madilim yun, may konting ilaw lang galing sa laptop na nakaawang ng konti kasi nakacharged cp ko doon.

Nung ayaw niya tumigil kakatawa binuksan ko ang ilaw. Doon pa rin siya nakatingin tapos dumapa at lumapit ang tingin niya sa gilid ng kama kung saan ang pwesto ko, tawa pa rin ng tawa na parang may sinusundan siya. Kako ng hubby ko tama na yan, patulugin niyo na ang bata di na raw nakakatuwa. Pero tong baby namin, tumihaya at patagilid na humarap doon sa paanan ng kama sa may wall at tawa pa rin siya ng tawa. Sabi ng hubby ko, kunin ko yung insenso tapos kinakausap niya kasi feeling namin may kalaro talaga siya. Nung nahanap ko, saka hindi tumawa ang baby ko tapos umiyak kasi antok na antok na talaga siya. Kinarga ko at hinele, nakatulog din. Pero maya nagising habang nagtytpe ako, umiiyak. Haay

So, lilipat na kami ng bahay soon. Kakaawa na kasi baby namin laging puyat o pinupuyat. Di ko alam if bata kalaro niya o matanda. Wag sana dumating sa point na manakit. Pero nung nakaraan na sleep paralysis ako at may nakita akong nakaputing damit na babae sa nakaupo sa gilid ng kama, unusual kasi matagal na akong hindi nakaka experience ng sleep paralysis.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon