Noong Summer 2010, namatay ang tita ko, hindi dahil sa sakit or anything, kundi dahil napaglaruan siya ng isang masamang nilalang..
Nasa probinsya kami nun (Hulaan niyo na lang kung saan hihi). Taon taon kasi ay umuuwi kami dun para bumisita sa mga kamag-anak at para manood ng Moriones Fest. May tita ako, si Tita Claire (hindi totoong pangalan), maganda siya, makinis, maputi(kahit mainit sa probinsya namin), mabait, at petite (nasa lahi hihi). Mga 18 pa lang siya nun or something kaya wala pa siyang asawa. 9 y/o lang ako nun.
Isang beses, pumunta kami sa bukid para dalawin yung mga tiyuhin naming nakatira doon. Kasama ko yung mga parents ko pati yung mga pinsan at tita ko. Nung nandun na kami sabi samin ng tiyuhin namin na sumama samin para kumuha ng buko so sumama kami magpipinsan pati si Tita Claire. Nung makarating na kami sa lugar na maraming buko biglang nawala si Tita Claire.
Pinsan no.1: Asan na si tita?
Tiyo Buko (yung nagsama samin sa bukohan): Hala, sinong kasunod nun kanina?
Pinsan no.2: Tiyo, kanina nasa likod ko lang siya pero nawala siya bigla.Imbes na kumuha kami ng buko ay nasayang ang oras namin kakahanap kay Tita Claire. Pero mga isang oras ay nagpatuloy na kami sa pagkuha ng buko kasi baka daw bumalik na siya sa bukid. Pero pagbalik namin wala pa rin siya. Kaya kinontak na namin siya pero out of reach. Hinanap na siya ng mga tiyuhin ko at pagkalipas ng ilang oras ay nakabalik sila kasama si Tita Claire.
Nakatulala lang si Tita Claire pagkabalik kaya tinanong siya ng mama niya na kasama namin.
Mama ni Tita Claire: Uy! Saan ka nanggaling babae ka? Ang tagal ka naming hinahanap.
Tapos si Tira Claire nakatulala lang sa malayo pero sumagot siya.
Tita Claire: Naligaw lang ako.
Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa bahay at nagpahinga.
Kinabukasan, magsuswimming sana kami kaso nagkaroon ng lagnat si Tita Claire. Kaya sabi niya samin iwan na namin siya at magswimming pero nagpaiwan yung kapatid niyang tito ko. So tumuloy kaming lahat at pagkabalik namin, nawawala na naman si Tita Claire. Nagalit pa nga yung mama niya sa tito kong kasama ni Tita Claire pero ang sabi lang ng tito ko ay nagpakain lang daw siya ng alaga nilang baboy tapos pagbalik niya wala na yung tita namin. So pumunta kaming barangay para magpatulong maghanap kay tita. Pero biglang tumawag yung tiyuhin naming tagabukid at nakita daw nila si Tita Claire sa bukohan.
Nung bumalik si tita Claire ay nakatulala ulit siya pero may sinabi siya ""Ma, buntis ata ako."" Siyempre nagulat kami kasi wala naman siyang nobyo o kafling man lang para mabuntis siya. Nung tinanong siya ulit ng mama niya kung sino ang nakabuntis sabi niya ""Yung lalaking nagbigay sakin ng pagkain kahapon"". Pagkasabi niya nun ay agad silang pumunta sa albularyo. Baka daw kasi may naabala si tita na espirito or something kaya siya nagkakaganun. Pagkatapos iexamine si tita ng albularyo, sabi ng albularyo ay nabuntis daw nga ito ng isang kapre at gusto na siyang isama nito. Umiyak sila pero ako hindi, kasi bata pa lang ako nun at di ko alam kung totoo ang mga yun kaya hindi ko rin maintindihan.
Pagkabalik namin sa bahay ay pinatulog na si tita Claire at binantayan siya ng mga tiyahin ko. Sabi din kasi ng albularyo ay wala na daw magagawa, kailangan na lang daw siyang bantayan.
Nakatulog na ko nun kasama ng mga pinsan ko kaya hindi ko na rin alam kung anong nangyare.
Mga madaling araw nun, bigla kaming nakarinig ng sigawan sa labas, ginising ko yung iba kong mga pinsan para tignan yung nangyayare sa labas ng kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay nagsisigawan ang mga tiyahin at tiyuhin ko. ""Saan napunta si Claire?!"" ""Hanapin niyo sa labas!"" ""Kontakin niyo si Kuya Embong sa bukid, baka nasa bukohan na naman si Claire!"" mga ganun. Tapos nung napansin ng mga tita kong gising na kami ay tinawag niya ang mga matatandang pinsan namin para pumunta sa barangay at humingi uli ng tulong. Naiwan kami sa bahay ng mga kaedaran kong pinsan. Iniwanan din kami ng cellphone, baka sakaling bumalik si Tita Claire.
Mga alas tres pa lang siguro yun ng madaling araw at nawala na yung antok namin. Kaya yung isa kong pinsan na lalake ay nagyaya pumunta ng dalampasigan dahil malapit lang naman iyon sa bahay namin. Pumunta kami.
Pagkadating namin ay madilim ang lugar, pero may ilaw naman ng buwan at naririnig namin ang tubig, may dala din kaming flashlight. Naglakad kami sa dalampasigan.
Pero nung nasa medyo malayo na kami ay sumigaw ang isa naming pinsan kaya napatingin kami sa kanya.
Pinsan no.3: AHHH MAY DIKYA SA PAANAN KOOO!
Pinsan na may dala ng flashlight: Dikya lang pala.Nung tinutukan niya yung sinasabing dikya ng isa kong pinsan ay nagulat kami sa nakita namin.
Si Tita Claire, nakadilat at wala ng buhay.
-End-
![](https://img.wattpad.com/cover/84337444-288-k875056.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HorrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial