Taga norte nga pala ako at hindi na bago sa mga taga probinsyang tulad ko ang mga kwentong kababalaghan pero hindi ko inaasahan na maging sa akin ay mangyayari ito.
Last year, kasagsagan na ng finals at todo review na halos lahat. Hindi sa pagmamayabang pero consistent scholar kasi ako sa unibersidad na aking pinag-aaralan. Ayaw ko rin naman kasing i-asa lahat sa aking mga magulang kaya hanggat kaya ay di ako nahingi ng pera sa kanila.
Back to the story, hindi lingid sa akin na may mga tao na palang kinaiingitan kung anong meron ako, ewan ko pero wala naman akong ibang alam na pwede nilang kainggitan bukod sa masasabing matataas kong grado. Third year student na ako noon at block section pa kami kaya halos lahat ng classmates ko ay higit tatlong taon ko na din nakakasama.
Nag-umpisa ang lahat ng isang araw ay mangati nalang bigla ang aking mukha, yung tipong parang ang daming lamok na gumagat. Nang tignan ko naman, parang may tumutubo nga na parang malililiit na pimples kaya, hinayaan ko nalang yun kasi akala ko dahil lang sa stress. Lumipas ang mga araw napapansin kong mukhang lumalala na ang mga inaakala kong simpleng tigyawat ko sa mukha. Dumarami na sila at halos sakupin na yung buong mukha ko. Maging mga kaibigan ko ay napapansin na rin ito. May nakapagsabi pa nga na baka na ""kulam"" na raw ako. Pero hindi ko to pinakinggan. Nagtagal pa to at maging leeg at likod ko na ay tinutubuan na din may mga maliliit na rin itong puti na mukhang nana. Naiiyak na ako nun parang kapag titingin ako sa salamin lalong dumarami nag-aalala na rin sila mama. Kaya minabuti namin pumunta na sa hospital para ipacheck-up ang kalagayan ko. Pero sabi nang dermatologist na tumingin sa akin rashes at allergy lang daw to. May mga nireseta din na gamot na lagi kong iniinom pero iba na talaga ang nararamdaman ko.
Hanggang sa magsembreak na kami noon, nag-aalala na talaga ako mukhang bawat araw na lumipas ay palala na ng palala ang kalagayan ko nanghihina na din ako. Halos buong araw ay sa loob lang ako ng bahay naglalagi. Hanggang sa isang araw may mga kulay puti na mga uod na rin ang lumalabas sa mga tumutubo sa katawan ko. Halos manlumo na ako noon mukhang wala nang pag-asa ang kalagayan ko. Dinala na nila ako mama sa ibat-ibang hospital dito sa probinsya namin para masuri kung ano man itong mga tumubo sa akin pero pare-pareho sila ng sagot. Kaya naisipan na namin magpunta sa faith healer na alam ng tita ko. Dun ko nalaman na kinulam nga raw ako, kinuha daw ang panyo ko at pinakulam ako. Isa lang naman ang alam kong kayang gumawa sa akin nun. Ang classmate kong hindi ko malaman kung bakit puno ng insecurities ang katawan. Pinahiran ako ng dala naming langis at dinasalan, matapos ay pinayuhang maligo ng pinakiluang dahon ng atis. Lumakas rin ang pananampalataya ko sa kanya nagpapasalamat na hindi niya ko pinabayaan sa lahat ng pagsubok na ito. Lagi na rin akong nagsisimba na di tulad dati ay malimit lang. Salamat sa Diyos at kalaunan umaayos na rin yung kalagayan ko nawala na rin yung tumutubo sa mukha ko at sa iba pa na parte ng katawan. Matapos nang nalaman ko na ipinakulam nga raw ako, pinagpasadiyos ko nalang sila.
Siya na bahala sa mga taong gumawa sa akin nun. Pasalamat nalang ako na hindi ako pinabayaan ng ating Panginoon.
Hindi ko alam kung paniniwalaan niyo ng kwento kong ito, pero sa maniwala man kayo at sa hindi nangyayari pala ito sa totoong buhay.
-End-

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
KorkuMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial