Sleep Paralysis

345 15 0
                                    

Ako kasi yung taong nagdadasal lagi bago matulog, pero dala siguro ng stress sa school, hindi ko nagawang magdasal that night.

Hindi ko na maalala yung date kung kelan nangyari to, pero nagising ako ng 3:23 am. Nanaginip ako na nasa isang room daw ako, puro black yung paligid, pero naaaninag ko yung reflection ko sa walls ng room na yun. Then nung lumapit ako ng lumapit sa wall, may isang babaeng nakaputi na kumaway sa akin, dun na ako natakot at nagising. Pagkagising ko bigla akong napabalikwas dahil nga sa takot ko, ngunit biglang nanigas ang buong katawan ko, mata ko na lamang ang gumagalaw noon. Nang idilat ko ang mukha ko may nakita akong bungo, as in BUNGO ng tao. P*tahamnida! Gusto ko magtalukbong ng kumot that time pero paralisado parin ang buong katawan ko. Ang ginawa ko na lamang ay magdasal sa aking isipan ng Our Father, and after a few seconds dumilat ako and wala na, nakakagalaw na din ako ng maayos. After nun hindi ko na kinakalimutang magdasal bago matulog, nagsisimba na din ako lagi. Hindi ko na naranasan uli yung ganun.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon