Uncle Ed

346 17 0
                                    

Naranasan ko lang to last year sa burol ng Uncle ko na tatawagin natin sa pangalang Uncle Ed.

Super close ko siya at siya yung pinakamabait kong kamag-anak sa lahat.

Kaya grabe na yung pagluksa naming magpipinsan dahil sa pagpanaw nya, eto na nga ikukwento ko na.

~WayBack 2013.
So here it goes, burol nya at lahat ng kamag-anak namin sa side ni Papa ay umuwi dito galing province at parang reunion na namin kasi halos lahat ay umuwi.

Mga pinsan ko ay puro mga may propesyon na at yung iba ay kapwa ko seaman din pero sila ay nakasakay na. Lahat ng pinsan ko ay nag-aya na magpahinga na dahil na din sa pagod na pagbyahe dito at kinabukasan ay sila naman ang mag-aasikaso sa mga pupuntang makikiramay.

Bale kaming limang magpipinsan ay nagbantay ng mag-damag muna sa burol at pinatulog na yung mga bisita sa likod ng bahay kasi may malaking kwarto naman na may tatlong kama kaya kasya naman sila. Medyo malaki naman yung bahay ni Uncle Ed pero medyo creepy dahil sa may eskinita na sa likod ay may mga alaga syang mga panabong na manok at may mga alaga din silang aso.

Around 2am na halos wala nang tao sa labas at yung mga nakipag-lamay at mga nagsusugal ay nag-uwian na dahil kinabukasan ay may pasok kaya kami nalang mga pinsan ko yung naiwan at nagbantay.

Nagfacebook at Instagram muna ako dahil sa wala naman masyadong ginagawa at nakatulog din yung mga pinsan ko kaya ako nalang yung gising.

Medyo inaantok na din ako kaya napag-isip isip ko muna na umidlip ng saglit. Maya maya nagising ako around 3am dahil sa parang may sumagi sa paa ko na kung ano yung dumaan. So dedma nalang pero natatakot na ako. Baka yung pinsan ko lang na dumaan at hindi napansin yung paa ko. Nagkape nalang ako at nagmuni muni muna sa paligid ng biglang nag-ingay yung mga alagang manok sa likod ng bahay so pinuntahan ko kahit medyo madilim at nakakatakot tuloy parin. Wala namang tao na gumalaw sa mga manok dahil nag-iingay yung mga alaga ni uncle na manok kapag may gumalaw sa kanila.

So bumalik ako sa loob at nagulat ako dahil may sumisilip sa kabaong. May nakiramay pa pala ng ganung oras siguro kapitbahay lang na napadaan sa burol. Pero bakit ganun ang suot nya? Lumang barong at Slacks na medyo gray na pagkaluma na ang itsura. Akmang lalapitan ko na ng biglang lumingon sya sakin at Si Uncle Ed pala yun.

Natakot ako at hindi ko magalaw yung  katawan ko. Parang na istatwa ako at kahit boses sa bibig ko ay walang lumalabas. Nakangiti sya sakin. Iba iba yung emosyon na naramdaman ko dahil sa nakita ko.

Takot, Kilabot at Tuwa dahil kahit sa huling paghinga ay hindi ko sya nakita dahil sa busy ako sa mga academics ko. Hindi parin ako makaalis sa kinatatayuan ko, pilit ko man na maigalaw ang mga paa ko pero ayaw dahil sa parang wala akong nararamdaman na kung ano man.

Bigla nalang nawala siya nung pag kurap ko at duon ko lang naigalaw yung katawan ko. Tiningnan ko ang kabaong kung nandun si Uncle Ed. Nakangiti sya at maaliwalas ang kanyang mukha. Kinabukasan ay kinuwento ko sa mga kamag-anak ko at lalo na kay mama at papa yung nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari.

Maski sa panaginip ko ay lagi ko syang nakikita.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon